8: The Rejection

279 9 1
                                    

Eight

Many reacted at what he tweeted and what I have posted. We just remained silent about it. Mawawala rin naman ang issues kung hindi mo nalang papansinin, 'di ba? Tinago ko ang aking kilig pero ginawa ko iyong home screen ng laptop ko.

"Okay, students. Magp-practice kayo bukas para sa Graduation ball ninyo. Nag-assign na rin ang faculty members ng mga magsasalita sa stage. Especially 'yung mga nasa top ranks ng kanilang klase." Explain ni Ma'am Roces bago kami hinayaan na ienjoy ang foundation.

"May gown ka na?" Tanong ko kay Yna

"Oo! Binilhan ako ni Mama kagabi, eh ikaw?" Umiling ako. Hindi nalang muna ako aattend sa Grad. Ball, wala rin naman akong date eh. Si Yna nga, meron. Kasi pwede outsider basta kakilala lang din ng school namin. So, si Eman for sure 'yun. Ako? Wala naman akong ibang kaibigan sa labas eh.

"Hindi na siguro ako aattend, wala naman akong date eh. Wala rin akong susuotin." Sambit ko

"Naku! Last mo na 'yon, wala ng ganon sa SHS at College! Gawan muna natin ng paraan. Malay mo may lalaking kaibigan si Eman na type ka, iyon nalang ang date mo! Akong bahala sa date mo tapos ikaw sa gown, okay?" Dumaan si Glaire sa lamesa namin sakto nung pagkasabi ni Yna about sa gown.

"Aviona? Wala ka pang gown?" Nagaalala niyang tanong sa akin and I nodded. "Bakit hindi mo sinabi agad? I have gowns in my condo! Gusto mong sumama mamaya sa akin? I'll be glad though!" Why is she so kind? Kahit anong pilit ko sa sarili ko na mainis. Ang bait ni Glaire.

"Sige, itetext nalang kita, Glaire. Salamat." And problem solved na agad 'yung Graduation Ball kaya nag-enjoy kami buong araw ni Yna. Kinontak niya naman ang boyfriend niyang si Eman about sa date ko. May mga kaibigan daw siya. Pinakita naman sa akin 'yung mga picture at may isa na pogi na matangkad. Murang version ni Archer, ganon. Pero mayaman din.

"So, ano, si Mark na?" Tumango ako dahil inaantok na ako. Natulog muna 'ko sa lamesa namin habang nagpapatugtog sa earphones ko.

Graduation Ball

Archer: Susunduin pa rin kita mamaya, ah. Uunahin ko lang si Glaire.

Sanay naman ako. Priority naman talaga niya lagi si Glaire. Mas okay na 'yon kesa magkasabay kami sa kotse niya dahil mas awkward 'yun. Malamang sila ang magkadate ni Archer—he never asked me about who I am going to date. Pero pogi ang date ko noh! Nagkausap naman kami kahapon dahil sabi ni Yna mas maganda kung magkita na kami agad before the Ball. Though something's off with him, may sense of humor naman kaya keri lang.

Bagay na bagay sa akin ang gown ni Glaire. Sabi niya sinuot niya daw 'yon sa birthday ng kanyang Mama kaya maganda talaga 'yung klase nung gown. It was color grey, medyo kita ang aking dibdib pero hindi naman bastusin tignan. Naka-messy bun ang aking buhok, at hindi naman hard make up ang akin. Inayusan ako ng kapitbahay namin. Laced-grey style yung gown kaya kita mo 'yung design.

Me: Oo na, boss. Bilisan mo hinihintay na 'ko ni Mark.

Archer: Mark? Sinong Mark?

Me: Date ko na tiga-St. Agnes

Archer: Pogi? Baka mas pogi ako ah. Mapapahiya ka lang. Hahaha. Joke.

Wala namang mas popogi sayo pagdating sa mga mata ko, eh. Pero for sure may mahuhumaling din sa date ko.

Me: Oo, maganda kasi ako eh. Hahaha. Hindi 'yon joke.

Archer: Weh? Dito na 'ko.

"Ma? Una na po ako." Sabi ko kay Mama habang busy siya manuod ng tv. "Si Archer na rin po ang mag-uuwi sa akin, alis na po ako." Tumango lang ang aking Mama at nakalabas na 'ko ng bahay.

Until The Next SunriseWhere stories live. Discover now