49: The Truth

2.1K 94 4
                                    

Ella's Pov:

Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Julian. Totoo bang magkasabwat si Donna at Bret? Pero pano, all this time na magkasama kami lagi nyakong pinagtatanggol kay Donna, lagi pa silang dalawa ang magkaaway tapos ngayon nagprepretend lang daw sila?

"Anak, asa baba si Bret" sigaw ni mommy sa pinto ko.

"Opo" mahina kong sagot.

Tinignan kolang ang sarili sa salamin at ng makitang ayos naman ay agad akong bumaba dun para harapin si Bret, pababa palang ako ng hagdan mga ngiti nyang napakapayapa agad ang nasilayan ko, nakangiti syang nakatingin sakin. Kitang kita ko ang saya sa mga mata nya, mahal ako ni Bret, at napapamahal nadin ako sa kanya, pero bakit kung kelan nahulog nadin ang loob ko sa kanya nangyayari to, sana talaga hindi yun totoo, hindi ko kakayanin na pati si Bret na savior ko simula bata ay magiging isa sa mga mawawala sakin. Marami na syang nagawang mabuti sakin. Pati buhay nya handa nyang itaya para sa safety ko.

"Ella, pasensya na ha, hindi ako nakapagpasabing darating ako. Yayayain sana kitang lumabas, lagi kanalang kasing nakakulong dito" nakangiting bungad nya. Kitang kita ko sa magaganda nyang mata ang pagmamahal at pagaalala nya sakin.

"Bret, may gusto akong itanong" mahina kong sagot sa kanya at naupo, naupo din naman sya.

"Ano yun?" nagtataka nyang tanong.

"Bret totoo ba?" mahina kong tanong sa kanya at biglang may pumatak na luha sa mata ko.

"Ella, anong nangyayari sayo? Bat ka umiiyak ano bang sinasabi mo?" nagtataka nyang tanong at hinawakan ang dalawang pisngi ko at hinarap sa kanya, agad ko naman tong inalis at yumuko.

"Totoo bang magkasabwat kayo ni Donna para paglayuin kami ni Julian? Kaya ba lagi kayong nasa tabi namin, kaya ba ayaw na ayaw mong lumalapit ako sa kanya? Kaya ba kung ano anong masasama ang sinasabi mo kay Julian? Dahil sinisiraan mosya sakin?" sunod sunod kong tanong sa kanya habang umiiyak.

"Ella naman ano ba yung sinasabi mo?" mahinahon pa nyang sagot.

Pinunasan ko ng kamay ang muka ko bago sya tinignan ng diretso.

"Totoo ba Bret? Oo o hindi?" seryoso at direkta kong tanong sa kanya sanhi para masindak sya, kitang kita kona ang katotohanan. Natatakot sya, totoo nga.

"Totoo diba!! Totoo!!! Pano mo nagawa sakin to! Pinagkatiwalaan kita pero niloloko molang pala ako!" sigaw ko habang pinagsususuntok sya sa chest nya.

"Hindi kita niloloko Ella, ginawa koyun dahil mahal kita, ginawa koyun dahil alam kong hindi ka safe kay Julian! Pinoprotektahan lang kita" sagot nya at niyakap ako ng mahigpit pero buong lakas ko syang tinulak palayo sakin.

"Ganon kaba magpakita ng pagmamahal? Handa kang manira ng ibang tao makuha molang ang gusto mo? Wag na wag ka na ulit magpapakita sakin Bret" sagot ko at aakyat na ng makasalubong si mommy na gulat. Sa halip na kausapin sya tumakbo nako papunta sa kwarto ko.

Bret's Pov:

Magkahalong galit at sakit ang bumalot sakin, eto nayung sinasabi ko. Sana talaga hindi nako nakipagsabwatan kay Donna, hindi na sana nangyari to, hindi na sana nagkagulo ng ganito. Hindi sana nagalit ng sobra si Ella sakin.

"Bret, anong nangyari? Anong pinag awayan nyo ng anak ko? Bakit sya umiiyak?" sunod sunod na nag aalalang tanong ng mommy nya pero sa halip na sumagot tumakbo nako palabas hindi kona to kaya. Hindi kona kaya kung mawawala kadin sakin Ella. Bata palang tayo ipinangako na natin sa isat isa na tayo lang hanggang sa pagtanda.

Habang nasa kotse, pumikit ako, nagbalik sakin yung pagkabata naming dalawa

__

"Sorry ha, hindi sana nangyari sayo yan kung hindi moko niligtas" umiiyak na sabi ni Ella.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now