Prologue

1.4K 20 2
                                    

Prologue

Nakatingin sa iyong mga mata,

at gusto ko lamang na ikaw ay tumahan na.

Tama na ang mga sakit,

Nandito naman ako pwede ka namang kumapit.

Hinayaan kitang buoin ako,

Gamit ang mga nakakalokong ngiti mo.

Patuloy na umaasang magiging tayo,

At oo, dumating nga iyon sa puntong ito.

Muli mo akong pinasaya,

Araw araw na kasama kita.

Walang pighati na nadarama,

Hanggang sa dumating ang araw na ako'y dapat lilisan na.

Aalis na dahil hindi ko na yata kaya,

Dapat ng itigil kasi nasisira na natin ang isa't isa.

Babalikan nalang siguro kita,

'Pag sigurado ka ng ako na talaga.

Alam kong tinatanong mo ang sarili mo,

Bakit naging ganito?

Noong una masaya naman tayo,

Bakit nga ba nagkaroon ng dulo?

Hindi kita sisisihin dahil ginusto ko 'to,

Ngunit hindi ko na kaya pang magsakripisyo.

Bawat oras nawawalan na ng tiwala,

Hindi na kakayanin ang isa pang bukas na kasama ka pa.

Ngunit gusto kong ipaalala sayo,

Na kahit umayaw na ako sa salitang ikaw at ako.

Huwag mong iisipin tumigil sa buhay,

Kahit wala na ako, lagyan mo pa rin ito ng kulay.

Siguro hanggang dito nalang ang ikaw at ako,

Laban sa mapanghusgang tao at sa mundo.

Dahil simula ngayon pipiliin ko na ang sarili ko,

Kahit na hindi ka na sa kasama sa planong ito.

Hanggang dito na lang, sinta,

Pero alam mo naman na mahal pa rin kita.

Tinatapos ko na lahat hindi lang ang salitang tayo,

Kung hindi pati na rin ang salitang ako.

Ikaw pa rin ang paborito kong i-pinta,

Saang lupalop at oras man mapunta.

Tayo pa rin ang paborito kong memorya,

Kahit na masakit ang mga huling alaala.

Until the next sunrise, Arch?

"Until the next sunrise, Ace." Sabi ni Archer

———————

UNTIL THE NEXT SUNRISE
© ALL RIGHTS RESERVED 2018

Currently re-editing. Please be advised.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now