7: Continue? or Not?

3.9K 138 0
                                    

Ella's Pov:

Ting_

Inopen ko ang message ni Julian sa messenger ko lahat na ata ng social media acc. ko inadd nya.

Julian Trono:
Good Morning Ms.Ella, sasabihin kolang sana na ituloy na natin ngayon ang pagpapractice para matapos na, alam kong may hindi tayo pag kakaunawaan kahapon, at eto ako, ako na ulit yung nagpapakumbaba at humihingi ng paumanhin sa naging sagutan natin kahapon. Andito na pala ako punta ka nalang.

Hehh! sadya ikaw naman talaga ang may mali, kaasar na lalaking to, tutuloy kopa ba to? or tama na. Ayoko syang kasama! nababadtrip ako palagi!! Kung ititigil kona, pano nalang ang mga fans ko na iilan nga lang, pag naman tinuloy ko maghapon na naman akong magtitiis kasama ang lalaking yun . Sige tuloy ko nalang.

reply...
Dapat lang nuh! ikaw naman talaga ang nagsimula kahapon. Ok i'll be there.

Parang wala lang nangyari samin eh! magpapaka plastik muna ako, habang nasa ganong posisyon ako ay biglang may kumatok.

"Pasok!" sigaw ko sa kumakatok.

Pagbukas ng pinto bumungad sakin ang magandang si Donna. Napatayo naman ako sa kama at sinalubong sya ng yakap.

"Wow! what a pleasant surprise, di ka naman nagsabi na dadating ka" natatawa kong bati sa kanya.

"Actually papunta sana ako sa gym kung san kayo nagprapractice ni Julian, eh nabanggit nya na andito kapa daw senyo, kaya dinaanan na kita sabay na tayo" mahabang nakangiti naman nyang paliwanag sakin.

"Nakakain kanaba? tara baba muna tayo, magliligo pa ko eh" sagot ko naman.

"No thanks, wait nalang kita sa couch sa baba" nakangiti nitong sagot sakin.

"Sige salamat.." sagot ko at bumaba na sya.

Agad agad naman akong tumakbo sa cr. Napaisip ako habang naliligo, kasama namin si Donna habang nagprapractice for sure sobrang maiilang ako . Kasi syempree ..

Julian's Pov:

Maaga palang andito nako sa gym, nag iisip nako ng mga step para sa sunod na lyrics ng kanta, wala pa kasi kami sa kalahati ng kanta na nabuuan kahapon ng sayaw.

Kung ako lang talaga ang masusunod, hindi din naman ako makikipag trabaho sa babaeng yun para sa dance cover namin, talagang sobrang pagtitiis ang ginugugol ko sa kanya at dahil nadin kay Donna, intindihin ko nalang daw muna kasi, pero di rin mapipigilan ang magkasagutan kami, para kaming asot pusa palagi, eh sobrang talas kasi ng bibig nya, at ako naman etong si hindi rin papatalo, kaya ang resulta sagutan kami, at sa huli laging ako ang humihingi ng despensa kahit alam ko namang sya ang mali, para sa mga fans ko at para sa pangarap kong maging sikat, pagtitiisan ko to.

Ella's Pov:

Katatapos ko palang maligo at magbihis, nakapag ayos nadin ako, nag aayos talaga ako kahit magprapractice lang kami di ako sanay ng walang ayos.

"Hi Donna , natagalan ba?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Hmm medyo" sabi nya at tumawa kami.

"So tara na?" pag aaya ko.

"Di ka magbrebreakfast?" tanong naman nya .

"No need, need ko ng diet para sexy naman ako sa dance cover namin" natatawa ko na namang sagot.

Nang makalabas ng gate tsaka ko palang napagtanto na dala nya pala ang car nya.

"Dala mo pala ang car mo eh" sabi ko.

"Oo mahirap kasing sumakay ng taxi pauwi pag andun na sa gym" sagot naman nya, siguro sinabi sa kanya ni Julian yun di naman totoo.

After a couple of minutes nakarating na kami sa gym kung san kami nagprapractice at nga pala iba ang gym na to sa lagi kong pinupuntahang gym, hindi ito yung gym na nakita ko si Francis na may kalandian na sinira ko.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon