4: The Special Someone

341 10 0
                                    

Four

"Katrina!" Sigaw ko nung makita ko si Yna sa canteen. My god, lagi naman ganito 'yung eksena sa canteen kapag nagkikita kami tuwing break at lunch. Miss na miss namin 'yung isa't isa kasi hindi kami parehas ng section. "Ano ginawa niyo sa klase ni Ma'am Portacio?"

"Ay nako! Ang higpit pala non? Kasi diba new teacher palang naman. Ayun, ang higpit niya. Nakakantok din siya magturo ng El Filibusterismo! Sayang! Gusto ko pa naman matutunan kaso nakakatulog talaga ako." Reklamo ni Yna at 'yun ang naging kwentuhan namin.

"Ano ba mga bagong chismis dito sa eskwelahan? Naging busy rin kasi ako sa pag-aaral, eh." At sa pakikipaginuman kay Archer madalas.

"Ayun, wala naman. Si Astros Dominguez, single pa rin. Halata na hanggang ngayon hindi pa rin niya napapansin si Glaire. Ang ganda ganda non, pero parang hindi naman talaga sila meant to be. Mas bet ko si Glaire at Archer! Ang gwapo talaga non I mean parehas silang pogi. Nevermind! Lahat sila!" Nabingi na ako nung narinig ko 'yung pangalan ni Archer.

Oo nga. Magkaiba talaga kami ng mundo. Mas bagay sila. Kahit 'yung kaibigan ko, mas bet sila.

"Sana nga sila nalang ni Glaire," Dugtong ko nalang upang sumang-ayon.

"Alam ko nililigawan 'yun ni Archer, eh. Ewan ko ba ba't ang gulo ng tropa nila." Sabi naman nito. Kumain nalang ako ng mabilis para mas makipagkwentuhan kay Yna. Minsan maganda talaga 'pag may chismosa kang friend.

"Miss." Nanlaki 'yung mata namin, nandito ba naman sa harapan namin 'yung isa sa mga kaibigan nila Archer? Sinong hindi magugulat. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa canteen. "Pwede ba makuha number mo? Dare lang.."

"2366." Bastos kong sambit pero pabulong. "Sino ba samin 'yung hinihingan mo? Ako ba o 'yung kaibigan ko?"

Tumingin naman si Constantine sa tropa niya na tawa lang ng tawa. Bumaling din ang tingin ko don, nagtama ang tingin namin ni Archer na halatang ako ang tinuturo na kuhanin ang number ko. I mouthed him a curse.

"Ikaw daw, Miss, eh.." Sabi nito.

"Sabihin mo, huwag kami ang pagtripan." Naawa naman si Yna dun kay Stan pero syempre nananahimik na nga lang kaming dalawa dito. Gagamabalain pa kami ng mga kaibigan niya, hindi naman nakakatuwa 'yon. Kaya hindi ko gusto na maki-join sakanila kahit na minsan ay pinipilit ako ni Archer.

"Uy, grabe ka sa kaibigan ko! Crush ka talaga non ni Stan, eh. Nahihiya lang." Ako nga crush kita nahihiya lang din ako. Haha.

"Kung crush niya 'ko, pasabi thank you. Malamang sisiraan mo na 'ko sa mga kaibigan mo lalo na kung crush pala 'ko ni Stan." Hindi lang naman 'yun 'yung unang pagkakataon ko na napansin kong may gusto sakin si Stan, eh. Napansin ko na 'yun nung dati pa. Hindi lang ako kumikibo.

"Aba, hindi ako ganon! Hahahaha!" Tawa niya. "Birthday na ni Eissen bukas, may damit ka na?"

"Formal pala 'yon? Maj-jeans at crop top lang sana ako!" Tumatawa ko pang sabi.

"Huwag ka magalala, mismong si Eissen wala pa ring susuotin." Ngumisi naman siya. "Ano? Samahan kita bumili, ako na bibili ng damit mo. Wala pa rin akong damit eh."

Kinikilig ako, punyemas naman na puso 'to oh! Bakit ba kasi ang sweet sweet ng lalaking 'to? Akala niya siguro hanggang ngayon, tomboy pa rin ako sa paningin niya.

"Nakakahiya, ako na lang kaya ko naman mag-isa." Sabi ko.

Pinalo niya 'yung balikat ko ng mahina, napatingin ako don. "Ngayon ka pa nahiya, ilang beer at wine na 'yung nabili ko para sa'yo eh! Sige na, ako naman nagimbita. Samahan kita mamaya. Samahan mo rin ako."

Until The Next SunriseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant