14: The Dance

248 9 0
                                    

Fourteen

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Napagtanto ko na wala na kami sa siyudad, hindi ko alam nasaan kami. Pero, kaming dalawa lang yata ang nandito. Lumabas ako ng kotse, nakita ko si Archer sa trunk na umiinom at nanonood ng kung ano sa laptop niya.

"Bakit hindi mo 'ko ginising?" Sabi ko at umakyat.

"Akala ko kasi lasing ka na, hindi pa nga tayo nainom! Hahaha!" Pinalo ko naman siya.

"Nasan tayo?"

"Beach 'to ng Papa ko.. Batangas." Sabi niya, "Malayo 'to sa Batangas na akala mo." Ngayon ko lang napansin na nasa isang secret beach kami. Pero madilim at malamig ngayon.

Sinara ni Archer ang kanyang laptop. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo? Wala ka bang jacket?"

"Naiwan ko sa condo," Sabi niya. "Nagmamadali na kasi ako dahil baka matraffic ako papunta.."

Naguilty tuloy ako. Hinubad ko 'yung jacket ko. May spaghetti strap naman ako sa loob, "Ayan. Share tayo."

Natulala siya. "H-huh? Mas lalamigin ka! Tignan mo naka-sando ka lang.."

"Share naman tayo, eh! Okay na 'yan." Sabi ko sakanya pero parang wala siya sa sarili niya nung tumango siya. Buti may upuan na maliliit dito kaya hindi na mahirap umupo.

Binigyan niya ako ng beer at tinaga ko naman agad 'yon. "Bakit dito mo naisip na dalhin ako?"

"Hindi ko alam.. Ito lang pinakamalapit, eh."

"Naalala mo 'yung sa Manila tayo uminom? Haha. One time uminom kami nila Nixon malapit dun, hindi mo sinabi sa akin na sainyo din pala 'yung property na 'yon!"

"Si Nixon na talaga 'yung bagong inuman buddy mo, ano? Buti ka pa may naipalit ka sakin." Nagtatampo niyang sambit. "Kung may kapalit ka lang sana, kaso wala, eh.. Nagiisa ka."

"Hindi kami inaabot ng umaga uminom, Archer. Hindi rin si Nixon lang 'yung kasama ko, hindi kami sumasakay sa pick-up at babyahe kung saan. Magkaibang magkaiba.." Sabi ko, "Hindi ka rin naman napapalitan, Arch. Five years, hindi kita pinalitan."

Napainom nalang siya sa sinabi ko. "Wow. Kinilig ako dun." Sabi niya at tumawa na naman kami. Random drunk nights with him are everything. "Nga pala, may talent na 'ko sa wakas."

"Sige nga, ano?"

"Nag-gitara na ko, boss!" Excited niyang sambit. "Sabi ko naman sayo, magaling din akong kumanta. Ha! Ngayon wala kang choice kundi pakinggan ako."

"Sige nga, sample!" Pumalakpak pa ako habang kinukuha niya 'yung gitara niya sa loob ng kotse.

He strummed his guitar. Kinapa-kapa niya muna ang mga nota na gagamitin niya para sa kanyang kanta. "Hmm.." Sabi niya habang nags-strum.

"Anong kakantahin mo?"

"Wala pa nga 'kong maisip eh.." Tumawa siya.

"Hayop! Akala ko pa naman nagr-ready ka na sa kakantahin mo! Wala ka pa rin palang maisip." Sabi ko naman at uminom. "Ako, meron akong naisip."

"Sige, ano?"

"Kathang isip, Ben & Ben." Ngumiti ako sakanya. Tumango naman siya sa suggestion ko.

"Ayaw ko na pala mag-gitara." Sabi niya at nilapag ito.

"Huh? Bakit?" Hindi niya ako sinagot, instead he opened his laptop and played a music, he played my favorite song five years ago. The Night We Met.

"I am not the only traveler.." The song started. Naestatwa lang ako sa aking kinatatayuan. He looked at me then he smiled. He offered his hand, I accepted it. Then he owned my waist. Isinandal ko ang aking ulo sakanyang balikt habang sinasayaw niya ako.

Until The Next SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon