2: SorryNotSorry

7K 203 0
                                    

Ella's Pov:

Kasalukuyan akong nag gagala dito sa loob ng mall habang nagcecellphone ang kanang kamay at kaliwa ay hawak ang shake na iniinom ko ng biglang may di sinasadyang bumangga sakin.

Naka black shades ako tas naka cap then naka fitted na red blouse, nakapaipit ang blouse ko sa aking white skirt.

"Myghad!" naiinis kong sigaw ng natapon sakin ang hawak kong shake.

"Sorry Miss, di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" pamimilosopong sagot ng pamilyar na boses, kaya agad ko syang nilinga. Wth !! sya yung HINIRAMAN ko ng bike yung masungit.

"Ikaw na naman?" naiinis kong sagot.

"Ano?" nagtataka nyang tanong.

Di nya siguro ako nakilala dahil sa shades at cap na suot ko, so thats great, hayp na to sinisisi pako sya na nga nakabangga .Walang ano ano kong inalis ang takip ng shake ko at itinapon sa kanya ang laman neto pagkatapos ay binato ang pinaglagyan neto.

"Shit!!!" sigaw nya na nag aapoy ulit ang mata.

Nag smirk lang ako sa kanya then naglakad na sa unahan nya at binangga ito ng bahagya.

Nagulat ako sa ginawa nya dahil hinawakan nyako sa wrist at hinila papunta sa unahan nya, kaya nagtama ang mga mata namin bago sya nagsalita.

"Ako wag mong pinupunong babae ka! kahapon ka pang nagpapansin sakin, umamin ka nga sa akin!" sigaw nya sa harapan ko, pero wala naman nakakarinig dahil maingay.

Di lang pala to masungit, assuming pa ang gagong to.

Tumawa ako bago inalis ang kamay nya na nakahawak padin sa wrist ko . Then tinanggal ang shades ko, kilala naman na nya ko.

"First of all wag mo kong hinahawakan, kadiri ka, second wag kang mag assume! ako? tignan mo nga? ako magkakagusto sayo? nagpapatawa kaba?" mahaba kong sagot then nagsmirk ulit, sinuot kong muli ang shades ko at iniwan na syang tulaley dun.

Maldita Personality #1 : Dapat may laman ang mga lines na binibitawan natin

Maldita Personality #2 : Dapat hindi tayo nagpapa apekto sa sinasabi ng kaharap natin , ngiti lang ng nakakaloka.

Oh ayan nagamitan ko agad sya ng dalawa kong maldita moves.

After kong makapamili ng damit ay napagdesisyunan ko ng umuwi na. Pagkalabas ko ng mall walang masyadong tao, lumakad na ako para makasakay ng taxi ng biglang may humawak sa wrist ko, may hindi maintindihang kilabot ang bumalot sa akin.

Dahan dahan ko syang nilingon at agad akong kumalas sa pagkakahawak nya nung makitang si Ranz pala ito .

Agad agad akong nagtangkang umalis na ng bigla nya ulit hawakan ang wrist ko .

"Ano ba! Leave me alone!" galit na galit kong sigaw na ikinabigla sya.

"Pls Ella , kahit ngayon lang pakinggan mo muna ako" mahinahong pakiusap nya.

"I said no! wala na tayong dapat pag usapan pa , pwede ba!" sigaw ko ulit .

Hinawakan nyako sa magkabilang braso at tinitigan ako.

"Pls , hindi ko ginusto yun , diko alam basta na lang ako hinalikan nung baba-----

"Ano ba Ranz! bitawan moko tama na!" sigaw ko ulit.

Nagpumiglas nako para pakawalan nyako pero hindi nyako bitawan.

"Sorry plss forgive me" pagmamakaawa pa nya habang hawak nya padin ako sa magkabilang braso, nagpupumiglas ako pero di ko magawang makawala.

"Pare, nasasaktan na yung babae" singit ng isang pamilyar na boses, at di ako nagkamali sya na naman.

"Pwede wag kang mangi alam?" sagot naman ni Ranz .

"Eh hinaharas mo na eh, hayaan mo sya" sagot naman ni, ewan ko!

"Napaka pakielamero mo eh!" sigaw ni Ranz bago sinuntok si __si sya yung lalaking ewan. Bumawi naman ng suntok si lalaki kay Ranz bago dumating yung mga guard at inawat sila. Hinila na nung isang guard si Ranz.

"Ella , babalikan kita sorry" sabi pa nya bago tuluyang nailayo nung guard.

Yung lalaki namang feeling superhero nakatayo sa harap ko habang inaayos ang labi nyang tinamaan ng suntok . So anong hinihintay nya.

Naglakad nalang ako sa harapan nya.

"Hindi ka man lang magpapasalamat?" pahabol pa nya .

Nilingon ko naman sya bago sumagot.

"So kasalanan kong feeling superhero ka dyan? pakielamero ka kasi kaya deserve mo yan!" sagot ko sa kanya.

"Kaya pala hindi ka magkaintindihang kumalas sa kanya!" sigaw din nya.

"Eh bat ka nga nangialam? humingi bako ng tulong?" pagtataray ko pa.

"Alam mo ikaw hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob, tinulungan na nga kita sa lalaking yun, nasaktan pa nga ako dahil sayo tapos pagtatarayan mo padin ako?" mahaba nyang sagot.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Nasaktan ka dahil sakin? so what? , masyado kang pabida ! magpapapansin ka na ngalang sakin pa obvious pa ! kahapon ka pa eh" mahaba ko namang sagot.

"Ikaw ang kahapon pa, wag mong isiping tinulungan kita dahil ginusto ko, tinulungan kita dahil kailangan mo ng tulong at kahit sino pa yun tutulong ako, ikaw ang assumera dyan! kala mo naman kung sinong kagandahan kung umasta wala din naman!" mahaba nyang sagot na lalong ikina inis ko.

"Again Mr.Feelingero, First of all di ako nag assume na maganda ako! dahil alam ko na yun sa sarili ko! second hindi ako magthathank you sa mga taong feeling bayani lang? kulang sa pansin lang ba? at napakapapansin mo? sorry pero wala kang mapapala sakin! goodbye!" sabi ko then sinamaan sya ng tingin at tuluyan ng umalis .

Nakaka pagod makipag sagutan sa lalaking yun kala mo kung sinong magaling tangas ng bibig, hmmfff nanggigigil ako sa kanya putakte sya, isama pa ang hayop na si Ranz mga hayoppp na lalaki to, lumalayo na nga ako pero bakit ba habulin ako ng mga lalaki as always kainis, mga papansin!

Julian's Pov:

Talaga palang may pagkademonyo ang babaeng yun sakit nya magsalita, hindi man lang ba nya naapreciate yung pagtulong ko sa kanya, sana talaga diko nalang sya tinulungan, ndeserve nya namang masaktan maldita nya kala mo talaga kung sino, kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko matagal natong bugbog sarado sakin. Isa pa yung girlfriend ko kasi nakikita ko sa kanya, maldita din yun pasaway pero pag dating sakin matino yun at mahal na mahal ko yun si Donnalyn, makamusta nga para maalis man lang tong init ng ulo ko sa anaconda na babaeng yun.

Calling Donnalyn ___

Hello? - donna

Hey Donna? kamusta ka dyan sa condo mo? ayos kalang ba? dika ba naboboring? gusto mo puntahan kita dyan?

No Julian , im fine kasama ko si Mommy ngayon dito with her business partner. - donna

Sige take care i love you bye!

Love you too , bye. - donna

Ella's Pov:

Habang nasa taxi nakarecieve ako ng txt kay Donna.

From Donna:

Ella , available ka ba sa sunday? sama ka sakin pa church pakilala na kita sa boyfriend ko.

Nga pala 1month na sila nung boyfriend nya diko pa kilala, siguro mabait yun tas gwapo kasi mataas ang standard ni Donna pagdating sa lalaki, tsaka remember Pure Maldita sya kaya lalaking kakayanin ang pagmamaldita nya lang ang magiging boyfriend nya, So congratulations sa lalaking yun, lucky nya sa faithful kong Donna.

To: Donna

Oo naman , sige sama ako !

______

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon