28: The Apology

209 11 0
                                    

Twenty-Eight
AVIONA

Umuwi kami ni Archer sa condo niya. Hindi na ako nakipagtalo pa, sinubukan kong sabihin sakanya pero syempre si Glaire pa rin kasi siya 'yung mas nangangailangan eh diba? Siya!

"Aalis ako mamayang madaling araw." Sabi niya sa akin.

"B-bakit?"

"Do you want me to be honest?" Tumango ako. "What you did today, you went to Glaire's condo. After that, Nixon texted me. Naabutan namin si Glaire doon, nanghihina, katabi yung mga kung ano anong pills. Nakapikit."

Nakakaawa pero hindi pa rin ako naniniwala. Of course she'll take advantage of our talk, tangina.

"And t-then?"

"We went to the nearest hospital. That's why we were calling you, tatanungin sana namin kung ano bang pinagusapan ninyo dahil sobra siyang nastress, Ace. Delikado pa rin ang baby niya kaya iniiwas namin siya sa stress pero ayun ang nangyari."

Kasalanan ko pa.

"Gusto mong malaman? Anong pinagusapan namin?"

"Kung magaaway lang rin tayo ulit, mabuti pang huwag na lang." Sabi niya at napamasahe sa sentido niya habang nakapikit.

"Sinabi ko na sayo, ginagamit ka lang ni Glaire. Kung hindi mo gusto tong pakinggan, isa yan sa mga pinagusapan namin." Sabi ko sakanya,

"I'm not saying this because I'm your girlfriend, I'm saying this because I am still your friend."

"Aviona, please. Buntis 'yung tao." Tumingin nalang rin ako sa kisame. Puro constellations.

"Arch." Sabi ko, "I miss you." Mahina kong sabi.

"Miss na rin kita," Sabi niya at niyakap ako. "Let's call it a day, matulog na tayo."

Bad days will pass. Our love will last.

"Arch?"

"Hmm?"

"Sigurado ka pa rin ba? Sa akin? Sa atin?"

"Ace, ikaw 'yung sigurado sa isang libong duda. Hindi ako nagduda kahit na nagkakasakitan pa tayo." Sapat na yun para matulog ako, sana panaginip na lang lahat nung sakit na nangyari.

ARCHER

"Pa." Sabi ko, "Napapagod na po ako."

Umaga palang ay bumisita na ako kay Glaire sa ospital kaya naman dumiretso na ako sa bahay pagkatapos. Kailangan ko lang muna ilabas 'to.

"Congrats, umamin ka rin." Sabi ni Eros sa kanya at pinaupo siya sa tabi niya.

"Hindi ko alam kung sino pang paniniwalaan ko, Pa." Sabi niya, "Malinaw sa akin sinong mahal ko, at 'yon si Aviona. Pero iba 'yung kwento na sinasabi nila, 'di ko alam kanino ako maniniwala."

Tapos kwinento ko kay Papa yung lahat ng nangyari kahapon. Yung pagccollapse ni Glaire, yung pinagusapan daw nila ni Aviona. Tapos yung away namin ni Aviona.

"Nak," Sabi niya sa akin. "Kung sinong mas mahal mo, mas maganda kung 'yon ang papakinggan mo at susundin mo."

"Pa, pero kailangan ako ni Glaire." Sabi ko

"Pano kung tama si Aviona? It will kill you. Hindi ka nakinig sa taong mahal mo." Sabi niya na medyo nakapagpamulat sa akin.

"Paano kung tama si Glaire?" tanong ko

"It will kill you." At hindi ko na naintindihan. He smiled, "Parehas masakit, parehas mong pagsisisihan. Pero sino ba 'yung mas worth it, 'nak? Si Aviona ba? o si Glaire? Regardless of their situation."

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now