21: The Graduation

230 16 0
                                    

Twenty One

"Nice, guys! We survived!" Ani ni Nieva nung matapos ang aming thesis ngayong araw. Hindi ako makagalaw, ni hindi ako naki celebrate sakanila dahil isa lamang ang nar-realize ko after, tangina gagraduate na ako.

Hindi ko nga alam anong tamang reaksyon, gusto ko nalang mag pa blowout dahil konting kembot nalang tapos na ang buhay kolehiyo ko.

Archer: How's your thesis?

Me: Archeeeeeeerrrrrrr gagraduate na ako!!!

Archer: Gagraduate tayo parehas. Wait ka lang haha.

"Oh, ano? Wala namang klase na ngayon! Tara? San ba gala?" Sabi nung isa kong ka grupo. Ngunit, 'di ko alam kung sasama ba ako o hindi. Wala na rin naman akong gagawin, bukod sa mga clearance ay naikumpleto ko na naman pagpapasa nalang ang kulang.

"Pass muna 'ko, sorry. Pero, congrats guys! Ang galing galing niyo!" Sabi ko na lang para 'di sila magtampo.

Ang dami kong naisip kaagad the moment na natapos 'yung thesis namin. Nakailang ulit din kami doon, hindi biro 'yon. Mahirap. Nakakastress. Pero sa huli, masaya.

Umuwi na lamang ako sa dorm. Wala pa naman si Yna sa mga ganitong oras, inisip ko na lang 'yung mga bagay na 'di muna ako mas-stress. Malapit na 'yung birthday ni Archer, alam ko na may naiplano na 'ko. Pero parang gusto kong mahigitan 'yung suprise niya sa akin. Sobra kasi 'yon, hindi ko ma reach.

But Archer has everything. He has his car, his expensive things, he has the world with a touch of his hand. Iyon ay dahil sa mga negosyo nila tita Calli at tito Eros. Nabanggit nila sa akin 'yung mga hinahandle nilang negosyo. But that luxury life didn't satisfy his needs. He wanted more, but this time from himself.

But I sticked to my real plan. Bring him to Sagada, talagang hindi na 'ko makapunta doon dahil sobrang hassle na at wala ng panahon pa na pupwede akong magsaya.

I'll bring him at my peace. That's Sagada.

•••

After 2 weeks

"Graduate ka na bukas." Ani ni Archer

"Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala." Saad ko naman. It's been two weeks. Two weeks full of fulfillment and happiness.

"Naalala ko tuloy nung Grad. Ball, at noong last call natin." Namula ako ng maalala ko 'yon. Kasalukuyan kaming nasa rooftop deck na naman. Nagk-kwentuhan. "Ang lungkot ko talaga non."

"Talaga? Eh may Glaire ka naman.."

"I was very confused when you confessed." He stated. "Sobra akong naguluhan sainyong dalawa. Alam ko sa sarili, simula't sapul si Glaire na. Pero nung umamin ka, something in my heart abandoned my love for Glaire."

"Sus! Bolero!" Hindi pa rin ako naniniwala na nagustuhan niya talaga 'ko nung high school. Bakas naman sa kanyang mukha na loyal siya kay Glaire eh.

"I wasn't ready to risk Glaire. That's why I let you go." Sabi niya, "Dahil alam ko nung mga panahon na 'yon, kay Glaire pa rin siguro ako babagsak. Hindi siguro magw-work."

"Kasi bata pa tayo."

"Bata pa rin naman tayo ngayon.." Sabi niya, "Pero ikaw ang sigurado sa isang libong duda na meron sa utak ko, Ace."

"You're my constant, too, Archer Cairos." Sabi ko at sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Gusto kita nun, nung last call umamin ako sayo. Pero, tulog ka na kasi. Haha." Nakinig lamang ako sakanya, "Pero mahal ko si Glaire. Hanggang ngayon, mahal ko siya. Pero kaibigan na lang."

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now