55: Independent

2K 93 0
                                    

Ella's Pov:

Pangalawang araw na namin dito sa resort, kagabi kopang iniisip kung may galit padin sakin si Donna at bakit nyako tinanong ng ganon kagabi. Kasalukuyan akong nakaupo dito sa maliit na kubo mag isa dahil masyado pang maaga siguro ay tulog pa silang lahat. Habang nag mumuni muni, biglang umupo sa tapat ko si Donna ng nakangiti.

"Ella sorry sa tanong ko kagabi ah. Curious lang talaga ako tsaka concern lang ako" bungad nya sakin.

"Concern?" nagtataka kong tanong.

"Yes concern ako hindi lang sayo, pati nadin kay Bret at Julian" sagot nya

"Donna? Hindi ko maintindihan?" nagtataka ko pading tanong.

"Tinanong ko yun kagabi para malaman kung sino sa kanilang dalawa ang matimbang sayo, at sa pamamagitan nun. Atleast maaga palang ay alam na nila kung sino ang gusto mo sa kanilang dalawa, para wala ng naasa, as your bestfriend syempre support ako sayo. Sa kwento kasi ni Mommy sa love story nya, narealize ko. Mas better na i let go kona si Julian, para hindi sya nakakulong sa past namin, gusto ko maging malaya sya magmahal kahit na ikaw na bestfriend ko yung ipapalit nya sakin. Wala na sakin yun, pero Ella sana sinagot monalang kahapon. Sino ba talaga? Si Julian ba? Or si Bret?" Paliwanag at tanong nya. Napaisip naman ko sa tanong nyang hindi ko masagot sagot.

"Donna kahit kasi ako hindi ko maintindihan, pakiramdam ko pag pumili ako may masasaktan ako" sagot ko naman sa kanya.

"Ella mas masasaktan mo ang isa sa kanila kung hindi mo agad sinasabi, kasi aasa at aasa sila, kung sasabihin mona agad ngayon eh di atleast alam na nya na hindi sya yung mahal mo at for sure naman maiintindihan ka nya, tulad ng ex ni mom. naintindihan sya nito kahit na kaibigan nya pa ang ipinalit ni mommy kasi nga alam nung ex ni mommy na mas magiging masaya si mommy sa letche kong daddy" naiinis pang paliwanag nya.

"Sinasabi mobang dapat talaga mamili nako? Kahit may masaktan ako?" naiilang kong tanong sa kanya.

"Yup, You are independent Ella, malaya kana, mahalin mo kung sinong gusto mong mahalin, wag mong lokohin yung sarili mo, wag mokong isipin. Kung si Julian yung mahal mo so go! Ayos na sakin. Sa totoo lang nawalan nadin ako ng feelings kay Julian, kasi alam ko kahit anong siksik ko sa sarli ko sa kanya, ikaw lang, ikaw lang yung laging iniisip nya, at yun yung bagay na hindi ko matanggap noon na tanggap kona ngayon" nakangiting paliwanag ni Donna, pagkatapos ay niyakap ko sya.

"Ikaw na talaga ulit si Donna, ang advicer ko" nakangiti kong sagot habang yakap yakap sya.

"At ikaw padin talaga si Ella na marupok" natatawa nya namang sagot sakin.

"So Ella tayo lang namang dalawa dito, pwede mo ng sabihin sakin kung sino sa kanilang dalawa" sabi na naman nya kaya napabitaw ako sa yakap sa kanya at napaisip.

Simula palang naman si Julian na yung gusto ko. Kaso diko magawa dahil ni Donna, pero ngayon pwede na, pwede ko na syang mahalin. Pero paano naman si Bret. Masyado na syang umaasa sakin, umaasa sa pangako ko sa kanya nung mga bata pa kami. Pangako namin sa isat isa na kami lang hanggang huli. Kaya ngayon sino nga ba talaga sa kanilang dalawa ang mas matimbang?

*kring*

Napatingin kami pareho ni Donna sa phone nya na nagriring.

"Excuse Ella ha" sabi nya at lumayo sakin, maya maya pa may umupo sa kinauupuan ni Donna kanina sa harap ko. Si Julian.

"Good Morning" nakangiting nakakaloka nyang bati sakin.

"Walang good sa morning" pagtataray ko namang sagot.

"Ang aga aga antaray mo naman" natatawa naman nyang sagot. Bakit ba ganito tong lalaking toh, dati naman pag nagtaray ako makikipagsagutan nayan sakin pero ngayon sinasakyan at tinatawanan na nyalang yung mga pagsusungit ko.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now