16: The Question

236 9 4
                                    

Sixteen

Ganoon ang naging sistema namin ni Archer halos araw araw. Minsan, hindi kami magkikita sa isang araw dahil sobrang busy namin. We tried seeing each other every day. But it's our last year in college. Hindi rin ako sigurado kung balak ko pa bang pumasok sa isang prestige art school para mas makatanggap ng malalaking offer.

Noon, iyon ang plano ko. After college , hahanap ako ng mas malalaking art schools. Ibang bansa man o kahit dito lang sa Pilipinas. I want to be a pro in Arts. But, Archer came back. Now, my only plan is to graduate and spend the rest of my life with him.

Iba talaga 'pag na-inlove.

Ngayong araw, isasama ako ni Archer sa gala ng barkada nila. After ng training nila 'yon, so, mga 8 'o' clock kami pupunta dun sa gala nila. Balak na namin magpaalam kay Stan at Nixon. Lagi akong kinukulit ni Nixon last week na manood kami ng PBA, pero tinatanggihan ko 'yun. Lagi kong dinadahilan na sobrang daming ginagawa.

Ayaw din kasi ni Archer na mag-entertain daw ako kahit kaibigang lalaki. Okay lang naman sa akin. Marupok nga 'ko, diba? Haha.

Archer: I'm gonna pick you up, okay? Huwag ka ng pumunta dito.

Ilang weeks na rin namin hindi napaguusapan kung paano namin kakausapin si Glaire. He never mentioned it since our first date. It's been two weeks, tho. I'm thinking na baka pinagawayan pa nila ni Glaire 'yun.

Bahala na, paguusap nila 'yun. Hindi ko na problema 'yun.

Me: Yes, boss! What should I wear? May suggestion ka? Hahaha.

Archer: Whatever you want.

Hindi pa naman namin ulit napag-usapan kung kami na ba o nanliligaw pa rin siya. Hindi ko rin balak banggitin hangga't hindi niya pa natatanong, balak ko kasing mag bakasyon kami kahit na ilang araw sa Sagada. May niregalo kasi 'yung asawa ni Kuya Aias na americana sa akin. She gave me a resthouse there, the last time I went there was a year ago. Semestral break.

Gusto kong mag bakasyon kami dun, dun ko siya balak sagutin. Maganda 'yung lokasyon ng rest house dahil malamig at kami lang 'yung may bahay doon. Malayo sa lahat. Makakapag relax ka talaga.

"May lakad na naman kayo?" Tumango nalang ako kay Yna. "Wow! Tinalo niyo po 'yung totoong mag jowa kung mag date huh!"

"Kasi, si Ely, humina na simula nung sinagot mo." Sabi ko naman. "Dapat ang lalaki, nanliligaw pa din kahit na sinagot mo na. Yun ang for keeps. Kaya kung kaya niyong tiisin na hindi kayo nagd-date, maghiwalay nalang kayo."

"Hindi kami mahilig lumabas ng bebe ko noh! Mahilig lang kami mag date sa bahay niya." Tapos namula pa siya. "Tapos.. Tapos.." Kinikilig niyang sambit.

Binato ko siya nung tshirt ko. "Ang baboy mo Katrina! Pwede ba? Huwag mo naman i-detalye kung paano kayo nagchukchakan ni Ely! Okay? Nandidiri ako." Reklamo ko sakanya dahil kung makapagkwento siya sa akin ay naiimagine ko!

"Baklang 'to! Pa-birhen pa!" Sabi niya sa akin. "Kung alam ko lang eh.." Malisyosa niyang sambit pero hindi ko nalang pinansin dahil wala namang katotohanan lahat ng sinasabi niya.

Dumating si Archer ng mga 8:30 sa dorm. Hindi naman ako nagtaka na mal-late talaga siya, alam kong naligo pa siya at nag freshen up tapos traffic pa kaya okay lang.

"I'm sorry, na-late ako." Alam na alam ko na 'yun agad ang sasabihin niya pagkabukas ko ng kanyang sasakyan. He's a time conscious man. Ayaw niya na malalate siya. He always has this principle na dapat kung may usapan, pumunta on time o mas maaga sa call time.

I didn't bother to reply, I just kissed him on his cheeks para manahimik na siya dahil 30 minutes lang naman siyang late. "It's okay, I don't mind at all."

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now