23: The Always

223 17 0
                                    

Twenty-Three

AVIONA

Today is Archer's birthday. Madaling araw pa kaming gising at umiinom sa kanyang condo, sa veranda. Gusto niya daw mula 12:00 am hanghang 11:59 pm ng kanyang kaarawan ay katabi niya ako. Ubod ng OA ang boyfriend ko.

Ilang araw na simula nung okay kami. As in okay na talaga. Masaya lang dapat kami dahil birthday niya at tulad ng pangako ko, I will bring him to Sagada. Kagabi pa handa 'yung gamit ko, at gamit niya. Ngunit ngayon palang kami babyahe.

"Bakit Sagada?" Tanong niya while driving. "Eh hindi ba, dyan pumupunta 'yung mga broken hearts?"

"Pwede rin naman pumunta 'yung mga in love ah?" Sabi ko naman sakanya. "May rest house ako don na bigay lang sa akin."

"Ang bait naman nung nagbigay sayo? Bakit wala pa lang siyang interes sa property?"

"Mahabang kwento. Basta nagtitiwala siya na maalagaan ko 'yung property nila." Tumango na lamang siya habang ako naman ay nakatingin sa dinadaanan namin habang nagkakantahan at nagkkwentuhan kami.

"Happy Birthday." Sabi ko ulit.

"Babe, araw araw naman birthday ko basta kasama kita." Banat naman niya.

"Bakit?"

"Laging masaya tapos tuwing kasama kita alam ko na bakit pinanganak ako sa mundo." He winked.

Tinampal ko naman siya, "Bolero! Ewan ko bakit 'di ka nagka jowa noon kung ganyan ka bumanat!"

"Loyal sayo, haha." Umirap na lang ako.

"Grabe! Nag abang ako kung may sweet message ka man lang sa akin!" Reklamo niya. "Ipagmamayabang ko pa naman sana sa mga kaibigan ko,"

"Anong mas gusto mo? Mag post ako ng message sa social media pero 'di mo 'ko kasama, o magkasama tayo kahit na hindi ako makap—" Agad na niya akong hinigit para halikan ang aking noo. Mabilis lamang 'yon dahil baka mabangga kami.

"Joke lang." He laughed.

"Kapag nandoon na tayo, wala munang cellphone." Tumango lamang siya. "Tayo. Tayo lang."

"Sana pala araw araw nalang birthday ko. Kasi sobrang tamis mo eh!" Asar niya.

"Eh di tatanda ka kaagad."

Sinulyapan niya lang ako sandali at muling binalik ang kanyang tingin sa daan. "Getting older with you is not a problem, Ace. I can get old every day if it means being with you every second."

Ang sarap lang sa feeling. Kahit na magiilang buwan na rin kami, hanggang ngayon nakakaisip pa rin kami ng mga bagong bagay na pupwede naming gawin. Bukod sa pag inom, at mga nakagawian na namin. Nagagawa pa rin naman makaisip. Ang saya, sobrang saya.

"Gusto kong malaman ang love life mo." He uttered

"Ikaw lang yata 'yung legit na love life ko?" Nangiinis kong tanong sakanya.

"Tss. Buti ka nga nagkaboyfriend ka, ako nga tigang."

"Inamin mo din!!!" Asar ko.

"Nagbibiro lang ako.." Ngumisi naman siya.

"Oh. I forgot your Archer Guevarra." Nagseselos kong sagot. "Women fall for your words and actions.."

"But it's only Aviona Clarisse who captivates me, inspires me and loves me dearly. Women fall for my words and actions while you fall because of the heart and flaws that I have and I will have."

Teka. Grabe 'yung atake.

Ilang oras pa ang aming ginugol ngunit nakarating naman kami ng alas dose ng hapon sa rest house. Walang caretaker, kaya 'di na maintain. Ngunit ang ganda padin nito.

Until The Next SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon