21: Julian's Surprise

3.2K 104 7
                                    

Julian's Pov:

Hapon na pero wala padin ang narereceive na invitation galing kay Ella, hindi ba sya magcecelebrate, bagong dating pa naman parents nya , siguro sila nalang ang nag celebrate. Kaya naman itutuloy kopadin yung surprise ko sa kanya mamayang gabi. May party man o wala. May invitation naman o wala pupunta padin ako! Marami nadin syang nagawa para sakin. Magkasama kaming sumikat kaya mahalaga nadin sya sakin. At ang surprise nato ay inihanda ko talaga para sa kanya. Hindi naman nya siguro ineexpect na pupunta ako sa bahay nila kaya surprise talaga, isa pa last na magkasama kami, nasuntok pako ng hindi ko alam. Tapos nun di na nagparamdam, nga pala eto yung Music Video ko. Kayo na bahala humusga pero ang ganda ni Ella dyan .



3.04M views sya.

04M views sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ella's Pov:

Ayos na ang lahat at dumidilim na, kinakabahan ako. Pinapa invite ni mommy ang Viva, kaya ininvite ko sila. Nakakakaba lang kasi syempre may party tas diko sila iinvite , eh sila ang buhay ko ngayon ang pagiging Viva Artist. At kung andito ang Viva , dapat andito din si Julian. Nakakainis , kaya kahit ayaw ko. Tinxt ko na lang sya na pumunta sya dito mamayang 7.

Lumipas pa ang oras at nag 7 na nga, hindi na ako nag dress simpleng pormahan lang na uso ngayon. Bumaba na ako at sa labas ay anduon na nga ang mga tao, malawak naman ang garahe namin sa labas ,nakabukas din ng malaki ang gate, ang mga sasakyan ng mga dumating ay asa labas ng gate.

Bawat hakbang ko ay may bumabati sa akin, ni wala manlang akong kilala ni isa sa kanila. Nakakahiya, tama naman si mommy marami ding teenager na nasa isang tabi at duon sama samang nagtatawanan habang may hawak na juice. Bawal pa daw kasi ang mga wine samin, eh hindi naman na kami bata no.

"Heyyy, Ella Cruz happy Birthday!" isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

Dahan dahan akong humarap sa kanya at hindi nga ako nagkamali, si Ranz . Umatras ako ng bahagya bago sumagot.

"Ah-ah anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi na parang nawala ang kamalditahan ko.

"Ininvite ako ng parents mo with my parents" sagot naman nya habang nakangiti padin ng nakakaloko.

Sa halip na pagtarayan pa sya ay umiwas na lamang ako at lumakad ng mabilis

"Oh anak? Nagmamadali ka ata? Entertain mo naman yung mga bisita mo" bungad sakin ni Daddy.

"Yes Dad" mahina kong sagot.

"Sige anak, happy birthday ulit, enjoy!" sabi pa nya at pumunta na sa mga kababs nya dun.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon