15: Ella's TAMIS

3.1K 103 0
                                    

Ella's Pov

Ako? magkakaroon ng sariling kanta? as in? naiiyak ako, andito ulit kami ni Julian sa Viva Company para daw sa assembly meeting at laking gulat ko na eto pala to! Meron din naman daw si Julian ongoing pa nga lang at nauna ang first music video ko .

"Gusto ko din kayong i congratulate dahil sa views ng Versace on the floor nyo" sabi ni Mr.Del Rosario.

"Nakuh thank you po talaga" pasasalamat ko.

"Kaya andito kadin Julian, bilang loveteam susuportahan mo ang first music video ni Ella, it means kasama ka dapat sa video cover nya" sabi naman ni Mr.Michael.

"Sige po" sagot naman ni Julian.

"So tara na sa music room para maituro na sayo Ella ang lyrics ng TAMIS" sabi ulit ni Mr.Michael.

Sumunod naman kami ni Julian, nakakatuwa to, pagpasok namin sa music room daw may mga panibagong mga room dito, siguro para pag may mga nagprapractice di sila magkakarinigan.

"Good Morning Ms.Ella and Mr.Julian" bati samin nung babae sa loob ng isang room nung pumasok kami.

"And Mr.Michael and Mr.Del Rosario" sunod pa nya.

Ginagalang na talaga kami nakakaiyak na ang sobra sobrang swerte ko.

After a minutes ay kinanta na nya yung Tamis na magiging first song ko and first music video ko yiippiieee, Nagegets ko naman yung lyrics, ang mahirap lang naiilang ako sa mga taong kasama ko dito.

"Ayos maganda ang boses" bati naman ni Mr.Michael nung natapos ko ang first stanza. Uminom muna ako bago isinuot muli ang headphone na hawak ko andito kasi yung pinakatono, tas sasabayan ko dapat nasa timing ka, ang kaibahan lang nito hindi sya like videoke, itinuloy ako na ang sunod na lyrics, kabisado ko naman na kung pano sya kakantahin, and may binabasa naman ako dito.

"Magaling" sabi ni Mr.Del Rosario, na pumapalakpak pa.

"Nakuh salamat po" pasasalamat ko naman.

"Nagpadeliver na ako ng food tara na dun, ieedit pa yang song mo" sabi ni Mr.Michael.

"Ano sa palagay mo Julian? ok ba ang ka loveteam mo?" natatawang tanong ni Mr.Del Rosario habang patuloy kaming naglalakad.

"Magaling po, eto pa!" pagmamalaking sabi ni Julian at umakbay sakin.

Bat nya ko inakbayan? nagpapabida na naman ba sya at kunwari ayos ayos ng pakikitungo nya sakin pero sa totoo lang hindi! nakuh sya ang plastik hindi ako, sinisira na naman ang araw ko ng lalaking to. Tingnan ko naman sya ng masama at ayun nakangiti lang. Kaasar lang ang height nya sa height ko . Pero as a girl naman masaya nako kung anong meron ako .

Habang kumakain kami dito nadin mismo sa room ni Mr.Michael biglang tumunog ang telepono sa may mesa.

"Yes?" sabi ni Mr.Michael

"Ah ok sige" sabi pa nya, di kasi pakinig yung sinasabi ng kausap nya.

"Sino yun? " tanong ni Mr.Del Rosario

"Staff lang, naayos na ang Tamis mo Ella" sabi nya na lalong nagpa excite sakin.

After a minutes na pagkain bumalik na kami sa music room at pinarinig yung nabuo kong kanta, bigla nalang ako nacurious at namangha dahil may nag babackround music duon na lalaki? sino yun tsaka pano, pero maganda naman ang kinalabasan.

"So Ella and Julian papakilala kona ang magiging director nyo sa bawat music video na gagawin nyo" sabi ni Mr.Michael, sino kaya yun sana mabait.

Lumabas kami sa loob ng music room at may nakaupong naka formal ang suot na lalaki.

"Mr.Tanchanco andyan kana pala" bati ni Mr.Michael at nagshake hands sila.

"Sila na ba ang JulianElla?" tanong naman ni Mr.Tanchanco ba yun.

"Sila na nga po,Ella and Julian, He's Mr.Miggy Tanchanco ang magiging director nyo." pagpapakilala naman ni Mr.Michael samin.

"Nice to meet you po" sabi namin ni Julian tas nakipagshake hands sya kaya ginaya konalang.

Pumunta naman kasi sa parang gym dito rin mismo sa loob ng Viva building. So ngayon ako si Julian then si Mr.Tanchanco nalang ang andito.

"So Ella, dahil music video moto, ikaw syempre ang bibida dito, and dahil dancer kayong dalawa, gusto kong sayaw ang ibubuo mo dito, mag isip ka muna ng sayaw na magagamit mo sa music video mo, and pagkatapos nun just call me dahil may mga kilala nakong pwedeng mag backup dancer mo, para maituro mo sa kanila ang sayaw na gagawin mo, and especially si Julian, pero dont worry sa pahuli kapalang gagalaw Julian para sa isang sweet showdown nyong dalawa , loveteam kayo kaya dapat nagsusuportahan" mahabang seryosong paliwanag ni Mr.Tanchanco.

"Dont worry, no need to rush pero siguro mga 2weeks sana ok na, dahil may binubuo nading song for Julian, and dun naman tayo magpapaka busy, i know na kayang kaya mo yan Ella" seryoso pa nyang sunod na sabi, napakaseryoso naman nya unlike kay Mr.Michael and Mr.Del Rosario.

"Makakaasa po kayo" sagot ko.

"Mas better kung isasama mo si Julian pag nagprapractice kang gumawa ng sayaw , dahil dancer din sya at baka may maitulong sya sayo, and by the way pwede nyong gamitin itong gym sa pagprapractice nyo, if gusto nyo, marami namang rooms dito" sabi pa nya in serious voice padin.

"Sige po" sagot ko.

"Ok thats all , thanks" sabi pa nya sabay walk out palabas, katakot naman sya, parang teacher lang ang dating.

"Tara na" sabi ni Julian.

Hindi nalang ako umimik at sumunod na sa kanya.

____

"2 weeks seryoso ba sila? hirap hirap mag isip ng step, pero di bale na kailangan koto at kaya koto!" para akong shunga na kinauusap ang sarili, mag isa lang naman ako dito sa room, kung saan dito kami nagpractice ni Julian ng sayaw for Shape of You and Versace on the floor, ayoko kasing dun pa sa gym ng Viva eh kakahiya tsaka malayo.

So after a 1hour, dami pumapasok sa isip kong step pero diko alam kung alin ang bagay, dapat may connect to sa song eh. Kaasar na.

"Ayaww ko naaa!" sigaw ko, alam ko namang walang makakarinig sakin dito dahil nasa isang room ako.

"Ayaw mo na? nawala lang ako di ka na makagawa ng step?" nakakagulantang na boses ang narinig ko muna sa likod. Agad agad ko syang hinarap na nakataas pa ang paa na nakaupo dun, hayoopp na lalaking to.

"Bat ka andito tsaka bakit basta ka napasok hindi ka man lang kumatok" pagtataray ko, naka sports bra and short pa naman ako.

"Andito na nga ako para suportahan ang kaloveteam ko tapos taray taray mo dyan, patingin nga ng step mo para dun sa simula." sabi nya.

"Leave me alone Julian! lalo akong nawawala sa focus!" sigaw ko.

"Naka dalawa na tayong dance cover tapos maiilang kapa sakin" pambabara nya.

"Hindi ako naiilang sayo, nasusuka ako sayo, alam mo andaming mas dapat unahin like Donna, tsaka kana magpaka busy pag nailabas na yung lyrics ng song na para sayo!" pagmamaldita kong sagot.

"Sabi ni Mr.Tanchanco mas better kung andito ako para matulungan kita, gusto lang naman kitang tulungan, dahil kailangan din kita pag ako naman ang gumagawa ng step para sa akin" sabi nya. Biglang may kung anong pumasok sa puso ko at bumilis ang tibok nito sa sinabi nya, teka anong mali! anong meron! bat ganito!

"Uyyy natulala ka na dyan" sabi pa nya na nagpagising saking muni muni.

"Kaya ko na talaga Julian" sagot ko.

"Eh di sige basta dito lang ako" pagpipilit nya, tumingin nalang ako sa salamin at tinignan ang itsura ko mula ulo hanggang paa, at hinayaan nalang sya dun, tinuloy ko nalang ang ginagawa ko.

____

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now