43: Confession

2.1K 84 0
                                    

Julian's Pov:

Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit ko sya hinalikan, basta nagsasalita lang sya, tapos ayun, bigla nalang naglapat yung mga labi namin, basta nadala lang ako sa kanya, hindi ko masabi ang totoong dahilan kay Donna dahil alam kong magagalit sya, pero pakiramdam ko naman ang sama sama ko, nagkagalit na naman sila, nagalit nadin ng tuluyan si Ella sakin.

"Hoyyy Julian!! Lumabas ka dyan!!" sigaw ni Bret sa labas habang kinakalampag ang gate namin, sumilip ako sa bintana at nakitang pinipigilan sya nung maid namin, pero wala lang syang pake.

"Julian!! Hayop ka! Lumabas kadyan!" sigaw pa ulit nya. Kaya lumabas nako.

"Pare, ano bang problema?" Bungad kong tanong sa kanya .

"Wag mokong mapare pareng manyak ka! Lumabas ka dito!" galit pa nyang sigaw.

"Sige na, ako na bahala" sabi ko sa maid namin pagtapos ay binuksan ang gate at sinalubong ko agad ang malakas na suntok ni Bret, dahilan para matumba ako.

"Sinabihan na kita diba! Wag mo syang sasaktan, hindi nyolang sya pinagtulungan! Hinalikan mopa sya! Bakit Julian? Hindi moba masabi kay Donna ang ginawa mo kay Ella? Tapos sya pang ginawa mong masama!" galit na galit nyang sabi, tapos tumayo ako.

"Sasabihin kodin naman, humahanap lang ako ng-----

"Pero wala ka ng magagawa. Nakasakit kana, nakapambastos kana!" sigaw ulit nya at sinuntok ulit ako.

Ella's Pov:

Kakapunta palang ni Bret dito samin, at naikwento konadin ang nangyari, hinintay kong makaalis yung kotse nya, kasi may cctv kami sa labas ng gate na kita dito sa maliit na tv na nakakabit sa may pinto namin, ang kaso hindi sya dun pumunta sa palabas ng subdivision, kaya naisip ko agad na kay Julian sya pupunta. Dali dali akong lumabas at tumakbo papunta kina Julian ng makitang nag aaway na sila at walang magawa ang maid nila.

"Brett! Tama na!" sigaw ko, tumingin naman silang dalawa sakin, pagtapos ay binalingan ulit ni Bret ng suntok si Julian.

Agad agad akong lumapit sa kanila at pilit inilayo si Bret.

"Wag kang mangialam dito Ella, tinuturuan kolang ng leksyon ang manyak nato!" galit na sigaw ni Bret habang hawak hawak ko.

"Bret, nangako ka sakin na wala kang gagawin diba!" pagpapaalala ko sa kanya.

"Pero Ella" sabi pa nya.

Humarap naman ako kay Julian bago nagsalita.

"At ikaw! hindi ko din alam kung anong pumasok sa makitid mong utak para gawin sakin yun, tapos ako pa yung naging masama na naman kay Donna. Dahil sayo Julian!" sigaw ko.

"Pero Ella may dahilan ako kaya nagawa ko yun. Sorry, kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko" mahinahon nyang sagot habang dumudugo ang labi.

"At anong dahilan yun!!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Nagawa koyun dahil mahal na ata kita Ella" mahinang sagot nya, na kinagulat namin ni Bret .

"Mahal?" bungad naman ni Donna, kaya napagawi ang tingin naming tatlo sa kanya .

"All this time Julian na magkasama tayo. Si Ella pala ang mahal mo?" tanong ni Donna at sunod sunod na luha ang nagpatakan mula sa kanyang mata habang dahan dahan umaatras.

"Donna, let me explain" sabi ni Julian at lalapitan sana si Donna kaso tumakbo palayo si Donna na umiiyak.

Agad agad din naman akong tumakbo paalis, hinabol pa ako ni Bret, pero tinaboy konalang sya.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now