30: The Aftermath

248 17 0
                                    

Thirty

ARCHER

"Ano, bro? Bawal ka pa rin ba mag-bar?" sabi ni Morgan sakin ng bisitahin niya ako sa opisina. "Mamatay ka na lang kakaisip kung nasan yung girlfriend mo. Eh iniwan ka nga."

"Shut up." sabi ko sakanya. 2 buwan na yung nakakalipas simula nung mawala na parang bula si Ace. Hindi ko alam bakit, saan, at kailan. Kailan niya naisipang iwan ako? Tangina.

Kahit anong galit, mahal ko pa rin.

"Glaire's asking if you're okay."

"Alam mo, dun ako mali eh. Na magtiwala ulit kay Glaire." sabi ko sakanya, "Tangina hindi ko alam pero malakas kutob ko na may sinabi siya kay Aviona."

"Huwag mong idamay si Glaire. Kung ano mang issue niyo sa relasyon niyo, kayo gumawa non."

Pero ano nga bang naging issue namin? Tangina. Oo meron. Lagi naming pinagaawayan lahat. Parehas kaming pagod. Siya, nagsstart ng gumawa ng mga paintings niya kaya magulo na sa condo. Minsan, wala pang dinner at ayaw niyang kumain kami sa labas. Fights.

"Babe, hindi ko naman sinasabi na wala kang ginagawa. Alam mo naman na gutom rin ako and gusto kong kasama kang kumain." Sabi ko

"Sorry? Ikaw lang ba may ginagawa dito?" Sabi niya sa akin. "Dapat ay humingi ka nalang ng pagkain kay Glaire. Tutal marami namang naaawa sakanya at binibigyan siya ng kung ano."

"Bakit na naman napunta 'to kay Glaire?" tumalikod lang siya sa akin at inayos ang gamit niya.

"Pagod ka, 'di ba? let's just eat. magbihis ka na lang."

"Putangina, Ace. Kahit isang beses lang naman magsabi ka kung bakit ka ba naiinis kay Glaire!"

"She's making herself vulnerable even if she's not! Arch, hindi mo ba talaga nakikitang ginagamit ka lang ni Glaire ulit?" sabi niya sa akin, "She's using your friendship! To control you! Look at you, nagmumukha kang tanga."

"Kilala ko si Glaire. Buntis yung tao, Aviona!"

"Kilala ko si Glaire, hindi dahil kaibigan mo siya, dahil babae rin ako." Sabi niya, "When we visited, Arch. She would always do a move that will make me angry or jealous. Anong akala niya? Na tanga ako tulad mo? Hindi ka kasi nakikinig sa akin!"

"Lagi akong nakikinig sayo. Pero hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko, Ace. Hindi ka naman ganito."

"Pagod ka na ba sa akin kasi lagi akong ganito, Archer?" She asked and I didn't answer. Oo pagod talaga ako, pero mahal ko pa rin siya. "Napapagod na rin akong intindihin yung sitwasyon nating dalawa. Ilang buwan na tayong ganito? Hindi na ako natutuwa sa ganto."

"Mahal mo pa rin ba ako, Ace? O hindi mo lang ako kayang iwan?"

"Hindi kita kayang iwan dahil mahal kita." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mata ko. "Pero, gusto ko sakin ka lang. Akin ka lang."

"Sayo lang naman talaga ako." sabi ko, "Bakit hindi mo ko kayang pagkatiwalaan?"

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Mahal mo ba ako?" Tumango ako

"Sobra." Sabi ko.

"Kung mahal mo ako, kung ako talaga. Please, Archer Cairos.. iwanan mo na si Glaire. Hindi ko na kaya yung isa pang linggo o buwan na makita kitang nakakasama siya, hindi ko kaya na parang sinasabi sa akin ng lahat na ako yung mahal mo na sa akin ka lang kung nakikita kong may ibang nagnanakaw ng oras nating dalawa. I can't just stand here and do nothing. We have to choose who we spend our time with."

"I chose to spend my whole life with you, Aviona Clarisse. Isn't that enough for you to understand and trust me?"

"A whole life but not the whole time?" Naiiyak niyang sambit. "Sa akin ka pa ba talaga? O nasa iba ka na?"

Until The Next Sunriseحيث تعيش القصص. اكتشف الآن