12: The Comeback

278 10 0
                                    

Twelve

"Dito mo nalang ako ibaba." Sabi ko ng makarating kami sa España. Malapit lang naman 'yung dorm ko mula sa UST. Isa pa, hindi porket nagkita ulit kami.. Babalik na agad kami sa dati. Oo, gusto kong makasama siya, pero.. hindi pa rin kasi yata ako nakaka-move on. Ayaw ko nun.

Gusto ko, 'pag magkikita kami ulit. Nahilom na 'yung sakit, 'yung pagmamahal ko sakanya bilang isang lalaki. Gusto ko nawala na 'yon. But just like what I have said before, he was unforgettable and irreplacable in my heart.

"Bakit? Dyan ba sa loob 'yung dorm mo?" Tinigil niya ang motor para makababa ako.

Umiling ako. "Hindi, pero malapit lang dito." Sabi ko habang nagtatanggal na ng helmet. Binalik ko iyon sakanya. "May dinner pa kayo, pasensya sa istorbo. Salamat nga pala."

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko, "Hindi ko balak pumunta sa dinner, Aviona." Sabi niya, "I wanna talk with you."

"I have things to do, too, Archer." Dahilan ko. Ngunit checking lang naman 'yon sa report ko bukas. Tapos ko na 'yon. Pati 'yung painting.

He smirked, "Oh yeah? I know you just want to escape from us. Wala ka naman talagang gagawin, hindi ba?" Akala ko ba hindi kami nagkita ng ilang taon, bakit kabisado niya 'ko?

"Oo," sabi ko. "Masisisi mo ba 'ko? Pakiramdam ko, ayaw niyo sa akin ni Stan." Binitawan ko ang pagkakahawak niya sa akin dahil nagkakaroon lang ng bolta-boltaheng kilig ang dumadaloy sa aking katawan.

"Stan's shocked, too, Aviona. Binasted mo siya 5 years ago, what do you expect? Tapos, makikita ka niyang nagpapaligaw kay Nixon. Habang siya noon, hindi mo nabigyan ng pag-asa." Pangangatwiran naman nito.

"Grade 10 tayo nun! 4th year collage na ako ngayon! Look at the fucking difference. I'm more mature and ready for a relationship now, Arch. Atsaka, hindi ako nagpapaligaw kay Nixon! Binaste—"

"Good." Iyon lang ang sabi niya. "Binasted mo na?"

Tumango ako, "Oo. Makulit lang talaga siya at hindi ako makatanggi dahil friends kami."

"Okay," Sabi niya. "Wala kang boyfriend?"

"Duh! Manliligaw nga wala, boyfriend pa?"

"Asawa?" Tanong ulit niya.

"Wala nga! Anong asawa? Gago!" Sabi ko at nat-tense sa mga tinatanong niya.

"Bi sexual ka pa rin? Baka naman may tinatago kang girlfriend, ah?" Natatawa niyang tanong.

"Babae na 'ko! Tangina, ano bang tanong 'yan?" Nagtataka kong sambit. Bakit ano bang pakialam niya sa buhay ko? Bigla bigla na nga lang siyang susulpot ganyan pa tanong niya!

"Good, then.." He smirked like an evil, "We can drink."

"Nagtanong ka nun, tapos ang sasabihin mo lang pwede tayong uminom? Seriously, Arch?" Hindi makapaniwalang tanong ko at na-realize ang pananalita ko. Baka akalain niya ay gusto kong sabihin niya na liligawan niya 'ko! Fuck!

"Tinanong ko lang dahil baka may magselos," He smirked. "Bakit? Anong gusto mong sabihin ko, liligawan kita?"

Namula ako. "H-hindi ah! Hindi naman na kita gusto!" Pagd-deny ko naman. Damn it, you're screwed, Aviona Clarisse. Pwede ka ng magpakain sa lupa ngayon na.

Tumawa naman siya. "Well, siguro, you had experience. That's why? Pwede mo naman akong magustuhan ulit, eh. Wala namang problema." He smirked again. Pinagt-tripan yata ako nito.

"Hindi na 'ko magkakagusto sayo ulit, Archer. Huwag kang magalala."

"Bakit mo 'ko iniiwasan, kung hindi mo na pala ako gusto?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Until now, I'm blocked from your social media accounts. Pati sila Maddox, Glaire.. Hmm, ayaw mo ba talaga na magkita tayo ulit?"

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now