10: The Life

276 11 0
                                    

Ten

After 5 years

"Hoy, Aviona! Gising na," Sabi ni Yna sa akin pero hindi ako nakikinig. "Bahala ka, may reporting pa naman sa klase mo ngayon. Ikaw din, hindi ka makaka-graduate!"

"Oo na, ito na!" Sabi ko at dire-diretsong bumangon. Nakakahilo din pala 'pag biglaan akong babangon ano? Di bale. Ilang buwan nalang din naman ako babangon ng maaga. Next time, hindi na ganito kaaga.

Fourth year collage na ako dito sa Unibersidad ng Santo Tomas. Oo, akalain mo? 'Yung eskwelahan na hindi ko inakalain na pupuntahan ko, dun pa 'ko nagaral. Wala eh, nakakuha ako ng scholarship. Kahit na sa private school ako nanggaling. I'm taking Bachelor of Arts.

Si Yna, Business ang kinuha dahil nga may aalagaan siyang business ng kanyang pamilya. Sa UST ako habang sa National University naman siya nag-aaral. Parehas lang kami ng dorm sa University Belt.

"O? Mauuna na 'ko ah!" Sabi niya sa akin dahil may group meeting daw siya ng 7 'o' clock. Tumango nalang ako habang kumakain nung niluto niyang sunny side up at bacon.

"Goodluck!" Pahabol ko pa. Nagpa-music muna ako para magising na talaga ako, as usual, OPM na mga kanta ang pinatugtog ko. Nagigising talaga 'yung diwa ko sa mga kantang 'yan.

"At aalis! Magbabalik, upang ulitin.." Sabay ko sa kanta habang naghahanda ng aking gamit. Naghugas din ako ng mga pinggan dahil madami pa naman akong oras at walking distance lang naman ang UST mula dito.

Message from Nixon.

Napairap ako. Ewan ko ba dito sa lalaking 'to! Ayaw niya akong tigilan. Sinabi ko ng hindi ako nagpapaligaw eh. Ilang buwan na 'tong nangungulit sa akin eh.

Si Nixon dela Cuesta ay sikat na basketball player ng De La Salle University. Nanalo siyang MVP at Champions sila noong nakaraang season. Nagkita kami nung nanood kami ni Yna kasama ang kanyang boyfriend na si Ely. Oo, break na sila ni Eman 3 years ago. Kaibigan ni Ely si Nixon, kaya nagkakilala kami. Pero, hindi ko akalain na talagang gusto niya ako. Daw ah.

Nixon: Aviona, pwede ba tayo magkita?

Me: Nix, sinabi ko na sayo, 'di ba? Maghanap ka nalang ng iba.

Nixon: Ayaw ko.

Makulit talaga ang isang 'to. Isa pang dahilan bakit ayaw ko sakanya? Pinsan siya ni Glaire. Fuck! Hindi na 'ko papayag ulit na makita ko si Glaire lalo na siya. Ang tagal tagal na non, pero mas tahimik na 'yung buhay ko ng hindi nila ako binabagabag. Si Nixon? Siya ang magiging dahilan ng paggulo ng buhay ko kung papayagan ko siya.

Nixon: Aviona.. Birthday ko, pagbigyan mo na 'ko.

Ayun na nga, eh. Birthday niya, kung sasama ako sa celebration ng birthday niya, malamang sa malamang nandun 'yung barkada ni Glaire. Nandun sila. Ayaw ko non.

Me: Hindi nga 'ko pwede, Nix. Maybe some other time. I'm sorry.

Nixon: Tss. Sige, bukas, ha? Tayong dalawa lang promise.

Me: Oo. Bukas. Happy Birthday, Nixon.

Nixon: okay, thank you.

Likable naman 'tong si Nixon. Hello, sobrang daming fans nito. Pinagkakaguluhan siya kahit saan kami pumunta, may nagpapapicture talaga. He's one of the most famous basketball players in his generation isama mo pa 'yung skills niya sa paglalaro. Sinong hindi mahuhulog? Kahit ako din, kinilig ako nung magkakilala kami. Starstruck ako non.

Nung nalaman ko nga lang na related siya kay Glaire. Natigil na 'yung pagpapatansya ko sakanya. Kaya pag nagkikita kami, hindi na 'ko ganon ka saya. Ang tanging maalala ko lang ay pinsan siya ni Glaire at si Glaire mahal siya nung lalaking kinabaliwan ko limang taon ng nakalipas.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now