29: The Pain

221 18 1
                                    

Twenty-Nine

AVIONA

Nagpaalam ako kay Archer na magccelebrate kami nila Nathan ng birthday niya sa isang bar. Pumayag naman siya, susunod nalang rin daw kung kakayanin pa ng oras. Syempre sabi niya umuwi na daw ako 'pag 1:30 am.

"Ikaw? May trabaho ka o dadaan ka pa rin kay Glaire?" Balita ko ay hindi na talaga muna makakalabas si Glaire sa ospital kaya binibista nalang siya.

"Trabaho tapos pupunta kay Glaire. Baka dumaan rin ako sa bahay kaya sorry kung hindi talaga ako makakahabol agad," Tumango naman ako. Wala namang problema yon, naayos naman namin yun.

"Is she okay, i mean better?"

"Hindi ko rin alam." Sabi niya. Tumango na lang ako.

At hindi na namin muli pang pinagusapan si Glaire, she's crazy. Pasalamat siya at hindi uto uto ang boyfriend ko para paniwalaan ang kasinungalingan niya. I hate her. But I need to say sorry to her. Pano yon? Huh.

To: Nathan
Bakla, sorry bawi na lang ako next time. Hindi na ako pupunta.

ARCHER

"Glaire, you need to eat." sabi ko sa kanya, pero hindi pa rin niya gustong kumain.

"Arch, 'di ako nagugutom.." Mahinahon niyang sabi at tumango na lang ako.. Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan kaya ginamit ko yung oras na 'yon para kamustuhin si Aviona.

"Alright, take care." Iyon ang huli kong sabi bago matapos ang call.

She was listening. "Mas mahal mo na talaga sa akin si Aviona, ano?" Bigla niyang sabi.

"Glaire." Sambit ko, "Napagusapan na natin 'to, 'di ba? please." Kahit kapayapaan lang, ayun lang.

"Hindi ko alam anong meron sa kanya, Arch. She hurted me. Naalala mo ba yung pangako mo sakin? You promised me, na kahit kailan walang pwedeng manakit sa akin."

"You also promised me na hindi ka na magpapakatanga kay Astros. Guess what? You just did." Balik ko naman sakanya, "I guess that's what we are in this friendship, Glaire. Promising some things and break them eventually."

"Arch," She said. "She's evil."

"No, she's not. At kung sisiraan mo lang ng paulit ulit 'yung girlfriend ko, mas lalo lang akong napapalayo sayo. Glaire, ilang taon kitang minahal, ilang taon mo akong sinaktan. Tangina? Kung kailan okay na 'ko, tsaka ka na naman nagkakaganyan? Ano bang kasalanan ko sayo? Ginagago ba kita? Ano? Bawal ba ako maging masaya ng hindi ka kasama?"

"Glaire, wag mong gamitin 'yang anak mo para lang masira kami ni Aviona. Alam ko, nagbago ka, sobra. Pero pwede ba? Huwag mo akong idamay—huwag mo kaming idadamay."

"Mahal kita, Arch."

"Mahal rin kita, tulad ng pagmamahal na binigay mo sakin dati—mahal kita kasi kaibigan kita." Sabi ko, "At alam mo? Kahit ganyan ka, okay lang. Hindi pa rin ako susuko na makita kung ano yung maganda sayo kasi kaibigan kita." Mahal kita, Glaire. Wag mo akong abusuhin.

I spent 4 hours a day para bantayan si Glaire. Kaming dalawa ni Nixon ang nagbabantay sakanya pero madalas ay yung katulong ng Mom niya. Kapag weekends ay sila Mama at Papa naman ang sub sa akin.

7pm na ng gabi at alam kong nasa party pa si Aviona. Kakain na muna siguro ako bago pumunta doon, nag text naman siya sa akin na okay siya. Pumunta ako kela Maddox para makikain.

Nandon din si Stan at Hank. Ewan ko kung anong nangyari kay Astros dahil 'di namin siya ma contact.

"Okay na ba si Glaire?" Tanong nila sa akin. Oo, alam na nila si Astros nalang hindi.

"Puntahan niyo kasi para makita niyo." Sabi ko.

"Sabi sa akin ni Nix, nag iba daw talaga kilos ni Glaire." Tumango na lang ako. "Pero wag na muna natin pag usapan, tol! Kain muna!"

Ngumiti ako. Natapos kaming kumain na puno ng kwentuhan, nagpunta ako sa fridge nila Maddox tapos naabutan niya rin akong nandon. Kaming dalawa lang natira.

"Maddox." Sabi ko at tumingin naman siya sa akin. "Kailan mo pa nagustuhan si Eissen?" Ang sakit naman yata ng tanong na 'to. Mahal na mahal ko 'yung babaeng 'yon eh! Siguro nga kailangan ko na rin hayaan si Eissen. Para matuto siya.

"High school palang tayo, bro." Sabi niya. "Kaso sobrang protective mo at naiintindihan ko 'yon. Kuya ka eh, at wala rin talaga sa isip niya na mag boyfriend nung time na 'yon."

"Bakit?"

Tinignan niya ako sa mata, "Pare, mahal ko talaga 'yung kapatid mo. Sabihin mo man sa harapan ko, na naging babaero ako, oo totoo. Pero kasi, ang tagal ko siyang hinintay. syempre napagod rin ako at some point, dinistract yung sarili. Pero si Eissen? Mahal ko siya."

"Mahal ko rin si Eissen." sabi ko, "Pero kung mapapasaya mo 'yung kapatid ko, walang problema." Niyakap niya ako na para bang nanalo siya sa lotto. Nakuha niya na boto ko.

"Papasayahin ko pa siya lalo. Salamat, bro." Tumango na lang ako at naging mag isa na lang sa kitchen nila. Nagtatawanan sila doon, at narinig ko pa yung sabi ni Maddox na nakuha na niya ang boto ko.

"YES NAMAN! BROTHER IN LAW NA NEXT NIYAN WOOOOOTTTT!" asar ni Hank sakanya.

To: Ace

Hey, are you enjoying the party?

Fr: Ace

Yes. Don't worry. Ikaw ba?

To: Ace

Yeah. Nagusap na kami ni Maddox. I followed ur advice. Anong oras ka uuwi?I miss you.

Fr: Ace

Uuwi ako, di ko pa sure anong oras, Archer. Hmm, wag mo na 'ko antayin, alright? I miss you too.

Ang lamig. Naman.

I waited still. Inabot na nga sa curfew niya pero hindi pa rin siya nakakauwi, but I trusted her na uuwi pa rin siya. She promised me na uuwi pa rin siya.

Ang hirap hirap na magtiwala matapos 'yung gabing 'yon. Dalawang babae—paulit ulit na sinira yung tiwala na handa akong ibigay ulit.

Glaire promised na hindi na siya gagawa ng kalokohan niya para lang kay Astros and she got pregnant.

Aviona promised me that she'll go home. That she'll stay with me, beside me. But she left me. Hindi ko rin alam bakit siya biglang nawala lang. Hindi ako nakatulog, iyak ako ng iyak, binabasag lahat ng pwedeng mabasag, pinupunit lahat ng mga pwedeng mapunit. Sinusuntok bawat pader.

Tinignan ko ang mga gamit niya. Kaunti lang ang dinala niya. Pero dun ko napagtanto na iniwan na naman niya ulit ako.

Bago pumikit 'yung mata ko, nakatingin ako sa painting na ginawa niya para sa akin.

Ang sakit mong mahalin, Ace.

----
Author's Note:
Short chapter hehe sorry.
Anyways, thoughts/suggestions/predictions so far? It would be nice reading those, too.

I'm still finishing the ending so far and I have to have time for it to have a good ending you deserve, I said, good not happy HAHAHA. So, I'll update after 3 votes. Thanks

Until The Next SunriseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt