27: The Conflict

207 14 0
                                    

Twenty-Seven
ARCHER
"Nixon." Salita ko nung dumating ako sa condo ni Glaire. "Iwan mo muna kami ni Glaire."

Ilang araw na ang nakalipas simula nung pagaaway pa rin namin ni Aviona. Putcha, ang hirap isikreto sakanya lahat. Tama naman siya eh, nahihirapan akong magsabi kasi ayaw kong masira yung tiwala na binigay sakin ni Glaire. Hindi ko nga rin alam ba't hindi ko sinabi kay Astros, na may anak sila.

"Ang aga mo namang pumunta? Wala ka bang trabaho?" Mahina niyang sambit habang nakaupo sa kanyang kama.

Suminghap ako. "Hindi mo na problema 'yon." Sabi ko sa kanya, "Glaire? Kailan mo ba sasabihin kay Astros? Break naman na sila ni Solenad, baka pwede na?"

"Bakit? Napapagod ka na ba sakin, Arch?"

"Hindi ako napapagod sayo, naawa ako sa sitwasyon mo. Glaire, hindi ako yung kailangan mo, tatay ng anak mo."

"Anong mukhang ihaharap ko kay Astros, huh, Archer? Alam mo ba na sobra akong nahihiya, kaya nakakulong lang ako dito?! Kasi hindi ko pa rin tanggap na may anak ako! Sa edad kong to, naging gaga agad ako dahil sakanya!" Iyon ang sabi ng doctor sa amin. Si Glaire, anytime, gagawa siya ng paraan para malaglag yung anak niya. Ilang buwan palang siyang buntis at ayun ang binabantayan namin ni Nix. Baka sa sobrang stress at pagaalala niya ay gawin niya na nga 'yon.

"Glaire, wala namang mawawala kung susubukan." Mahinahon ko pa rin na sambit. "I still have a girlfriend, Glaire. Kung ayaw mong sabihin kay Astros, paano ka pa namin matutulungan? Ayaw mo rin magpa-admit. Mamamatay ka na lang ba dito? Ano?"

"Sana nga. Mamatay na." Sabi niya pa

Mali ata yung pagkakaintindi niya. "Glaire please." Lumuhod ako sa harapan niya. "Let me help you."

"Archer, pwede ba? Hayaan mo na 'ko! Di ka ba napapagod sakin? Lagi nalang kitang tinataboy!" Kahit ganito siya kilala ko pa rin siya, alam ko na deep inside hinang hina na siya at nagkukunwaring malakas.

"Tangina, Glaire. Tangina talaga." Sabi ko na lang. "Nung nangangailangan ka, ginawa ko lahat para punan 'yon. Kasi kaibigan kita. Isa lang naman pakiusap ko, eh.. Sabihin mo na kay Astros. Yakapin mo na 'yang anak mo." Tumalikod na ako, "Hindi ka uusad kung hindi mo tutulungan sarili mo." Sabi ko naman bago umalis ng dire diretso.

AVIONA
Isang linggo o dalawa? Hindi ko alam kung ilang araw na nagsimula 'yung matinding away namin ni Archer. Si Yna, lagi na lang akong sinusundo sa bar tuwing weekends. Pati siya, naapektuhan na rin samin dahil imbes na time nila 'yon ng boyfriend niya, kinukuha ko pa.

"May pupuntahan lang ako." Sabi ko kay Yna at inayos yung buhok ko sa salamin.

"Saan?"

"Glaire." Napanganga siya at akmang magsasalita pero hindi ko na siya pinakinggan at umalis na lang ako. If Archer can't do this for us, I will do it for us.

Syempre alam ko kung nasan yung condo unit ni Glaire. Hindi ako nakipagaway kay Archer para sa wala lang. Sinundan ko siya isang beses, para lang alamin kung san ba yung lungga ng babaeng 'yon. Oo, sobrang bait ni Glaire, ilang beses ko ng sinasabi 'yon at nakikita ko 'yon. Pero ang kapal na lang talaga ng mukha niya na banggain yung oras naming dalawa at pabigatin pa yung problema ni Archer.

Galit ako. Galit na galit na ako. "San si Glaire?" Sabi ko nung pinagbuksan ako ng pinto ni Nixon.

"N-nasa kwarto," sabi ni Nixon. Pero pinigilan niya pa rin akong pumasok, "Alam ba ni Arch na nandito ka? Bakit ka nandito? Huh, Avi?" Tanong niya sa akin

"Hindi. Hindi mo kailangan malaman." Sagot ko naman sakanya, "I'm here to talk to her, Nix. Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipagaway." Ngumiti ako sa kanya ngunit nagtataka pa rin siya.

Until The Next SunriseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant