9: The Confession

280 12 2
                                    

Nine

"May I have this dance?" He politely asked me. Parang nawala na 'yung banas ko sakanya. Ngumiti siya sa akin ng matamis kaya tinanggap ko naman ang alok niya.

[Play The Night We Met by Lord Huron]

"This is your favorite song right?" He asked while we were dancing, yeah. It is. Perfect song for us.

"Oo, at saktong sa atin pa talaga naiplay." Sabi ko naman sakanya.

"Naalala ko tuloy 'yung blind date. Pustahan si Eissen din ang pumilit sayo?" Tanong niya at natawa ako sabay tango. Iyong bata talaga na 'yon! Siya din mamimiss ko. Hindi na kami makapagbonding ulit! "Pero seryoso ah, kung totoo talaga na tayo si Allie at Noah? Liligawan kita."

"Kaso hindi," putol ko sa nagpapantasya kong puso. Naagaw buhay na siya sa ngayon.

Oh, take me back to the night we met.

"Saan ka lilipat?" Tanong niya

"Nag entrance ako sa UST at FEU. Sa Collage of Arts kung hindi man ako matanggap," Explain ko naman sakanya. Alam ko lumabas na 'yung results ng entrance kaso hindi ko pa nac-check.

"Sana sa UST ka," he said. "Atleast Taft ako, España ka lang. Pwede pa rin tayong magkita."

"Sana matanggap ako sa scholarship, mahal sa UST eh. Triny ko lang naman talaga," Sabi ko dahil wala naman akong balak na mag-enroll kung hindi ako makakakuha ng scholarship.

"Sus! Kaya mo 'yun." Sabi niya, "Ano ba 'yan ba't parang mamimiss kita? Parang pakiramdam ko malalayo tayo.." Gusto ko na sumabog sa kilig, tangina. Kinikilig ako.

"Mamimiss din kita, Cairos." Sabi ko, "Salamat sa friendship."

"Bakit ka nagpapaalam? Magkikita pa naman tayo, huy! Wag ka namang ganyan. Pinapakaba mo 'ko." Sabi naman niya sa akin, "Pupuntahan pa rin kita sa inyo kung sakaling gusto ko uminom. Kahit malayo, pupunta ako."

"You don't need to. Malamang may makikilala kang mga bagong ka-inuman sa La Salle, mas marami ng pwedeng maging mayaman na kainuman. Hindi mo na kailangan magtiis sakin.."

"Aviona Clarisse, why are you like this.. Damn it." Hindi niya mapigilan mainis, "Galit ka ba sa akin? Dahil ba 'to sa gagong date mo? Bakit namamaalam ka? May sakit ka ba, Ace? Huh? Answer me!" Nagaalala niyang sambit.

"Huwag ka muna magsalita. Ako naman." Tumango lang siya kahit na gusto na niyang mainis sa akin. "Naalala mo nung una tayong nagkakilala? Grade 9, non diba. Common friends. Nag-inuman tayo non, kahit fourteen palang ako at fifteen ka. Menor de edad pa, pero ang galing na natin uminom. Ayun, naging friend ko ang isa sa mga sikat na lalaki sa eskwelahan."

"Grade 10. Naging magkaklase tayo, buong year isang space lang ang pagitan natin at magkausap na tayo. Ako lang 'yung kausap mong babae dahil lahat sila nahihiya sayo. Swerte ko nun noh? Haha." Peke ang aking tawa dahil nagpipigil na 'ko ng luha. I can't stare at him long kaya nagmamadali na ako. "Prom. Naging date ni Astros si Glaire, syempre sobra kang nasaktan. Uminon tayo. Dun na nagsimula 'yung one of many lasing moments natin na halos every week yata eh umiinom tayo."

"Hindi ko namalayan, bawat gabi na kasama kita sa tawanan, sa kalasingan, sa walang sawang kwentuhan. Hindi ko namalayan na sinama ko pala 'yun puso ko. Nadali mo, eh. Napapangiti mo 'ko, Arch, eh. Napapasaya mo talaga ako ng todo. Napamahal ako sayo hindi lang dahil bestfriend kita, kundi mahal kita." Sabi ko sakanya at ngumiti ako. Kahit na nanlaki 'yung mata niya. "Pero, nandon pa rin ako kahit na puro Glaire nalang lagi ang lalabas sa bibig mo. Susuportahan pa rin kita kasi tol tayo eh? One shot away lang ako! Diba? Hindi kita iiwan para lang sa ego ko."

Until The Next SunriseWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu