4: Ella's First Revenge

4.8K 161 2
                                    

Ella's Pov:

Sana naman hindi ko sya makita ngayon nasisira palagi ang araw ko, tinatapatan ako eh kaynis, at dahil sa nakakabagot na linggo ko kahapon ay balak ko muna ulit mag exercise sa gym para din ma improved ko yung sexy body ko.

So after ng pagmumuni muni ay umalis nako, ginamit konalang yung car ko. Nang makarating sa gym agad ko itong pinark at pumasok sa loob. Pagkapasok ko mga nasa 11 tao palang ang andito malaki naman kasi tong gym. So pumunta nako kung nasan yung nag aasikaso sakin twing andito ako, di naman kasi ako tulad nung iba na gumagamit ng mga gamit dito sa gym hanggang simpleng mga exercise lang ako like push ups, jogging ganon.

Nang napagod nakong mag push ups ay umupo muna ako at uminom ng tubig, bilis ko namang pawisan, kakapagod, so inopen ko muna yung messenger ng biglang may agaw pansin na namang nagpapansin, myghadd anong ginagawa nya dito? Kung yung Julian ang nasa isip nyo so sorry nagkakamali kayo, Kasi si Francis ang nakita ko, my first love, my first boyfriend and my first ex. Ang kapal nya talaga ayan ang saya saya kasama ang babae nya hayopp sya, kala mo naman kung sinong maganda ang babaeng yun kung makapulupot, pinupunasan nya kasi si Francis ng pawis, as in myghaddd talaga. Kala mo naman papayag akong maging masaya ka, No way, nagpaalam yung babae kay Francis then dumiretso sa restroom, dun kasi sya lumiko.

Naghintay ako ng ilang minuto bago nilapitan si Francis. Naka sports bra nga lang pala ako then maikling short na pang sports din.

"Hi Francis? kamusta?" nakakalokang nakangiti kong bati sa kanya na para bang walang nangyari sa amin.

Maldita Personality #5: Always positive dapat.

Agad namang tumayo si Francis sa pagkakatayo at inayos ang sarili, naka t-shirt naman sya kaya di ako maiilang.

"Ah-eh , E-ella anong ginagawa mo dito?" nauutal nyang tanong.

"Excuse me? dito mo nga ako nakilala diba? and correction mas matagal nakong nag ggym dito compare you, kaya ako dapat ang nagtatanong sayo nyan, so ano ngabang ginagawa mo dito?" pambabara ko naman sa kanya.

Tila nag iisip sya at lalong pinagpapawisan ewan ko ba pero parang nahihiya syang makipag usap sakin.

"Ella alam ko malaki ang kasalanan ko sayo pero sana kalimutan mo na yun, masaya nako at sana maging masaya kanadin" sagot naman neto.

Sasagot pa sana ako ng makitang papalapit ang girlfriend nya dito habang busy sa paghahalwat ng bag nya, kaya ginawa ko itong pagkakataon para halikan si Francis. Agad agad ko syang hinawakan sa kabilang pisngi at hinalikan, ng maramdamang nakita na ito ng girlfriend nya ay agad akong kumalas sa gulat na gulat na si Francis, goodluck sayo ngayon Mr.Playboy.

"Hayoopp kang babae ka!" sigaw nung babae at akmang susugurin ako, nagsign naman ako ng stop.

"Oopps , subukan mong palapatin ang madumi mong kamay sa kahit sang parte ng katawan ko at ng makita mo ang hinahanap mo!" matapang kong sabi sa kanya na nagcause sa pagkagulat nya, napatigil sya at ibinaling kay Francis ang tingin.

"How dare you Francis!" naiiyak na sabi nung babae kay Francis at sinampal ito.

"Wait Cess magpapaliwanag ako!" sagot naman ni Francis, nakakatawa lang silang panoorin  hindi ako nakakaramdam ng awa sa babaeng yun, dahil tapos na ang pagiging santa santita ko. Kung anong ginawa mo sakin Francis ay yun din ang ginawa ko sayo kaya patas lang tayo.

Nang nag walk out na yung babae ay binalingan ako ng masamang tingin ni Francis at hinawakan ang braso ko ng mahigpit, feeling ko nakatingin na lahat ng nandito samin.

"Ano ba Francis bitawan mo nga ako!" pagmamaktol ko.

"Bat mo ginawa yun ano bang problema mo!" sigaw nya na nanlalaki ang mata sakin.

"Problema ko? wala naman, baka ikaw meron, pwede ba bitawan moko!" sigaw ko naman.

Akma namang sasampalin nyako ng kanang kamay nya habang ang kaliwa ay nakakapit parin sa braso ko.

"Oh bat di mo tinuloy? takot ka?" sabi ko naman sabay tinuhod ang maselang bahagi ng katawan nya at ng napaupo sya at nakahawak dun sa sakit ay siniko ko naman ang likod nya na nagcause para mapa upo sya. Wag ako Francis simula palang to.

"Arggg" sigaw nya sa sakit, iniwan ko naman syang tulala dun, kinuha ko ang tuwalya kung san ako nakaupo kanina at lumabas na ng gym.

Julian's Pov:

Kitang kita ko lahat lahat na ginawa ni Ella sa lalaking yun, sya kaya ang sinasabi ni Donna na first ex nya?

Maaga palang ay andito na ako kaya ng dumating sya ay sa kanya na nakafocus ang tingin ko, kitang kita korin kung pano sya pumunta dun sa lalaki nung umalis ang babaeng kasama nito, rinig na rinig ko kung pano nya pagtarayan ang lalaking yun, at sa palagay ko sya nga ang first ex nya, pero bakit parang wala silang past kung mag usap? ito ba ang paraan ni Ella? ng biglang hinalikan nya yung lalaki nagulat ako sa inasta nya, at dun na ang sunod sunod na pangyayari, nagalit yung babae at umalis, galit na galit yung lalaki kay Ella , at akmang sasaktan na nya ito, pupuntahan ko na sana sila pero baka kung ano namang isipin ng babaeng yun, kaya mas minabuti kong manahimik nalang .

"Oh bat di mo tinuloy? takot ka?" sabi ni Ella na napalakas na ang boses kaya nagtinginan lahat sa kanila. Pagkatapos nyang sabihin yun ay tinuhod nya yung lalaki sa maselang bahagi ng katawan  nito at ng mapayuko sa sakit ay siniko nya ito sa likod kaya napa upo yung lalaki sa sahig, nagulat ako sa inasal nya nakakatakot nga talaga sya, anaconda talaga ang babaeng yun, kinwento na kasi ni Donna sakin ang lahat, may pinaggagalingan pala ang galit nya at pagmamaldita nya ,.pero bakit kailangan madamay ang mga taong nasa paligid nya na wala namang ginagawa sa kanya, tama bang rason na kaya wala na syang tiwala sa mga lalaki ay dahil sa nangyari sa kanya, ganon ba sya nasaktan sa mga nangyari sa kanya? at ngayon eto sya at naghihiganti? Siguro kailangan nya lang mahanap ang lalaking iintindi sa kanya at hinding hindi sya sasaktan para sa ganun matuto nyang ibalik ang dating sya, dahil si Donna simula pagkabata daw maldita na sya dahil sa murang edad namulat na sya sa galit sa kanyang ama dahil sa panloloko nito sa kanyang ina, kaya lumaki syang maldita, at dahil sa pagmamaldita nyang ito nagustuhan ko sya hindi ko alam kung pano at bakit! pero pinag tyagaan ko talaga lahat lahat makuha lang ang loob nya, iba kasi ang dating nya sa akin, siguro lahat ng taong may galit sa mundo may pinang gagalingan ang galit ..

______

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon