15: The First Date

263 12 0
                                    

Fifteen

"Bakla! Akala ko ba si Nixon 'yung boyfriend mo?!" Sabi ni Nathan, iyong kaklase kong bakla. Siya lang 'yung nagiisa kong kaibigan sa UST. Hindi naman kasi ako friendly talaga.

"Gaga, hindi ko nga jowa si Nixon! Magkaibigan lang kami.." Sabi ko naman sakanya habang busy sa pagp-paint nung pinapagawa ng Professor namin. Ipapasa 'yun bukas ng umaga. Kaya ginagawa na namin.

"Eh, sino 'yung lalaking nakita ko sa labas?" Tanong naman niya. "Narinig ko hinahanap ka nga eh! Nako! Ang dami mo namang manliligaw!" Kinikilig niyang sambit.

"Ha? May naghihintay sakin? Shit!" Sabi ko, ang kalat kalat ko pa naman ngayon. Naka-messy bun ako, white t-shirt na puno ng kulay. Ginagamit ko 'yun pag nagpipinta ako. Kinuha ko ang cellphone ko na may nga text messages ni Archer.

Archer: Hey! I'm on my way to your building. Okay lang ba na magkita tayo?

Archer: I'm here. Where are you?

At hindi ko na nabasa ang iba, dali-dali na akong pumunta sa labas para hanapin si Archer. He's sitting there, waiting patiently while texting me on his phone. He didn't try to call me maybe je thought I was still in class. I smiled.

"Arch!" I called him, he waved at me then immediately walked towards my direction. "Bakit ka nandito?"

"Na-miss lang kita. Hindi ba pwede 'yon?" Namula naman ako. Hindi naman niya mapapansin dahil ang mga pisngi ko'y may mga pinta na. "You painted? Or you're still painting?" He asked when he realized I'm so dirty.

"Sorry! Ang pangit ko ba? Ang kalat ko, sorry! Magaayos muna a—"

"Ang ganda mo, Ace." He said then smirked. "Oh? Kinikilig ka na naman, sagutin mo na kasi ako!"

"Kapal mo!" Sabi ko, "May tinatapos pa akong painting pero pwede ko naman ipagpaliban 'yon. Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ko.

"No, it's okay. I can wait. Ilang oras pa ba bago matapos 'yung painting mo?" Tanong niya.

"If I'm not chasing time, pwede kong tapusin 'yun ng ilang oras. Pero since nandito ka, I can finish it in an hour." Sabi ko naman.

"Uh, I have an idea." Sabi niya naman. "May pupuntahan tayo tapos pagkatapos natin kumain, gagawin natin 'yung painting mo. If it's okay with you?"

It's a fucking great idea.

Ngumiti ako sakanya. "Okay, then. I'll go get my painting and materials, magbibihis lang ako at maglilinis sa dorm at aalis na tayo."

He nodded. "I'll just wait in my car." Tinignan ko kung nasaan ang kanyang sasakyan pero malamang ay nasa parking lot na iyon. "Tutulungan na kita dalhin 'yung painting mo."

At iyon nga ang ginawa namin. Bumalik ako sa room para ligpitin na 'yung mga gamit ko tapos kinulit ako ng bakla na kaibigan ko. "Hoy! Bakla! Jowa mo 'yung Guevarra, noh?"

Magiging boyfriend ko palang.

"Hindi pa noh!" Sabi ko, "Bakit ba? Bet mo? Sayo nalang!"

"Ito naman napaka selosa! Sabagay, 'di rin kita masisisi. Kung ako rin naman ang girlfriend, itatago ko 'yan. Hindi ko i-eexpose kasi baka manakaw ng iba," Sabi ni Nathan. "Hoy, ikaw! Ang dami mong jowa ah! Dati, si Nixon, si Franco.. Iba ka din ano?" Tumatawa nitong sambit.

Tumayo ako at ngumisi. "Masama ba maging maganda?" Pangaasar ko naman sakanya.

"Tignan mo nga 'yang hitsura mo, bakla! Nakakadiri ka! Mat-turn off 'yung bago mong jowa nyan, naku!" Na-conscious naman agad ako kaya binilisan ko ang pagliligpit ng gamit. Hindi naman ganon kalaki 'yung size ng canvas kaya kayang kaya ko ilabas ng mag-isa kasama 'yung materyales ko.

Until The Next SunriseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora