22: The Confusion

228 18 0
                                    

Twenty Two

ARCHER

"Glaire." Marahan kong hinarap ang babaeng sobra kong inalagaan pero ngayon hinahayaan ko na lang. Halata sa kanyang katawan at mukha na lagi siyang puyat at pagod. She's thin, buntis siya. Ngunit parang pumayat pa siya lalo. Her baby bump is a bit obvious, but she managed to hide it to everyone. Even to me.

"Why a-are you here?"

"Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Magd-drop out." Sabi niya, "A-alam na nila Mama na buntis ako."

Nanlabot na naman 'yung puso ko, oo, naiinis ako kay Glaire at Astros. Tangina! Mahal ko siya that time, pero ngayon naiinis ako sakanya kasi hindi niya man lang na consider 'yung pwede kong maramdaman dahil nag sikreto siya.

Ngunit ako din. Nagsikreto din ako sakanya tungkol sa amin ni Aviona. Nung mga panahon na meron ng kami ni Aviona, parang hindi ko na siya ramdam. Parang wala na siya eh. Hindi ko na alam anong nangyari iyon pala'y buntis.

"Fuck." Mura ko, "Ano ng mangyayari?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko na alam. Basta mabuhay 'yung bata, okay na 'ko don."

"Buhay nga 'yung bata, ikaw naman mamamatay ka na." Sabi ko, "Kung sana'y ako nalang ang pinakikinggan mo diba. Hindi sana nangyari 'to."

"Huwag mo ng ipamukha na nagpakatanga ako sa kaibigan mo, Archer. Hindi ka nakakatulong sa akin." Walang ekspresyon man lang sa kanyang mukha.

Kulang nalang ay maging zombie siya dahil maputlang labi na lang ang wala.

"Glaire." Sabi ko, "I'm here to help."

"Hindi ko na kailangan. Nakayanan ko ng wala ka, masasanay na rin ako na wala ka. Kalimutan mo nalang may kaibigan ka." Sabi niya at kumalas sa hawak ko. Hinawakan ko pa rin siya.

"I miss you, Glaire. The old you. My bestfriend." Totoo 'yon. Mahal ko na si Aviona, I know that I only love Glaire because she's my bestfriend.

"Wala ka ng kaibigan. We're not bestfriend anymore. Please, maging masaya ka ng wala ako. Ayaw ko ng maging pabigat sayo, Arch. Oo, mahirap kasi nasanay ako. Pero kakayanin ko. Please. Umalis ka na." Ang sakit, tangina. Pinalalayas ako nung taong mahalaga sa akin.

Tumango ako. Kasalanan din namin bakit kami nagkakaganito. Ako, sinabihan ko siya ng mga salitang hindi na dapat marinig ng kanyang tenga. Mga salitang 'di dapat sakin manggaling. Napagod ako, eh. Pero hindi pa rin ako sumusuko. Alam kong magkakampi pa rin kami at the end of the day.

"Lagi kang magiingat."

"Alagaan mo si Aviona," Iyon lang ang sinabi niya. "Mahal ka niya. Kahit na nung high school pa." Alam pala niya 'yon. Pero hindi niya binanggit ni isang beses si Aviona.

"Glaire, you have to tell Astros."

"I-i can't destroy his success." She had tears in her eyes. Damn, she really is a stupid woman who is fucking in love with my asshole bestfriend. He fucked Glaire and leave her like she's not important. Pasalamat ang Astros na 'yan at lagi akong busy kay Aviona, 'pag nagkita talaga kami? Papatayin ko siya.

"Well. I can." Matigas kong sabi at nanlaki ang mata niya. Nagmamakaawa. "Fuck his future, yours is now fucked up. Dapat ay siya din."

"No, Arch! He has his life. Ayos na sila ni Solen, he's now happy. Hayaan mo na."

"No, no.." Sabi ko. "Tangina, Glaire. Look at you. You are so fucking fucked up."

"Huwag mong sabihin.." Sabi niya, "Maawa ka naman sa akin. Respetuhin mo naman 'yung desisyon ko. Nakaplano na ang lahat, hindi siya kasama sa planong 'yon."

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now