26: Displeasure

2.6K 95 2
                                    

Julian's Pov

Simulang nangyari sa amin, tumahimik nalang sya, kinakausap ko pero hindi umiimik , nakadaan na ang tanghali at kumain syang tahimik lang at ngayon maghahapunan na , hindi ko alam kung may nasabi bakong masama kanina , sanay naman na sya sa mga ganoon kong salita , ang hindi ko alam bat sya umiyak nung sinabi ko yun. Eh kasi para din naman samin yun kaya ko sya pinagsabihan, syempre masisira naman talaga ang image naman sa mga tao , baka nga mamaya ang mga lalaking yun nambabash na at nagbabalita ng kung ano man ang ginawa ni Ella sa kanila na pati ako nadamay , ansakin lang hindi na dapat dinadala ni Ella sa iba ang attitude nyang ganon.

"Apo asan na yung kaibigan mo?" bungad sakin ni Lola habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Apo umamin ka nga sa amin, talaga bang kaibigan mo lang yun? Aba ay ligawan mona" sabi naman ni Lolo.

"Lolo , kaibigan kolang po talaga yun" sagot ko naman. Ngumiti nalang sya at kumuha ng mga plato.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto kung nasan si Ella. Naabutan ko syang nagsusuklay ng buhok at nakapantulog na ang suot.

"Ella kakain na tara na" sabi ko pero para akong nakipag usap sa hangin , kanina pa syang hindi namamansin.

"Ella kung may nagawa man ako na kinagagalit mo, pwede mo namang sabihin , hindi yung ganito" mahaba ko pang paliwanag. Pero sa halip na sumagot ay lumabas na sya ng kwarto.

Ella's Pov

Ang kapal kapal ng mukhang magmaang maangan na walang alam, hindi ba nya alam na nakasakit na sya. Hindi porket ganito ako sa paningin nya laging positive. Laging ok, eh hindi nako marunong masaktan , tao din naman ako . Sa halip na sagutin sya at lumabas nako sa kwarto at dumiretso sa hapag kainan.

"Magandang gabi po" bati ko sa lolo at lola ni Julian.

"Sayo din Iha , sige kain ka na" sagot ni Lola at naupo nako. Maya maya pay dumating na ang dakilang mapang panggap nato at tumabi sakin , ang upuan kasi nila dito ay isang pahabang upuan na dun na uupo , kaya talagang magkatabi kami , si Lola at Lolo naman andun sa kabila.

Aabutin ko sana ang plato na naglalaman ng kanin ng ang mahawakan ko ay kamay ni Julian , agad naman akong bumitaw at sya rin

"Mauna kana" sabay pa naming sabi. Dahil sa sinabi nya kukunin kona sana ulit ang kanin ng sya naman ang napahawak sa kamay ko , nananadya ba sya.

"Oh iha. Kuha kana" abot sakin ng Lola nya.

Kumuha naman nako at sinunod nya itong inabot kay Julian.

May tuyo silang ulam , at may tinola ding manok , thanks god.

Kumain kami ng tahimik, nakakainis lang dahil walang Tv dito , dami kong mamimiss na episode sa mga teleserye kong inaabangan.

Nauna akong matapos at inilapag na ito sa lababo nilang gawa padin sa kawayan.

Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay at umupo sa upuan duon. Naalala ko si Mommy at Daddy , bakit hindi man lang sila tumatawag? Namimiss konadin sila , kaya tinawagan ko pero ni isa sa kanila walang sumagot , nakita ko si Donna sa phonebook ko at inopen ang picture na naka insert dito .

 Naalala ko si Mommy at Daddy , bakit hindi man lang sila tumatawag? Namimiss konadin sila , kaya tinawagan ko pero ni isa sa kanila walang sumagot , nakita ko si Donna sa phonebook ko at inopen ang picture na naka insert dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon