25: Closer?

2.4K 87 0
                                    

Ella's Pov

Sunod sunod na tilaok ng manok ang gumising sa akin.  Parang bang gusto kong lumabas at patayin isa isa ang mga letcheng manok nayun .Ang aga aga bastos , pilit kong tinatakpan ng unan ang tenga ko para wala akong marinig pero hindi effective , sa likot ko ay nakaramdam ako ng sakit ng katawan.

"Arayyy" angal ko dahil sa sakit ng batok at likod ko.

"Anong nangyari sayo dyan?" bungad na naman ng kumag nato. Hobby na ba nya ang manggulat?

"Hindi ba obvious? Ansakit ng katawan ko dahil sayo, pinatulog moko sa kamang to!" reklamo ko habang nakahawak sa batok.

"Nakuh pasensya kana iha ha. Wala kasi kami ng tulad sa maynila na malalambot na kama" bungad naman sakin ng lola nya , tila hindi ako mapakali at napahiya sa sinabi ng lola nya . Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Ah, eh Lola hindi naman po, binibiro kolang po itong si Julian, mahilig lang po talaga ako magjoke" sagot ko at napakamot sa noo.

"Ganoon ba? Sya bumangon kana dyan at mag almusal kana. Julian apo ikaw na bahala sa kanya pupunta na kami sa bukid." mahabang sabi ng lola nya. Ng makaalis ito.  Tumingin ng nakakaasar si Julian sakin at umupo sa kama.

"Pwede absent ka muna sa katarayan mo especially yung bunganga mo, dami kasing lumalabas na kung ano ano" sabi nito.

"Totoo naman kasi! Kasalanan moto eh, lagi akong napapahiya, para tuloy galit sakin yung lola mo" sagot ko habang masama tingin sa kanya.

"Bilisan mona bumangon kana dyan, para makakain kana sunod tayo sa bukid." sagot nya.

"At sinong may sabing sasama ako? Ok nako dito sa bahay" sagot ko naman.

"Dun kasi may cgnal kaya pupunta ako, pero sige dito kanalang magbantay ka ng bahay" nakakaasar na sagot nya.

"Ano ako aso nyo? Sasama nga ako diba? Just wait, at pwede leave me alone." naiirita kong sigaw.

"Ok sige chill kalang, hintayin kita sa labas." natatawa nyang sagot at lumabas na.

Kinuha kona ang toothbrush, towel, at face wash ko, pati nadin pamalit na damit. After a minutes na pag aayos ng sarili dumiretso nako sa lamesa.

"Julian anong kakainin ko!" sigaw ko, hindi ko kasi alam kung nasan.

"Yung nasa lamesa, buklatin monalang dyan" sigaw nya pabalik. Asan bayun .Binuksan ko na kung ano ang andito, egg at pandesal lang , tas may sachet ng coffee, pano bato, wala ba silang gatas . Nagpalaman nalang ako ng egg sa pandesal at lumabas na para hanapin si Julian, nasa likod sya at nagpapakain ng mga manok.

"Julian tara na kung san may cgnal , kilangan kong mag update sa ig ko sa twitter at facebook!!!" angal ko habang kumakain.

"Kumain ka muna dun, hindi kaba magkakape?" tanong nya habang naghuhugas ng kamay.

"Wala ba kayong gatas?" naiilang kong tanong.

"Sana nag grocery ka muna bago tayo pumunta dito, eh andami mong kailangan sa buhay eh" natatawa na naman nyang sagot.

"Eh kung inupdate mo sana akong ganito pala dito sa probinsya nyo, kaso hindi . Wala kang pasabi" mataray ko namang sagot. Umupo ako sa upuan dito at tumabi sya pero hindi naman sobrang magkatabi. Basta umupo lang din sya sa mahabang upuan na inuupuan ko.

"Tara na nga" sabi nya at inakbayan ako.

"Ano ba! Don't touch me!" maktol ko sa kanya tapos sinamaan ng tingin

Julian's Pov

"Ano ba! Don't touch me!" sa sinabi nyang nun.  Nagflashback sakin yung mga time na sobrang magkagalit pa kami dahil sa isang hindi pagkakaintindihan , sinabi pa nya noon na "Dont touch me kakadiri ka!" mga katagang hindi ko malilimutan na nanggaling sa bibig nya, kahit ganon ang past namin at ganon ko sya unang nakilala habang tumatagal naman nakikita kona ang talagang sya , hindi naman pala talaga sya ganoon kasama.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now