45: New Single Music Video

2K 86 0
                                    

Ella's Pov:

Feb.13 , Here at Viva Comp. through Viva Records para sa new single music video namin ni Julian, pinagsabay ng nilabas ito, title nung sakin "Sabi na Sayo Eh" , tapos title ng kanya "Kinikilig", madali lang ang binigay ni Mr.Tanchanco yung director namin na flow, kay Julian sya lang yung sasayaw, basta if matapos namin. Watch nyo nalang.

"Ella ikaw muna" sabi ni Sir.Michael at pinractice ko ng maigi yung tono at lyrics nung sakin ng biglang...

"Ella" bungad ni Bret na kinagulat naming lahat dito.

"Sabi ko sayo Ella, pag work, work lang  wag nyong sinasama ang mga boyfriend or girlfriend nyo dito, gusto nyo ba talagang masira na ang image nyo as JulianElla?" medyo galit na sabi ni Mr.Michael in serious voice. Agad agad ko namang hinila palabas si Bret.

"Bret naman, pls konting space naman, pati ako napapagalitan na dahil sayo, umalis kana" sabi ko sa kanya at sinaman sya ng tingin. Pagkatapos ay bumalik nako sa music room.

"Ella and Julian, tulad ng lagi naming sinasabi hindi kami mangingialam sa buhay nyo, pero para din naman sa magandang image nyo sa mga tao kaya namin kayo pinagbabawalan. Alam kong napapansin nyonadin na dumadagsa ang JulianElla bashers. Dahil nadin sa kumakalat nyong pictures kasama ang totoong mahal nyo in real life. Ipapaalala kolang ulit Loveteam namin kayo kinuha, nung una naman walang ganito, kung pwede wag nyo silang dalhin sa public place, ayokong masira yung pinaghirapan nating lahat" mahabang paliwanag ni Mr.Del Rosario, tsaka sila iiling iling na lumabas ni Mr.Michael.

"Anne ikaw na bahala sa kanila, tapusin nyo yan ngayon" sabi pa ni Mr.Michael bago tuluyang lumabas. Naiwan naman kami ni Julian na nakayuko.

"Ahmm, Sir.Julian, Ms.Ella alam nyo fan nyodin ako, kasi kakakilig naman talaga kayo, bagay na bagay tapos kakaattract yunt galing nyong sumayaw, pero sa totoo lang kahit ako po, medyo nasaktan, medyo nailang, syempre as a fan ng JulianElla ang makitang puro bash ang nasa comment box, masakit din po sakin, tapos andami nyopang kumakalat na pictures kasama yung mga jowa nyo, syempre kakahinayang naman" sabi ni Anne yung naghahandle nung music na gagawin namin.

"Excuse me" paalam ni Julian at lumabas.

"Sorry Ms.Ella may nasabi po ata akong masama" paghingi nya ng paumanhin.

"Ahhh hindi, wala" nakangiting peke kong sagot.

"Sige Ms.Ella start na po tayo" sagot nya.

"Hmm, restroom lang ako saglit" sagot ko at lumabas ng makitang nagtatalo na naman si Bret at Julian, akala koba umalis na sya.

"At talagang hanggang dito, nagtatalo kayo? Bret naman diba pinaalis na kita!" galit kong bungad sa kanila.

"Ella kas-----" naputol ang sasabihin ni Bret dahil nagsalita nako.

"Tapos na tayo Bret! Tinatapos kona ang pagpapanggap natin. Ayoko na! Hindi na tayo at walang tayo na sana maintindihan mo! Wag na wag mona ulit ako susundan, kung gusto mo ng tahimik na buhay pls lang, lubayan mo na ako!" galit kong sabi sa kanya at lumabas nasa music hall.

Julian's Pov:

"Tapos na tayo Bret! Tinatapos kona ang pagpapanggap natin. Ayoko na! Hindi na tayo at walang tayo na sana maintindihan mo! Wag na wag mona ulit ako susundan, kung gusto mo ng tahimik na buhay pls lang, lubayan mo na ako!" sabi ni Ella at lumabas. Agad agad din namang lumabas si Bret, at ako naiwang wala sa sarili, nagpapanggap lang sila? Hindi nya talaga boyfriend si Bret? Pero bakit? Bakit nila ginawa yun, bakit nila kailangan magpretend na sila, paniwalang paniwala kaming lahat tapos nagpapanggap lang pala sila?

"Sir.Julian asan na po si Ms.Ella kailangan napo natin magstart need po matapos yung music nyo ngayon" bungad nung Anne sakin kaya nagsuggest nalang ako na ako nalang muna.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now