34: TUMALON Music Video

2.5K 101 0
                                    

Ella's Pov:

Andito na kami ngayon kung saan gaganapin ang aming music video TUMALON, super astig nung kanta, pwedeng pwede sya sa barkada, tsaka kung mapapakinggan nyo mabubuhayan talaga kayo, para kasing nakakadala yung kanta , yung nakakahawa ganon. So medyo masaya din tong shooting namin today para sa tumalon, kasi di na sya sa pagsasayaw naka base, basta madaming mga activities ang gagawin namin dito pero ayun nga hindi padin mawawala yung sayaw, kasi buhay na namin yun. So 6:00am palang at andito na agad kami, sadyang maaga dahil medyo mahihirapan daw , nakapagready nadin kami ni Julian ng sayaw para dito, di naman na need ng mga back up dancers kasi samin daw dalawa sadya nakafocus..

"Ella, magbihis kana daw" bungad sakin ni Julian.

"Oo sige" sagot ko habang nagcecellphone padin.

"Ayan na nasinag na ang araw! Fasterr mag ayos na kayo!" sigaw nung isa na kasama sa pag aayos ng music video nato.

Agad agad naman akong tumayo at kinuha ang una kong susuotin.

____

*12:45pm*

Lunch time na. Mamaya na daw ulit hapon itutuloy pag palubog na ang araw, ang galing lang ng concept na naisip nila. Naenjoy na namin, tapos magkakamusic video pa kami together na for sure pagkakaguluhan ng mga fans, excited nakong ilabas toh.

"Ella, may dala akong food para sayo" bungad sakin ng kilalang boses, kaya hinarap ko sya at di ako nagkamali si Jackson.

"Oh? Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Sinabi sakin ng mommy mo kung san kayo eh. Kaya sumunod ako para dalhan ka ng food" sagot naman nya.

Napapikit naman ako at pinilit wag mainis ,pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Mr.Jackson, nagtratrabaho ako ngayon kaya pls. Ako na mismo tatawag sayo para makapag usap tayo ng maayos" mahaba kong mahinahong sagot.

"Ehemm" boses ni Julian, humarap ako sa kanya na nakatingin samin pati ibang staff.

"Taraa" sabi ko at inilayo si Jackson sa mga tao dito.

"Wait san tayo pupunta? Tsaka tinawag mo nakong Jackson? It means naaalala mo na ako?" sabi pa nya.

"Huh? Alam mo ang gulo mo, basta umalis kanalang at tatawagan kita if dinako busy, bawal kasi dito ang ibang tao" paliwanag kopa sa mahinahong paraan kahit sa loob ko gusto kona syang sigawan.

"Kasi tawag mo talaga sakin noon pa Jackson na? Akala ko naaalala mo na ako" sagot pa nya.

"Ok sige naaalala na kita kaya nga pwede umalis kana? bago kapa kaladkarin palayas dito ng mga staff" sagot ko kahit diko naman talaga sya maalala.

"Sige na nga , sige goodluck , ingat ka, gusto mo ako na sumundo sayo mamaya? Anong oras ba kayo matatapos?" sunod pa nya.

"Mr.Jackson pag hindi kapa umalis at mangulit kapa, hinding hindi mo na talaga ako makakausap kahit kailan!!" pananakot ko pa.

"Ok chill, relax, aalis na nga, bye , pero dinner tayo mamaya ah? Daanan kita." sagot nya at kinuha ang susi sa bulsa.

"Oo na, basta umalis kana" naiirita kong sagot.

Ng makaalis na sya ay bumalik nako kung san ako nakapwesto kanina.

"Oh nasan na ang boyfriend mo?" bungad na tanong sakin ni Julian.

"Boyfriend?" sabay sabay na tanong ng mga staff.

"Ha? Ano, ano kasi boyfriend oo, means lalaking kaibigan , ganon, bestfriend ko kasi yun, diba Julian?" sagot ko at pilit kinukumbinsi si Julian na umu-o.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon