6: The Tears

337 6 0
                                    

Six

"Ace, kailan mo ba 'ko kakausapin ulit?" Hindi ko ulit pinansin si Archer. Oo nagpapasalamat ako na hinatid niya 'ko sa bahay namin. Oo, sobra akong kinilig nung hinalikan niya 'ko kahit na smack lang 'yon kahit split second lang 'yon. Nawala 'yung kalasingan ko non eh! Tumalon pa nga 'ko sa kwarto para lang ma-celebrate 'yon.

Pero mali 'yon, friends kami. Oo gusto ko siya. Pero tol pa rin ang turingan namin, he crossed the line. Hindi dapat ganon. I can't be one of those girls na okay lang. I should know better. Oo, gusto ko nga siya, mahal ko na siguro. Pero kami? Friends kami! Hindi with benefits. I bet he didn't even kissed Glaire passionately or even smack 'cause friends sila. And that's wrong.

"Ace naman.." Sabi niya, "Ikaw naman kasi ang ingay mo tsaka hindi na maganda 'yung lumalabas sa bibig mo. I know you were dr—"

"Just focus on your studies, Archer. Stop bothering me." Sabi ko naman, hindi na siya ulit nagsalita.

Hindi ko rin alam pero alam kong 'di ko siya matitiis. Marupok nga 'ko diba? Haha. Gusto ko lang na malaman niya 'yung value non sa akin. Friends kami, inuman buddies. Hindi dapat aabot sa punto na ganon. Kahit nga si Stan hindi niya ginawa yon kahit na ang tigas ng ulo ko.

"Ace? Please." He begged, "Talk to me. Mababaliw na 'ko 'pag wala pa akong makausap,"

"Mamaya na." I tried my very best. To ignore him. Lalo na 'yung nagmamakaawa niyang mga mata. Hanggang uwian ay hindi niya 'ko tinigilan.

'Pag labas ko ng room, naghihintay siya doon. May dala siyang in-can na beer, pero kahit na marupok ako pinilit kong hindi iyon tanggapin. Hinarangan niya 'ko.

"Ako na ang maghahatid sayo." He declared, "Sayang naman 'to. Malamig pa oh," Dinikit niya pa 'yon sa balat ko. Nalamigan din naman ako.

"Pass muna ako, Cairos." Sabi ko. Ewan ko ba ang pabebe ko din, wala lang gusto ko lang i-test kung friend niya ba ako at vinavalue niya ako tulad ng iba niyang kaibigan. Napatunayan ko naman.

"Hindi pwede." Sabi niya. "Iinom tayo ngayon, at ako ang maghahatid sa'yo."

"Pano si Glaire?"

"I a-asked Astros to go with her." Wow? He did that. For me. Fuck, paano pa 'ko makaka-hindi. "I promise hindi kita lalasingin. Just, come with me? Please?"

Suminghap ako at tumango. He celebrated and he hugged me. Nauna ang kiss sa lips bago ang tight hug. Wow.

Timecheck sa puso ko, malapit na sumabog. Hindi lang nagpapahalata 'to. Pero kinikilig talaga ako. Ang lakas ng tibok nung puso ko lalo na't ramdam ko na ngayon na pinapahalagahan niya 'ko. Bilang kaibigang babae.

"Let's go?" I nodded. Hinila naman niya ako kaagad papunta sa kotse niya. Hindi ko alam saan kami papunta pero malapit lang 'yon sa school dahil maya-maya ay nakarating na kami.

Sumakay lang kami sa likod ng Ranger ulit at uminom lang nung in-can hindi naman talaga ako malalasing dito eh. Hindi ko muna balak malasing. Memorable sakin 'yung lasing moment ko last time 'yun nga lang mali. Magiging awkward kasi kami kung hindi ko iparamdam na hindi okay sakin.

Nag-cheers kami. "I'm really sorry, Ace." He sincerly stated. "Akala ko nga hindi na talaga tayo magiging okay. Sorry for being a jerk. Promise, hindi ko naman talaga balak pagsamantalahan ka o ano. All I want from you was pure friendship. Also, I understand kaya ka nagkaganon. I asked Eissen."

"You fucking asked your sister?!" I hissed. "And how did she react?"

He smiled, "Calm down. She was cool about it. Sinabi niya na friends nga kasi tayo so we shouldn't do intimate things like kiss man lang or smack,"

Until The Next SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon