2: The Help

498 11 1
                                    

Two

"Ms. Estrada, care to explain why you're late?" Biglang sabi ni Ma'am Roces sa akin. Naku, bakit ba kasi ako sobrang nalasing kagabi? Putcha kasi 'tong si Arch eh! Napaka bad influence. Kulang nalang kagabi ay isuka ko na pati mga intestine ko eh! Hinanap ng mata ko si Arch pero wala siya doon. Malamang ay nalasing rin siya.

Hindi naman pwedeng hindi nalang ako pumasok kasi 'di naman ako kasing-yaman ng pamilya ni Archer na pupwedeng magbulakbol pero mayaman pa rin at may future pa rin! Ako? Kailangan ako ng Pamilya ko. Kung sana nga pwedeng umasa nalang sa lotto, eh!

"Ma'am, s-sorry, I'm late." Iyon nalang ang nasabi ko. "I overslept, Ma'am!" Dahilan ko dahil kabado na talaga ako. Pakshet! Hahampasin ko talaga ang lalaking 'yon! Hindi na nga ako hinatid pa eh! Nakakainis!

"Sa susunod, kung hindi kayang paninidigan kung ano ang pinagpupuyatan ninyo, matulog na kaagad kayo!" Pagpaparinig naman ni Ma'am Roces sa amin.

"Uy, Aviona! Buti nalang umeksena ka! May recitation dapat tayo, eh. Nakapag review pa tuloy kami." Wow, bayani na rin pala ako ng klase namin?

Nilabas ko na ang gamit ko para maghanda na. Shet, wala pa nga akong review review eh! Recitation agad, Ma'am? Hays! "So, Ms. Estrada, since I expect you studied about our topic. Ikaw na ang mauna.." Narinig ko ang mahihinang yes ng mga kaklase ko. Wow. Bayani na naman ako.

"Alfred Wegener proposed two theories, state the two theories and explain the content." Tanong ni Ma'am sa akin. Shit, tulog pa naman yata ako nung nagd-discuss si Ma'am about sa mga theories. Paano ba naman kasi nakakaantok talaga.

"Continental drift theory and.. uhh.." Hindi ko alam 'yung isa pakening shet.

"Ma'am?" Nanlaki ang mata ko ng makita sa pinto namin ang mas late pa sa akin na si Archer. Pero, parang hindi naman beastmode si Ma'am 'pag si Archer ang nal-late? Unfair naman. "Ma'am, sorry late po ako. Masama po kasi pakiramdam ko pagpasok.. Ayan po 'yung diagnosis ng doctor sa clinic." Binigay ni Arch ang papel.

Sinamaan ko siya ng tingin pero siya ay malapad ang ngisi at kinindatan pa ako. Lintek! Nagpapalusot lang 'yan, panigurado ako! Para excused siya sa late niya, ganon! Nakakainis!

Tumango lamang si Ma'am Roces at pinaupo na si Archer. Buti at nagamit ko 'yung oras na 'yon para magtanong sa mga kaklase ko ano ang sagot! Kung hindi ay malilintikan na talaga ako kay Ma'am nito!

"Sit down, Ms. Estrada." Sabi ni Ma'am.. "Next is.."

Pinitik ko naman agad si Archer at napatingin naman siya tapos nagpipigil ng tawa. Alam ko naman na pakulo niya labg 'yung diagnosis na pinagsasasabi niya, eh! Kamaganak kasi nung kaibigan ng Papa niya ang Doctor dyan! Kaya naloko na naman niya! Nakakairita ang talino lang ng naisip eh.

"Ang daya daya mo! Ako na nga 'tong sobra mong nilasing ako pa 'yung napagalitan! Tapos, ikaw? Sanay ka naman sa ganon eh!" Sunod-sunod kong reklamo nung lumabas na si Ma'am Roces sa classroom. May seatwork na pinagagawa sa next class dahil wala ang aming teacher pero madali lang naman 'yon.

"Hoy, hindi nakakalasing ininom natin. Sadyang first time mo lang makainom non." Sabi naman niya sa akin.

"Kapal mo! Huwag mo na ulit akong yayayain kung ganon din 'yung iinumin. Ang sakit kaya sa ulo kaninang umaga." Sabi ko. Niyaya kasi ako ng mokong na 'to na uminom kami, akala ko broken na naman siya pero 'di naman pala.. Sa pamilya naman niya ngayon ang problema, tapos ako naman si ate na willing to help anytime and anywhere. Pumunta ako.

"Masarap kaya sa lalamunan 'yung pinaiinom ko sa'yo, palibhasa sanay ka kasi sa mga pangkalye-kalye lang na inumin! Tinuturuan ka nga paano umaktong mayaman, eh." Pagiinarte naman niya

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now