17: The Acceptance

215 9 0
                                    

Seventeen

"Bakit, Aviona? Huh?" Iyon ang sumunod niyang tanong habang tinititigan namin ang isa't isa.

I feel guilty. Kahit na ilang beses kong sinabi kay Nixon, na magkaibigan lang kami alam ko na umasa siya. I should know better.

"Nixon, matagal ko ng sinabi sayo, 'di ba? Hindi ako h—"

"Hindi ka handa? Pero nung magkita kayo ulit ni Archer, handang handa ka na? Tell me, hindi ka ba talaga handa o may hinihintay ka lang that's why you rejected me?" Diretso niyang tanong.

"Nixon, things happened so fast.. You won't understand!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Edi sige, ipaintindi mo sa akin! Makikinig ako!"

"Sinabi ko na sayo noon pa, huwag ka ng umasa dahil hindi kita sasagutin. Sabi mo, okay, di ba? So I expected na magkaibigan nalang tayo. Ilang beses ko sinabi sayo, Nix. Ayaw ko. Hindi kita pinilit na mag-stay."

His jaw clenched. Hindi makasagot sa akin. Dahil may pinupunto naman ako. "But, I still respected you as a friend. Kaya naman hindi namin pinalagpas ni Archer 'yung pagkakataon na makasama lahat ng kaibigan niya sa isang dinner. We wanted to show everyone, Nixon. I respected your feelings, kaya ko 'to sinasabi sayo."

"But you lied, Avi," He said. "Sabi mo, hindi ka handa. Hindi mo sinabi sa akin na may iba ka lang talagang mahal."

"Matagal na kaming hindi nagkita ni Archer, 5 years na." I shot back. "Hindi ko naman alam na aabot kami sa ganito, eh, 'yung may nararamdaman na kaming kakaiba. I never expected all of this. Totoo, hindi ako handa noon, Nix. Wala akong balak, noon."

"Pero sobrang mahal mo siya na hindi mo na natanong ang sarili mo kung handa ka na ba, kasi oo nga naman, mahal na mahal mo. Hindi mo na inisip kung sinong masasaktan mo, kasi mahal mo. Fuck that." Mura niya

"Mahal ko, oo. Sobra? Oo. Selfish? Sige. Pero kung hindi mo kami tanggap, Nix? Okay lang. Kahit na isa ka sa mga taong ineexpect ko na magiging masaya para sa akin. Para sa amin. Okay lang kasi iintindihin kita, kaibigan kita eh." Hindi niya ako tinignan. Mura lang siya ng mura habang nagpupunas ng mga luha.

"Ang hina hina ko 'pag dating sayo, Aviona." Sabi niya. Ilang segundo kaming natahimik, tapos ay muli niya akong tinignan. Mas kalmado na ang kanyang mukha, blanko na ang ekspresyon. "Naging masaya ka ba habang kasama ako? 'Yung totoo?"

Ngumiti ako. "Oo naman, Nixon."

"Mas masaya ka ba pag kasama siya?"

Tumango ako. "Sobrang saya, Nixon."

Tumango tango siya. "Hindi ko gustong makita kang malungkot. Kaya kung mas sasaya ka kay Archer, wala na 'kong magagawa." Iyon lang ang sabi niya.

"Thank you, Nixon."

"Bumalik ka na sa loob, sabihin mo uuwi na ako." Sabi ni Nixon, "Hindi na magandang tignan kung babalik pa ako doon.." Hindi ko mapigilan na maawa sakanya. Pero, ito na 'yon. Tanggap na niya desisyon ko. Okay na ako don.

Iyon ang ginawa ko, inayos ko lang ang sarili ko saglit tapos ay pumunta na ulit ako sa loob. Archer flooded me with text messages pero ni isa hindi ko na nareplayan dahil seryoso 'yung usapan namin ni Nixon.

"What happened?" Nagaalala niyang tanong. "Did he hurt you, huh?"

Ngumiti lang ako. "No, we already talked. He's fine with it. With us."

"Ah, okay." Kalmado naman niyang sambit. "Do you wanna go home? You look so tired, Ace."

"N-no." Sabi ko, "Let's finish the dinner, Archer." Tumango lang siya at bumalik kami sa aming upuan. No one asked where was Nixon. Maybe he texted all of them that he did go home.

Napag usapan sa dinner ay 'yung paglipat ni Astros sa ibang eskwelahan next semester. Kung kailan last sem na, tsaka niya pa balak lumipat. Sabagay, maganda talaga 'yung offer ng UP sakanya unlike sa offer ng La Salle. Hindi ko rin masisi.

"Let's talk about the both of you!" Excited na sabi ni Solen. "I'm just curious, how did you two.. you know!" She giggled.

Siniko ko nalang si Archer. "Uh, we met at the football game. Nixon and her, were watching the game. Ayun, nagusap.. Ganyan." Tumango lang sila.

"Alam niyo 'wag na kayo magtaka bakit mabilis ang mga nangyari! Ilang taon pinaghandaan ni Arch 'yan, kahit na sabihin natin na nabaliw siya kay Glaire, hahaha!" Sabi ni Hawk pero hindi naman natawa si Archer. Ngumiti lang ako.

Ngayon, nagtataka ako. Kung bakit sinasabi ng mga kaibigan niya na mahal niya ako before we met again. Ngunit, nabaliw din siya kay Glaire? Ang labo. Ano 'yun back up ako? Ganun? Hays. Di bale, ako naman ang mahal ngayon.

"You look so tired." He said, worried about me. Naglalakad kami palabas ng restau. Balak pang uminom ng iba niyang mga kaibigan pero mas pinili na namin umuwi. Napagod na ako eh.

"I am." Sabi ko, "Gusto ko nalang maka uwi, Arch. Please." Alam kong marami ng tanong sa isipan niya. Kung pwede nga lang uminom ako, kasama siya tapos dun ko sabihin eh. Kaso parang hindi maganda tignan o isipin.

"You can go home to my condo instead. Mas mapapagod ka lang sa byahe," Sabi niya.

I am so drained. Hindi ko alam saan nanggaling 'yung pagod ko, hindi lang dahil sa kay Nixon. Ngayon palang siguro ako napagod sa lahat ng ginawa ko buong araw. Ang daming group projects today na dapat sa mismong oras na sinabi ng prof ka mag present.

"Okay.." Iyon nalang ang aking sinabi.

Me: Yna, kay Archer ako matutulog. Huwag mo na akong hintayin, okay?

Yna: Wow! Level up! Pwede ng matulog si nililigawan sa bahay ni manliligaw! Grabe. Matulog kayo ng mahimbing ah!

Me: Shut up, Yna!

Yna: Dapat lagi kang nagbabaon ng lingerie para ready! Haha!

Namula naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. Ang baboy talaga ng isip ni Katrina!

Me: Yna, matutulog lang ako doon! Babalik din agad ako bukas, tigilan mo nga kami. Hindi kami ganon.

Yna: Hindi pa! Wag ka magsalita ng patapos, noh! Kakakainin mo 'yan sige.

Hindi ko na na replayan si Yna dahil nakarating na agad kami sa high-end condominium ni Archer. Pagkapasok ko sa loob ng kanyang condo, namangha na 'ko sa laki at lawak nito. Parang ganito rin kalaki 'yung dorm namin, pero mas maganda lang 'yung pagkakagawa ng kanya.

"You bring your girls here?" Nangaasar kong tanong habang inoobserbahan ang buong condo.

"Damn it. Do I look like I bring girls and fuck?" Walang preno niyang sabi. "Aviona, bago lang itong condo ko. Tignan mo, konti palang ang mga gamit."

"I'm just kidding! Haha!"

"Baka nga ikaw ang dinadala ng mga lalaki mo, eh," Asar naman niya.

"Kung sabihin kong Oo, anong magagawa mo? Aber?"

"Simple lang." Inosente siyang ngumiti. "I'm gonna make you feel the desire you felt with your boys. Better than them, hindi mo makakalimutan. Hahanap hanapin mo pa."

"How can you do that when you're less experienced? Hmm?" Malandi kong tanong.

Nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya. Bumulong siya at sinabi na, "Less experienced? Wanna try how less experienced I am?"

"No, thanks." Sabi ko at nilayo ang aking sarili sa kanya. Tinulak ko siya ng bahagya.

Tumawa siya habang namumula ako. "Matulog ka na nga! Baka kung ano pang maibato mo sa akin," Sabi niya at tinulak na ako papunta sa guest room. "Iyan lang 'yung pinaka maliit kong gamit."

"It's okay, salamat!" Masaya kong sambit. "Labas na!" Tulak ko sakanya tapos bigla niya akong niyakap habang tinutulak ko siya palabas. Niyakap niya lang ako. "Archer! Para kang tanga! Matutumba tayo, ang bigat mo!"

"Sasaluhin naman kita!" Lambing niyang sabi.

"Eh!" Sabi ko, tuluyan ko siyang napalabas dun sa pinto at isasara ko na sana ng napigilan niya 'yon. "Archer Cairos!"

"I love you." Maikli niyang sambit at siya na mismo ang nagsara ng pinto. Napasandal ako sa pinto at tahimik lamang na tumili. Damn it! Ang bilis naman nun! Hindi ko namalayan!

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now