7: The Blind Date

299 7 0
                                    

Seven

"Everyone is excited with the upcoming Graduation Ball," sabi ko kay Katrina nung magkita kami. Ako lang ba 'yung ayaw na matapos 'yung junior year? Bukod sa sabi nila, mahirap daw ang Senior Highschool at College.. Natatakot na 'kong mawalay kay Archer, tsaka kay Eissen. Naging close kami nung pumunta ako sakanila isang sabado.

"Ako nga din eh! Finally, isa nalang 'yung magiging school namin ni Eman!" Kinikilig niyang sambit. Wow? Ako lang yata ang bitter sa pagtatapos ng school year. "Eh ikaw? Bakit parang malungkot ka?"

"Hmm.. Hindi ko nga alam." Sabi ko, "Halika mamasyal nalang tayo sa mga booths." Aya ko sakanya. Oo, foundation week namin ngayon kaya walang gawain. Sa darating na sabado na 'yung Graduation ball kaya lahat ng Grade 10 ay excited. Tapos na rin ang Prom namin.. Kaya last na talaga 'to.

Dahil nauso 'yung movie na Kissing Booth, ayan may Kissing Booth din sa foundation. Ang dami namang pumipila dahil 'yung mga crush nila 'yung pwede nilang makahalikan. Wala naman akong balak na halikan 'yung isang tao na hindi naman ako mahal o kilala man lang. Kadiri.

We ended up watching in the movie booth. We watched Nicholas Sparks movies at nakalimutan kong magdala ng panyo tapos sobra 'yung iyak namin ni Yna. Pati 'yung mga tao sa loob. Eh kasi naman sunod-sunod na nakakaiyak lahat.

"You are my dearest friend, my deepest love and the very best of me." Sabi ni Dawson Cole sa huling linya niya sa The Best of Me. Bakit naman kasi siya namatay?! Okay na eh! Magiging masaya na sana 'yung lahat.

That's the catch if you fall. You'll risk and hindi mo alam kung worth the risk ba ang lahat.

"Kaya, ikaw ate girl. Habang may time ka pa sa mundo, maghanap ka na ng lalaking mamahalin mo. Aminin mo na agad na mahal mo. Hindi mo alam baka bukas, wala na sa mundong ibabaw diba?" Nananakot na sambit ni Yna.

"Hindi ka nakakatulong, eh." Sabi ko habang umiiyak. Hindi niya naman alam na may gusto ako kay Archer. Hindi ko rin madalas mabanggit para 'di mahalata.

"Sinasabi ko lang naman," Sabi niya. Lumabas na kami ng movie house at kumain muna ng lunch tapos nanood ng football game. Sinabay na rin kasi nila 'yung intramurals sa foundation week.

"Go Archer! Go Astros! Goooooo!" Sigaw ng mga fangirls nila Archer at nung iba niyang mga kaibigan. Kaya mo 'yan ate! Laban! Hindi ko naman first time na mapanood si Archer at 'yung team niya na mag-football pero mas na-enjoy ko talaga 'to ngayon.

Ang pogi niya pa rin kahit na pinagpapawisan na 'yung buong katawan niya, ang fresh pa rin niya kung titignan mo. Mas lalo lang din akong nahulog ng makita ko 'yung pagmamahal niya sa pagf-football. He never skip trainings this year. Hindi naman everyday ang pageensayo nila dahil baka ma-injured sila non. Pinayagan iyon ng coach nila. Kaso, maaga sila tuwing umaga at gabi na sila nakakauwi after classes.

"Guevarra, goal!" Sigaw ng commentator at panandaliang nag-celebrate 'yung klase namin. Pumalakpak naman ako at nakita niya 'ko na tumayo para pumalakpak. He waved at me then winked. I smiled and cursed.

"Shot tayo?!" Sigaw niya pero hindi ko narinig kaya inacting niya nalang 'yon. I murmured pagiisipan ko dahil baka may gagawin rin ako. O kaya bibili ako ng gown para sa Graduation ball.

Ewan ko ba anong pinagkaiba ng Prom sa Grad. Ball parehas lang magastos eh.

"Ate Aviona!" Tawag sakin ni Eissen nung magkita kami. "Sumali ka na sa booth namin! Huhu!"

"Ha? Ano ba 'yung booth niyo?"

"Blind date booth po!" Nako! Kung sino man ang nag-isip ng blind date booth na 'yan puro na lang pag-ibig ang aatupagin ng mga batang 'to tuloy! Nadamay pa ako! Hinawakan ako ni Eiss. "Sige na, ate! Ako naman na ang magbabayad!"

Until The Next SunriseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin