13: The Ex

256 10 0
                                    

Thirteen

[Author's Note: Thank you for reading]

"Pili ka, gusto mo dito.. Doon.. O dyan." Sabi ni Archer at hinapit ang bewang ko. Fuck, bakit siya ganito sa akin? "Huy! Ano na? Ayaw mo kumain?"

"Syempre, kakain ako! Hindi pa 'ko nakakakain ng dinner noh!" Sabi ko at tinuro 'yung lutong bahay. "Namiss ko luto ni Nanay, eh."

"Nasan na nga pala 'yung Mama mo? Nandon pa rin ba siya sa bahay niyo?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa restaurant na pinili ko.

"Hmm, oo. Kasama niya naman 'yung si Kuya Aias. Hindi na 'ko nakakabisita kay Nanay except 'pag mahaba 'yung walang pasok.." Pagpapaliwanag ko naman, "Eh ikaw? Kumusta naman pamilya mo?"

"Okay lang! Masaya naman." Sabi niya, "Medyo protective ako kay Eissen, kasi maraming nanliligaw sakanya." Natawa naman ako don.

"Hayaan mo nalang masaktan, lahat naman natututo kapag matapos silang masaktan, 'di ba." Sabi ko naman kay Archer.

"Hindi pa siguro ako handa na makita si Eissen na masaktan," Naantig naman 'yung puso ko sa sinabi niya. Minsan, nakakamiss magkaroon ng Kuya na poprotekta sayo kapag nasasaktan ka na. Katulad ni Archer. "Nakikita ko kasi sakanya na hindi pa siya handa sa seryosong relasyon."

"Hmm, ikaw bahala."

"Order na nga lang tayo.. Miss!" Tawag ni Archer sa waitress. Dali-dali namang pumunta si Ate, nakangiti ang bakla. Kaloka ka ate. Bawal malandi. "Anong gusto mo?"

Tumingin ako sa menu, "Pork Adobo, Sinigang tsaka.. halo-halo sa dessert." Tumango naman ang waitress.

"Ako, miss, dagdagan mo nalang ng dalawang extra na kanin. Tsaka dalawang order ng halo-halo," Tumango naman 'yung waitress ulit.

"Sure ka? Wala kang ibang gustong orderin?" Tanong ko naman dahil 'yung order ko lang ang kakainin namin mamaya.

"Masarap naman 'yung inorder mo eh, okay na 'ko dun." Tumango nalang ako at natahimik ulit kami. Tumingin tingin ako sa paligid para hindi kunwari awkward. "So, ano? Kumusta?"

"Okay lang.." Sabi ko, "Huwag na tayong mag-kamustahan. Wala namang umaamin na nasaktan sila."

"Umamin ako, ah.." Sabi niya, "Nasaktan ako nung umalis ka."

"Okay na 'yun, nandito na nga 'ko diba." Sabi ko, "Hindi ka talaga nagkagirlfriend ulit?"

Umiling siya. "Nakalimutan ko na magkaroon ng love life kakafocus kay Glaire eh. Nakalimutan ko na 'yung sarili ko." Malungkot niyang sabi, "Pero masarap naman mahalin si Glaire.. Kahit alam mo na."

"Sinabi ko naman na sayo na nagka-boyfriend ako 'di ba?" Tumango naman siya.

"Kailan ka nagka-syota? Bakit kayo naghiwalay?"

"First year college. Nakita ko siya sa condo niya na nakikipaghalikan sa ibang babae," Mahinahon kong sabi. Naka move on na talaga ako kay Franco, dahil din kay Archer.

"Gago pala 'yun eh," Galit niyang sabi. "Sa ganda mong 'yan? Lolokohin ka lang? Sino ba 'yun, aabangan ko!" He exclaimed.

"Baliw! Ang tagal naman na nun, okay na 'ko."

"Ako, hindi ako okay dun. I'm sorry wala ako nung niloko ka nung lalaking 'yon, makita ko lang talaga 'yun.. tangina." Galit na galit niyang sabi na para bang kaka-cheat lang ni Franco sa akin. Natuwa naman ako na concerned siya. "Pero, paano kayo nagkakilala ni Nixon? Hindi ka niya naman binabanggit sa amin! Ang sabi niya lang may nililigawan siyang tiga-UST."

"Kaibigan ni Nixon 'yung boyfriend ni Yna, 'yung bestfriend ko, remember? Ayun. Nanood kami nung game ni Nixon, actually, crush ko nga siya nun kasi ang galing niya!" Puri ko naman kay Nixon. Kung naririnig ako nun, aasarin na 'ko! Haha!

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now