19: The Facetime

249 15 7
                                    

Nineteen

"Bakla, may gawa ka ba dito?" Tanong ni Nathan habang busy ako gumawa ng notes. Tumango naman ako. "Weh? Pa send naman mamaya sa akin! Nakatulog ako eh!"

"Tsk. Tsk. Baka naman kasi ayaw mo lang sa Prof dahil babae at hindi maganda ang make up?" Pangaasar ko.

"Oo! Pak!" Sabi niya. "Ang corny ni Ma'am mag make up, akala ko ba mahilig 'yun sa arts? Bakit ganern! Diba!"

Ilang araw nalang start na ng finals. Kaya naman, binawasan na namin ni Archer 'yung pag labas. Minsan, magkasama lang kami para mag aral. Sa condo niya. Tulad kahapon.

Todo review kaming dalawa dahil sino bang ayaw makapasa, diba? Do or die na 'to eh. Last na. Pagkatapos nito, bahala na. Basta maka graduate ako.

"I want you to make a simple artwork." My professor said, "Illustrate the person who inspired you to become an artist. Write your explanation at the back." Simple lang ang instructions ng prof namin at 'di ko alam bakit pang highschool ang gawain na 'yon.

Archer. Siya agad 'yung pumasok sa isip ko. Kapag tinatanong sa akin bakit gusto kong maging artist o kung sino 'yung nag inspire sa akin, walang iba kung hindi si Archer. He was the greatest masterpiece of my life. He was my first art. Art that I didn't created, but thankful that he existed.

Ngunit 'di ko alam paano ko siya id-drawing. Shocks, sa dami naming memories na magkasama tapos bakit hindi ko na kaya? Hays! Ano ba, Aviona! Tumigil ka!

At ayun, ginugol namin 'yung mahigit isang oras para lang mapaganda 'yung simple artwork namin. Sinabi sa amin ni Prof na kaya niya 'yun pinagawa ay dahil gusto niya ipaalala samin na sa oras na mahihirapan na kami isipin namin para kanino, sino at bakit kami nagsimula. Bakit pinili namin ito.

"Nixon?"

"Nandyan ka na pala, kanina pa 'ko naghihintay." Sabi niya kahit na hindi ko alam bakit siya nandito.

"May problema ba? B-bakit?"

"Wala, relax ka lang, Aviona." Sabi niya at ngumiti. "May pinuntahan kasi 'yung boyfriend mo."

"Bakit hindi niya nalang sinabi sa akin? Pwede naman akong umuwi nalang. Malapit lang naman 'yung dorm ko dyan." Sunod sunod kong sabi.

"Alam ko. Alam ko." Sabi niya, "Pero kasi sabi niya samahan na muna kita papunta dun sa dapat na pupuntahan niyo tapos susunod nalang siya." Dahilan niya and I didn't like Archer's reason. Why does he need Nixon? I can do it myself!

"Tell me." Seryoso kong sambit. Iniwasan niya 'ko ng tingin. "Nasaan si Archer?"

"May training kasi sila, Avi. Late kasi 'yung uwian ng seniors kaya late din sila mad-dismiss." Sabi niya naman, "So, saan na nga ba 'yung pupuntahan dapat ninyo?"

"Nixon, dapat ay hindi ka na pumayag sa sinabi ni Archer. Hindi ko naman kailangan ng kasama. Gusto niya lang talaga akong samahan." Paliwanag ko.

"Gusto din kitang samahan, ayos ba?" Pilyo niyang sabi. "Huwag ka ng tumanggi, Aviona." Hindi pa rin ako makumbinsi ni Nixon. Bakit pakiramdam ko may tinatago siya sa akin?

"Take me to their training." Utos ko at nanlaki 'yung mga mata niya. Nanliit naman 'yung akin. See? He is guilty! "Hindi mo 'ko narinig, Nix? Uulitin ko pa?"

"He's not in t—"

"Where the fuck is my boyfriend? Huh?" Hindi ko na kailangan ng sagot. Sapat na 'yung kung paano siya kabahan sa sinabi ko. "He's with Glaire, right?"

"It's not what you think, Av—"

"If it's not what I think then bakit ka nandito to cover him up? Why didn't he text me to explain diba? The fuck!" Mura ko.

Until The Next SunriseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora