19: Balang Araw Music Video

2.9K 86 1
                                    

Julian's Pov:

Eto naa! Sana magawa ko ang mga napractice namin at sana maging maayos ang kalalabasan ng first music video ko.

"Excited kana?" tanong ni Ella sa tabi ko. Otw na kami papunta dun sa location kung saan.

"Medyo, kinakabahan kasi ako" sagot ko.

"Suss, kinakabahan daw" pagtataray naman nya.

"Oo aaminin ko excited ako pero syempre nandun padin yung kaba." mahinahon ko namang sagot.

"Ako din eh excited na mamaya" natatawa nyang sagot.

"Excited?" nagtataka kong tanong.

"Oh bakit? Bawal bakong maging excited, porket music video mo?" mataray na naman nyang sagot..

"Ikaw ang may sabi nyan, ibig kong sabihin, excited ka sa gagawin natin mamaya?" tanong ko.

"Actually oo syempre dance is life diba? Pero the most important thing that made me excited is the outfit!!" malakas at excited nyang sigaw.

"Abnormal kadin pala!" sagot ko.

"Shut up! Basta sana maganda yun, kasi diba tatlong outfit magagamit ko dun? Ang sayo ba?" tanong nya.

"Lima nga ang sakin eh, ano kayang balak nilang gagawin nacucurious ako" sagot ko naman.

"Five? Wows, dami ah nakakaexcite talaga! Galingan mo!" sabi pa nya habang nag aayos ng muka na nakatingin sa salamin. ako naman nagmamaneho padin.

"Oo naman" sagot ko, malaki din ambag ni Ella sa ginawa kong steps dito eh kaya talagang thankfull ako dahil suportahan talaga kami. After a minutes pa ay nakadating na kami.

"Good Morning Ms.Ella and Sir.Julian." bati samin nung isang staff.

"Good Morning din" bati ni Ella, nginitian ko nalang yung babae.

"Dito po tayo" sabi nung babae at sumunod na kami, may building dito tas may pader na may poster, ewan ko, galing nung nagpaint nun. Eto ba magiging background ko?

"Ganda naman dito" manghang sabi ni Ella.

"Mr.Tanchanco andito na po sila" sabi nung babae kaya napatingin kami sa kausap nya.

"Good Morning po" sabay naming bati ni Ella.

"Good Morning din, So ready naba kayo?" tanong nya.

"Opo" sagot ko .

"Tara na i aarrange ko na yung mga gagawin nyo." sabi naman nya at tumayo na.

Ella's Pov:

So ayun nga inaayos na nila yung mga gamit na gagamitin at mga background dancers, si Julian palang naman kinakausap kasama yung mga kasama nyang sasayaw sa may mid part padaw ako papasok eh. So ayun nga nagstart na kami merong mag isa si Julian na nagsasayaw, tas may mga sayaw na kasama na nya yung iba, basta , ewan ko nga eh hirap kaya neto i edit tas dami pang papalit palit ni Julian ng damit. Then after a hour na paghihintay. Tinawag nako kasama ni Julian at ng iba pa. inexplain ni Mr.Tanchanco ang gagawin ko, alam ko naman na yung tinurong steps sakin ni Julian kaya dina kami mahihirapan, so ayun na nga, pinaakyat na kami ni Julian dun sa may taas, nakakatakot nga eh, at take notee shemmss ganda nung outfit ko dito. Kami lang daw ni Julian dito, nandun padin yung ma pink kong buhok dahil sa ginawa kong music video ng Tamis, required kasi na pink hair yun, eh mas minabuti ko munang wag alisin kasi cute namn kaya dito is may pagkapink padin buhok ko. So ayun hindi kona patatagalin pa. Fastforward na tayo. Basta kapagod yung shoot, ilang beses na papalit palit ng susuotin. And i think the best tong music video nya. Ang ganda ng bawat concept isama mopa yung background neto.

Julian's Pov:

Umaga kami nagsimula at ngayon ay 4pm na, natapos naman na namin. Hindi kona ikwekwento yung mga naging pahinga at pagkain namin dahil hindi naman na mahalaga. Ang mahalaga naging maayos yung ginawa namin, sigurado magkakagulo na naman sa comment box ang mga fans namin. Dahil sa naisip na concept ni Mr.Tanchanco para samin ni Ella. Maraming take pero naayos naman.

"Uyyy, ano kamusta" panggugulat sakin ni Ella.

"Ayos naman" nakangiti kong sagot.

"Kapagod noh? Compare dun sakin. Simple lang" natatawa nyang sagot.

"Oo nga eh, pero para din naman sa atin to kaya ayos lang na mapagod" sagot na.

"Bakit ba? May sinabi bakong hindi para satin toh?" pagtataray na naman nya. Kahit san mo tignan si Ella, ang ganda ganda nya, maputi. Makinis na balat. Maamong muka, lahat na nasa kanya, yung ugali lang talaga. Hindi naman ako natuturn off sa kanya dahil sa mataray sya, dahil alam kong may pinanghuhugutan sya. Pero ewan ko habang tumatagal kaming nagkakasama, napapalapit yung loob ko sa kanya.

Ella's Pov:

"Oyyy may kausap paba ako? Anyare sayo?" bungad ko kay Julian na mukang nakatulog na habang nakamulat, bigla bigla nalang syang tumahimik at nakatingin kung saan.

Umiling iling naman sya bago sumagot.

"Pasensya na, ano nga ulit yun?" sagot nya.

Inikutan konalang sya ng mata at tumayo na.

"Teka san ka pupunta?" tanong pa nya.

"Uuwi na" sagot ko habang naglalakad papalayo ng bigla kong makasalubong si Mr.Tanchanco.

"Oh, Ella asan si Julian? Uuwi na kami naayos na mga gamit,kayo ba?" bungad sa akin ni Mr.Tanchanco.

"Naiwan po dun, pero pauwi nadin po kami, ingat po kayo" sagot ko.

"Sige, mauna na kami " sabi nya at umalis na.

Dumiretso nako sa kotse ni Julian. Ng makarating duon pumasok na ako at tinawagan sya. Nakatatlong tawag nako pero nagriring lang, kaya naman bumaba ulit ako at bumalik kung san ko sya iniwan, pero wala na sya, nakaramdam ako ng kaba dahil sa tahimik dito, tanging mga sasakyang dumadaan nalang ang makikita mo, ako nalang ba ang tao dito? Nasan na ba sya. Muli ko syang tinawagan at this time naka off na ang phone nya, hindi ko alam ang gagawin ko, inikot ko na ang lugar at hindi ko sya makita. Nagdidilim na pero wala padin, wala akong no. ng mama ni Julian, baka mamaya iniwan na nyako . Umupo muna ako sa isang upuan duon at huminga ng malalim, hindi ako makaalis dito dahil nakay Julian ang susi ng car nya, at imposibleng umalis sya kasi nga andito kotse nya. Eh asan na ba sya!!

"Juliann!!!!" sigaw kopa , pero wala padin, hanggang sa napatingin ako sa taas kung san kami nag shoot kaninang dalawa, at nakita kong nakahiga sya dun! Magkahalong galit at inis ang bumalot sakin, parang sasabog ako sa galit. All this time na hinahanap ko sya tulog lang pala sya dun!! Nag aalala ako sa kanya, Akala ko nawala na. Yun pala nagpapahinga at ang sarap ng tulog dunn!!.

"Hoyyyyy Juliaaaannn!!!!" Malakas na malakas kong sigaw, hindi naman ako nabigo dahil mula sa taas sumilip sya sa baba kung asan ako. Nagkusot pa sya ng mata bago tumayo.

Hindi sya sumagot at bumaba na, pagkababa nya tsaka sa nagsalita.

"Bat ang sama ng tingin mo dyan? Bakit hindi mo agad ako ginising maggagabi na oh!" sabi pa nya na lalong nagpagalit sakin, nawala ako sa sarili at pinatikim sya ng isang suntok sa muka.

"Arayyyy!! Bat mo ginawa yun!?" ramdam ko yung sakit na ginawa ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay tumakbo nako papunta sa kotse at pumasok sa back seat.

Maya maya pa ay dumating na sya at sumakay nadin, bago nya pinaandar ang kotse ay tumingin sya sakin ,mula sa front mirror.

"Ano bang problema mo at sinuntok moko kanina? Ang sakit kaya" sabi pa nya na parang wala lang sa kanya.

Sa halip na sumagot ay humiga nalang ako dito sa backseat at pumikit ...

____

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now