24: The Fixing

203 14 0
                                    

Twenty-Four

"Oh? How was your trip?" Tanong ni Katrina nung makauwi ako. Hindi na ako tinulungan ni Archer papunta dito dahil kaya ko naman na at alam kong pagod na pagod na rin siya. Tatlong araw lang kaming nagtagal doon, dahil pagbukas namin ng aming mga cellphone. Mga praning na mga tao na agad ang bumungad.

Pati si Tita Calli, minamadali na ako sa painting. She has to see it daw muna. Kaya kailangan na rin namin makauwi kahit na gusto namin na isang linggo doon.

"Masaya." Iyon lang ang isang salitang kaya kong sabihin. What happened in Sagada. Stays at Sagada. Between the both of us. We want to keep it to ourselves. We only had few pictures.

"Ayun lang?!" She exclaimed.

"What do you want me to say? He kissed me?" I can't believe this girl!

"Oh yes! Kung magk-kwento na rin, i-detail na teh! Hindi iyong bitin at pa intense. So, how was his kisses? Is his pet b—"

"Oh my gosh, I can't believe you, Katrina!" She laughed while I was blushing. "Walang ganoon!" Sabi ko kahit na meron. Halos inaraw araw yata ni Archer sa Sagada. Nasanay eh?!

"Ako, wag mo akong lokohin, Aviona Clarisse! Meron kang chikinini sa collarbone mo!" Nguso niya pa at mabilis ko namang tinakpan 'yon. Pagkakita ko'y wala naman. "Fuck! Wala kaya! Joke lang!"

Binato ko naman siya ng unan. "Tangina ka!" Sabi ko naman

"Huli ka." She said but then I walked out. When I undressed myself I looked at the mirror, he left marks ngunit sa likod ko lamang iyon. Wala namang chikinini sa collarbone ko. Baliw talaga ang kaibigan ko.

So what I did today was for my first exhibit next month. Si Archer ay tinawagan ako nung mga hapon na, nakatulog daw siya dahil sa pagd-drive at naitindihan ko naman 'yon.

Wala na akong masyadong ginagawa sa dorm kaya naman naisipan kong mag mall nung mga sumunod na araw. Hindi kami nagkikita ni Archer dahil sinasama siya ng kanyang Papa sa kompanya na siya ang magmamana. Naiintindihan ko naman 'yon ngunit 'di ko pa rin mapigilang magtampo. But still he's being honest.

Not until I saw him, in Vertis North. He was with Glaire and Nixon. They were laughing. Bumibili ng mga gamit pambata, nakita ko ang baby bump ni Glaire. Hindi ko nga alam bakit ako naluha. Naiyak ako dahil parehas sila ni Nixon na nagsinungaling.

Glaire is pregnant. It was sure. That's why she's gone all along. Kaya pala. At sinusuportahan naman siya ni Archer while me? I was blinded by his love. Blind that I can't figure out why he lied again. Why can't he be honest? Bakit ba ayaw niya 'kong pagkatiwalaan?

So, the next day. Mula umaga'y ako ang naging unang bisita ng isang bar. Malayo sa BGC, at malayo sa amin. Wala akong pakialam paano ako makauuwi basta't ayaw kong masundan ako ni Archer. Nung kinagabihan, ay naramdaman ko na ang sobrang pagkahilo. I was half conscious. I just felt someone behind me. But I didn't react. Basta't iniintindi ko nalang gaano kalungkot yung pagsisinungaling sa akin ni Arch.

Nakatulog na lang ako hanggang sa nagising ako at umaliwalas ang aking paningin, I was sure it's dawn. Napatingin ako sa phone ko at ang daming tumawag sa akin. Ni isa wala akong sinagot kahit si Nathan at Yna.

"Ma'am? Meron ho ba kayong masasakyan o may magsusundo sainyo?"

Hindi ko pinansin ang bartender at dire-diretso lamang na lumabas sa bar. Hindi ko na nga alam anong itsura ko. Kahit anong inom ko, hindi pa rin ako makalimot. Nasasaktan ako at ayaw kong malaman ni Arch na alam ko. Kasi kahit nagagalit ako iniintindi ko pa rin siya. Pinagkakatiwalaan ko pa rin siya.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now