18: The Goodmorning Kiss

264 13 2
                                    

Eighteen

It's been a month. Nakalipas na ang isang buwan mula noong una kaming nagkita. It was the month, I cherished the most. I never felt happy, really happy my whole life. Mas masaya pa sa moments namin years ago.

Archer: Why don't you say yes to me already? Pinapaasa mo lang ako, Ace eh!

Napangiti ako sa nagiinarteng text ni Archer sa akin habang may vacant ako. I was planning on making a painting for his birthday, balak ko talaga siyang dalhin sa Sagada. Malayo pa naman ang kanyang birthday pero pinagiisipan ko na agad. Bakasyon na iyong birthday niya, pero before 'yun ng graduation.

Me: Hindi na kita sasagutan, sige. Ayaw ko na sayo.

Archer: Joke lang. Ito naman, kahit 5 years pa ulit kitang ligawan para maging akin ka. I won't complain.

Me: Don't tempt me. Baka five years pa talaga bago maging tayo.

Archer: Kahit sagutin mo ako ngayon, liligawan kita hangga't pumuti nalang 'yung buhok nating dalawa. As long as you're happy with me.

"Ayan na naman si Bakla, kinikilig na naman tapos sasabihin niya sa akin na wala!" Sabi ni Nathan tapos ay umupo sa harap ko. Hindi ko siya pinansin dahil busy ako mag type para sa aking reply, ngunit inagaw niya 'yon.

"Nathan! Baklang 'to!" Sabi ko ngunit hindi ko na naabot sakanya.

"Liligawan kita hangga't pumuti nalang ang buhok nating dalawa, as long as you're happy with me." Basa niya doon na medyo narinig ng mga katabing table namin. Binalik niya ang cellphone sa akin, "Tangina naman bakla. Ako itong nakakaluwag luwag sa ating dalawa ako pa 'yung nabakante. Ang unfair! Maganda din naman ako!"

Tumawa ako. "Alam mo kasi, Nathan. Kung mas pinairal mo 'yung pusong lalaki mo, edi sana marami kang jowa! Ang daming nag-gwapuhan sayo noh! Kung lalaki ka nga lang, baka walang Archer eh!" Biro ko naman.

"Bahala na, basta hindi magiging lalaki." Um-awra naman ang bakla sa harap ko. "I was born to be a woman. Nagkamali lang talaga si Nanay, babae talaga ako." Tumawa naman kami parehas sa sinabi niya.

Nung uwian na, nakita ko na agad si Archer sa labas ng building namin. Tatakbo na sana ako papalapit sakanya ng makita kong may kausap siyang babae, hindi iyon taga dito sa building pero siya ay isang volleyball player. Kaya siguro magkakilala sila. I know, she's a setter in volleyball.

Napansin ako ni Archer na nakatayo lang doon, he didn't approached me. Binigyan niya lamang ako ng senyas na lumapit ako, ako naman lumapit din. Ang ganda nung babaeng kausap niya, pakiramdam ko tuloy crush siya ni Archer. Mas toned 'yung body, sobrang sexy. Mas sexy sa akin.

I cleared my throat, he snaked his arms around my waist. There, I saw the girl. We both smiled at each other. I can't help but feel jealous. Bakit ako? Hindi pupwedeng maging close sa ibang lalaki hangga't 'di ko siya kasama. Pero siya, okay lang? Damn it. Aviona, stop overthinking!

"Ace, this is my friend, Jenny." I know her! Jennifer Lei Go, she's also know as Jelay on court or Jenny. Told you, I watch sports. "Jenny, this is Ace my.."

".. Girlfriend." I stated. I saw how he slowly had a smirk on his face. Malapad ang ngiti ng mokong na si Archer sa sinabi ko. "Nice to meet you! You're a setter, right? I watch volleyball kasi!" Maarte kong sambit para makalimutan ko 'yung sinabi ko.

Bakit? Magiging girlfriend naman talaga niya 'ko ah. Shit. Nakakahiya pa rin 'yon, Ace.

"Wow! I'm flattered. Good for you, Archer! May magc-cheer na rin sayo sa games! Hindi nalang 'yung cheerleading squad ng La Salle, 'di ba?" We laughed. "By the way, it was nice meeting you both. Sorry, but I have to go. May usapan kasi ang team na dinner!" She announced.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now