31: Umaaraw Umuulan Dance Cover

2.4K 86 6
                                    

Julian's Pov:

Matapos makakain dahil gutom na gutom talaga ako sa ginawa ko, dahil kay Donna , nagkakaganon ako. Tama si Ella pass muna ako sa love problem at magfofocus muna sa pagiging artista ko.

Inihanda ko ang sarili ko at inayos ang sarili. Dahil naligo naman ako bago bumaba at kumain, nagpaalam nako kay Mama at pumunta kina Ella.

Ella's Pov:

Kanina pakong nakauwi at nakahiga sa couch habang nakasimangot na nagcecellphone habang pinapakinggan ang TAMIS na unang music video ko na sana masundan pa kaso mukang magkakaproblema pa.

"Anak!" Tawag sakin ni mommy mula sa labas.

"Yess Ma??!" Pabalik kong sigaw.

Maya maya pay bumukas ang pinto at niluwa nito si mommy kasabay ng pagkatapos ng kanta kong TAMIS at sumunod ang BALANG ARAW ni Julian

"Nak, may bisita ka" bungad nya sakin.

"At sino naman po kaya ang bibisita sakin?" naaasar kong sagot , totoo naman eh, sino ba.

Maya maya pa ay pumasok si Julian na ikinagulat ko. Sa pagkabigla ay nabitawan ko ang phone ko sa muka ko.

"Aray" angal ko, at agad agad iniayos ang tayo. Nakahiga kasi ako tas nakataas pa ang paa, kakahiya.

"Oh Julian ikaw pala" bati ko sa kanya at tumayo, grabe bigla akong nakaramdam ng hiya sa lalaking toh dahil sa mga sinabi ko kanina. Pero totoo ba? Effective yun?

"Julian , maupo kana, maiwan ko muna kayo" sabi ni mommy at lumabas na ulit.

"Kelan tayo magprapractice, kailangan na natin agad toh matapos?" bungad nyang tanong, ewan pero biglang bumalik ang sungay ko.

"Wow ha, ikaw tong andaming oras na sinayang tapos irurush moko ngayon?" mataray kong sagot.

"Kaya nga mag umpisa na tayo" sagot naman nya, parang wala lang? Bumalik na ulit sya sa dating sya? Parang kanina para pa syang patay na nakahiga dun eh?tapos biglang back to normal.

"Anytime naman kasi pwede ako, di tulad ng iba dyan pa VIP" pagpapatama kong sagot habang titingin tingin sa taas.

"Daldal mo tara na!" sabi nya at hinigit ang kamay ko.

"Oyy oyyy san tayo pupunta?!!" nasstress kong tanong.

"Walang tayo! Sa gym ang punta natin" sagot nya.

Nakakamura lang talaga ang lalaking toh! Nakapambara pa talaga sya ha.

Nang makarating sa labas, andun na pala kotse nya? Ang lapit lapit ng kanila samin pero naka car? Huwaw!

"Magbibihis lang ako" sabi ko at babalik sana sa loob kaso pinigilan nyako.

"Pasok na dalii, ok nayan" sagot nya , porke ok suot nya ganyan sya eh ako nakapambahay lang, at take note nakasakay na agad sya , ni hindi nya manlang bako pagbubuksan ng pinto?

Hindi nalang ako umimik at pumasok na sa loob ng kotse nya.

"Sa tingin mo, anong pwedeng steps para sa isang OPM song? Tagalog pa? ang hirap naman ng hinihingi nila. Hindi pa napapanahon, sa tingin ba nila papatok yun sa mga tao, eh kalimitan naman focus sila sa mga nauuso" mahabang seryosong sabi nya habang iiling iling pa. Kitang kita ko ang seryoso sa muka nya.

"Oo papatok yan sa kanila, tsaka kaya yan, magagawa din natin yan, for sure" sagot ko naman , tapos nun tahimik na kami hanggang nakarating sa gym.

Nang makarating sa gym, pumunta na kami ulit sa isang room na nakareserve na sadya samin. Mas better kasi magpractice sa ganito, kita mo sa salamin kung ok ba ang ginagawa mo, tapos tahimik pa.

"May music kaba ng Umaaraw Umuulan nayan?" tanong nya , eh teka bat seryoso na ata sya.

"Ah_eh oo meron" sabi ko at ipinlay ang kanta , tahimik naman syang nakikinig ng matapos ay nagsalita ulit sya.

"Aling part dyan ang kukunin natin para icover? Sa may part nalang siguro ng chorus?" sunod sunod nyang tanong pero parang sinasagot naman na nya ang tanong nya.

"Ah, ano ikaw na ang bahala" nauutal ko na namang sagot .

"Ok lang ba sayo na maraming touch scene dito? Kasi alam ko ayaw na ayaw mong hinahawakan kita" tanong nya.

"Ha? Anong touch scene?" naiilang kong sagot, teka anong touch scene , bat may ganun.

"Iba naman ang iniisip mo, ibig kong sabihin touch scene pwedeng lagi tayong magkahawak ng kamay dito as partner, hindi naman kita itoutouch sa kung saan dyan" natatawa nyang sagot, sa halip na magalit ay napangiti ako, tumawa na ulit sya , naiilang kasi ako pag seryoso sya .

"Huyyy ano?"

Napailing iling naman ako at sumagot.

"Sure , ayos lang sakin" sagot ko. Hindi ko maitanong ang about sa kanila ni Donna baka kasi magalit .

After a hours may nabuo na kaming steps pero kulang padin, umuwi na kami kasi magdidilim na .

Dumaan pa ang dalawang araw at naayos na namin, ipinagbigay alam na namin sa Viva Ent. ang magandang balita na ready na kami magcover , sila daw hahanap ng place na pagsasayawan namin.

May pinopromote daw kasi silang place kaya dun kami magcocover. So ayun na nga dahil ready na kami kinabukasan ay pumunta na agad kami sa lugar , iniayos na ang lahat, pati susuotin namin ay sa kanilang idea nanggaling, pinakita pa namin sa kanila ang nagawa naming sayaw at nagandahan naman sila dito,naiba lang ang ending ng sayaw na aming ginawa dahil nagbigay sila ng mas better since umaaraw at umuulan nga ito, may mababasang scene ganon.

So andito na nga kami ngayon , ready na kami,hindi nadin kami naiilang kahit andaming taong dumadaan, pero ok lang daw yun sabi ni direct. After a minutes ready na lahat ng gamit at sinimulan na , unang try is sumablay kami , di daw kasi kami sabay angal ni direct , second try mali na naman ,wala daw kasing buhay yung sayaw namin, third try pinalayo ng konti si julian sakin. Andaming want ng director namin. And sa 4th try dire diretso na kami,hanggang sa natapos namin at binati kami ni Direct

"Perfectt!!" sabi ni direct.

"Salamat po" sagot namin ni Julian, maya maya pa ay dumumog na ang tao ng malamang tapos na kami magcover.

"Mag aayos lang po sila , babalik po sila" sabi nung mga staff ng Viva Ent. na nagpupumilit lumapit samin.

So guysss watch nyoo etoo ang cover na nagawa namin !!

[A/N: guyyss lahat ng video na inuupload ko dito panoodin nyo para makilala nyo ang JulianElla hahaha. Tsaka nageffort ako magpaload para maipublished yun dito at free nyo mapanood , paload nadin kayo. Minsan laang eh hahaha]


____

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt