11: The Motor

255 13 1
                                    

Eleven
(Author's Note: Hi! I'd like to know your thoughts so far, if you have time please comment! Thank you and Keep safe!)

Aviona.

"Uy, Aviona! Nasa labas daw si Nixon!" Nanlaki 'yung mata ko. Patay? Nagkagulo pakigurado ang mga estudyante ng UST. "Ang daming nagpapapicture. Hehe. Buti nauna ko siyang makita."

"Salamat!" Sabi ko sa kaklase ko at nagmadaling puntahan si Nixon. Sabi ko naman sakanya sa dorm nalang siya maghintay! Hay nako!

Ayun, hindi nga ako nagkamali. Ang daming sumisigaw ng Nixon, papicture naman! Napasapo ako sa aking noo. Hindi talaga nakikinig 'tong si Nixon! Ayan!

Kumaway ako sakanya, tapos umalis siya dun sa mga nagpapapicture at lumapit sakin. "Ang dami ko palang fans dito? Haha!"

"Sira ulo ka! Sabi ko naman sa'yo, huwag ka dito magabang. Ayan, pinagpawisan ka pa." Sabi ko at binigyan siya ng pamunas.

"Wow. Concerned siya sakin. Bago 'yun!" Sabi niya at inasar ako habang pumupunta kami sa parking lot. "Punasan mo na rin ako para mas okay!"

"May kamay ka, sira!" Basag ko naman sa trip niya. Umarte naman siya na nasasaktan. Binuksan niya ang kanyang kotse, pinagbuksan din niya ako ng pinto. "San punta natin?"

"Football game." Tumaas 'yung balahibo ko, what? Football game?! Nino?

"Seryoso ka ba, Nix?" Tanong ko.

"Oo, 'di ba sabi mo sakin nung uminom tayo.. Mahilig ka rin sa football? O, edi manood tayo." Sabi niya, "Huwag ka magalala.. Sa Ateneo punta natin. Kung ma-bored ka, may UP Town Center naman." Tumango ako at nawala 'yung kaba ko.

Habang traffic ay binigay ko 'yung regalo ko, headband 'yon dahil masyado ng mahaba 'yung buhok niya. "Oh, ayan.. Ayaw mo kasi magpagupit. Mag-headband ka nalang."

Ngumiti siya sa akin. "Thank you.." Sabi niya tapos sinuot niya na kaagad 'yon. Nilagay niya 'yung plastic sa likod. "Bagay sakin ah? Pano mo nalaman na mahilig ako dito?"

"Every game mo meron ka nyan." Tumango naman siya at nag-drive na ulit.

"Nanonood ka pala, ah.." Sabi niya at kiniliti pa ako nung huminto ulit. "Eh nung una tayong nagkita, dinedeny mo sakin na hindi ka nanonood ng basketball."

"The truth is.. I always watch anything about sports. I watched NBA, Volleyball, Football.. So, ayun napapanood talaga kita." Lumalaki na naman ang ulo nitong si Nixon dahil sa sinabi ko. Hindi niya 'ko tinigilan hanggang sa makaupo sa bleachers.

"Ano ba 'yung game?" Nagtaka na ako. Fuck, sinimulan akong kabahan ng makakita ko ng Green Archers na banners sa kabilang bleachers. May mga naka-green na jersey sa baba. Fuck, mas lalo lang akong kinabahan nung makita ko 'yung apelyido ni Astros.

Dominguez, 09.

"Sila Astros maglalaro. La Salle versus Ateneo."

"Damn it." Sabi ko, I need to go. Hindi ko kakayanin na makita ko si Archer. Baka makita niya rin ako! Oh my gosh, this is just shit! Hindi dapat ako pumayag. But then, it's Nixon's birthday.. I should atleast accept his suggestion. Lagi nalang ako nagm-maldita sakanya. Suminghap nalang ako at tinanggap ang mga nangyayari.

There. I saw him, jogging with his teammates. I just stared at him, fuck, I can still stare at him all day. Hindi nakakasawa titigan ang kanyang mukha. Tumangkad si Archer lalo, mas naging maskulado ngunit mas lalo lang naging gwapo.

"Ayun, siya si Astros." Umakto ako na hindi ko kilala ang mga kinekwento ni Nixon, "Mahal na mahal pa rin 'yan ni Glaire 'yung pinsan ko... Ilang taon na rin ang nakalipas, mahabang kwento." So, paano na naman si Archer? Paulit-ulit nalang na martyr. "Ayun naman, si Archer. Mahal na mahal naman niya 'yung pinsan ko.. Kaso ayun, hindi nga siya minahal pabalik. Asa pa rin siya hanggang ngayon."

Until The Next SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon