3: The Place

373 9 0
                                    

Three

"Sana lahat ng bagay naidadaan sa alak, noh?" Sabi ko habang bumabyahe kami pauwi. 6:30 na ng umaga pero hindi pa kami nakararating sa amin. Sabi niya babawi daw siya sa 'di paghatid sa akin nung naginom kami. "Edi sana naka move on ka na."

"Panandaliang takas lang 'yung alak, pero kung magm-move on ako gagawan ko ng solusyon.. Hindi ako iinom." Sabi naman niya. "Hindi ko pa rin kasi kaya, Ace." First time niya tawagin akong Ace. Nung naglaro kasi kami kanina nabanggit ko 'yung initials ng pangalan ko. Ace.

"Bakit?" Sabi ko.

"Mahal ko kasi talaga, ang hirap pakawalan." Sabi naman niya. "Alam mo 'yung pakiramdam na sinasaksak ka na ng maraming kutsilyo sa buong katawan mo, pero may isang hindi nasaksak kaya 'di ka pa patay, 'yung puso mo." Ang lalim nung sinabi niya kaya naman bumuntong hininga ako. "Buhay na buhay ka pa rin kahit na nanghihina ka, kasi lumalaban pa 'yung puso mo. Gusto pang mabuhay. Lalaban pa."

"Basta ako, isang sabi mo lang ng shot tayo game agad ako. Libre na nga, eh.. Aayaw pa ba?" Tumawa kami parehas. "Dito nalang ako!" Sabi ko naman

"Ha? Hindi, ihahatid kita sainyo. Mamaya pagalitan ka pa eh." Sabi naman niya sa akin.

"Dito na lang ako, isang trycicle nalang 'to sa amin eh. Sabihin pa ng mga kapitbahay namin may kano akong nabingwit! Eh kung makachismis akala mo totoo!" Dahilan ko.

"I don't care, Aviona Clarisse." Seryoso niyang sambit. "Huwag kang bababa, ihahatid kita." Hindi na 'ko lumaban pa at tumango na lang. Nakakatakot naman pala 'to. Ang gwapo magalit.

Hindi ko alam ba't si Astros pa 'yung nagustuhan ni Glaire eh, hello, nasa kanya na 'yung lalaking mahal siya pero pinipili niya pa rin 'yung si Astros?! Girl? Talaga?

Pero siguro ganun talaga 'yung fate nila. We don't always get what we want. Hays. Poor Archer.

"Dito na bahay ko." Sabi ko naman matapos ang tahimik na byahe papunta sa amin. Tinuro ko ang katamtamang laki ng bahay namin hindi naman nakakahiya tignan pero 'yung mga tao lang din kasi dito ang c-chismosa lang. Lahat nga sila nakatingin sa kotse eh! Buti nalang naka-tint. "Salamat sa libre ah! Salamat din sa paghatid!"

"Salamat sa pagsama," Sabi niya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Birthday ni Eissen, 'yung kapatid ko, next week. Imbitado ka, may inuman sabi ng Papa ko pero after ng umalis ng mga kaibigan ni Eissen tsaka ibang oldies." Tumatawa na agad ako sa sinabi niya.

"Katatapos lang natin sirain liver natin, ah? Pwede ayusin ko muna. Break muna. Hahahaha." Sabi ko.

"Next saturday pa naman!" Sabi niya. "Punta ka, ah?" Tumango naman ako sakanya tapos nagpaalam na talaga kami sa isa't isa. Tinuro ko 'yung direksyon pabalik at umalis na siya.

"Bakit ngayon ka lang, Clarisse?" Tanong ni Mama sa akin. Kinabahan naman agad ako pero hindi naman kami ganon ka-okay ni Mama, kaya wala akong pakialam kung minsan maging bastos ako.

"May inasikaso lang po, Ma." Sabi ko naman at hindi na nag-abala pang tumingin sa mga mata niya. "Nakikain na rin po ako, kaya 'wag na po kayo mag-abala pa.."

Dire-diretso naman akong umakyat sa kwarto ko. Ganito lagi ang eksena namin ni Mama sa bahay lalo na 'pag kaming dalawa lang, 'pag may itatanong siya sasagot ako ng walang esksplenasyon. Minsan, manghihingi lang ako ng baon pero may patong 'yon para bayaran 'yung mga kailangan sa eskwelahan. Minsan naman mangungutang ako kung kani-kanino para lang may ipambili sa gagawin kong painting o kaya project.

Mas malamig pa sa yelo 'yung estado ng relasyon namin ni Mama. Kaya nga nung nagkaroon ng Archer, medyo gumaan naman na.

Para maibsan 'yung lungkot, ipininta ko nalang 'yung nangyari kaninang madaling araw. Sa ilalim ng madilim ngunit makinang na langit, nandoon kami. Umiinom at nagk-kwentuhan na naman. Nag-cheers kami doon sa painting. Kasama 'yung Ranger niyang kotse na kinuha niya sa Tatay niya.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now