I Hate You _ I Love You..
JULIANELLA FICTIONAL LOVE STORY...
ella cruz and julian trono 🧡
Isang babaeng malaki ang galit sa mundo, alamin kung saan nga ba ito nagsimula? Hanggang sa nadiscover sya dahil sa galing nyang sumayaw, at di sinasadyang na...
Andito na kami sa isang mall show kung saan malapit ang aming probinsya dito, matagal nadin kasi akong hindi nakabalik dito at madami din ang gusto akong makita. Kaya ngayong birthday ko nalang ako nagkaroon ng pagkakataon .
Ilang minuto nalang ay mag uumpisa na kami. Nakaayos na ako at madami nading tao ang naeexcite at naghihitay sa amin. Magbibigay din ako ng konting pakain para sa lahat. Alam kong madami pero nakaayos naman na. Pupuntahan kona sana si Ella para sabihang magsisimula na kami ng makita sya sa isang gilid habang inaayusan ng buhok, bakas sa mukha nya yung pagkalungkot na parang may malalim na iniisip habang nakatingin sa cellphone nya.Lalapitan kona sana sya ng may biglang pumatak na luha sa mga mata nya at kasabay nun ay ang pagmamadali nyang punasan ito. Minabuti kong wag muna syang kausapin tungkol sa kung ano man ang problema nya.
"Ella , in 5minutes magsisimula na tayo! Be ready" bungad ko sa kanya ng masigla ,bakas sa mukha nya ang make up na kumalat dahil siguro sa luha nya , gusto kong tumawa sa itsura nya pero diko magawa .
"Oo sige" mahinang sagot nya , tumango nalang ako at pumunta na sa stage para kunin ang atensyon ng lahat at para makapagsalita nadin , madami sa kanila may hawak na tarpaulin ang iba Happy Birthday Julian. May mga Julianators , pero may mga Ellamazings din dito at syempre meron ding mga JulianElla Forever , ansaya lang na marami na talagang nagmamahal samin sa kahit saang lugar.
Ella's Pov
Naghahanap lang ako kanina ng magandang picture nung bata ako sa fb account ko, para sa bagong challenge na 2009 vs. 2019 ng may mga picture sa akin na bumungad sa paghahalwat ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naalala ko nung kami pa ni Francis, kung san san nyako dinadala , lagi kaming nag a out of town together pero bat ba andito toh , at bakit ba nakakaramdam padin ako ng miss sa lalaking yun ,hindi lang yan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yan , magaling din yan sumayaw, pero hindi nya hilig yun , lagi nyakong sinasabayan nun sa mga kagagahan ko , lagi syang nandyan sa twing nagsasayaw ako ng kung ano ano , at kahit alam kong OA nako todo cheer pa sya , i cant forget this memories pero kailangan.