54: Bret Vs Julian

2K 83 4
                                    


Ella's Pov:

So ayun nga simula kanina na pag akbay nila sakin, naiilang nako sa kanilang dalawa parang biglang may kakaiba sa kanila.

"Ma. penge naman juice" tawag ko kay mommy.

"Eto" sabay na namang abot ni Julian at Bret sakin. Sa halip na sumagot, sinaman ko sila ng tingin at lumayo muna sa kanila ,wala naman si Donna at Mommy nya dito, bumalik sa room nila.

Habang nakaupo muli sa buhangin pero hindi naman mainit sa pwesto ko biglang tumabi sakin si Julian. Sinaman ko naman sya ng tingin bago nagsalita.

"Ano bang problema nyong dalawa? Ang trip nyo sa buhay? Lalo kana Julian? Anong ginagawa mo?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Ayoko lang maunahan ako ni Bret" sagot nya.

"Maunahan saan?" nagtataka kong tanong.

"Maunahan sayo" sagot nya, bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Umiwas ako ng tingin bago sumagot.

"Pwede ba Julian, pinagtritripan mo na naman ako, umalis ka na nga" naiinis kong sagot sa kanya.

"Seryoso ako Ella, ayaw kolang maging huli para sakin ang lahat, matagal ko nang nararamdaman to sayo, pero hindi ko pinapansin dahil kay Donna" sagot nya.

"At ngayong wala na kayo ni Donna, sasabihin mona mga yan?Julian naman, may past kayo ni Donna. Wala kaba kahit konting concern sa kanya, sa mararamdaman nya" sagot ko na may pagkainis.

"Sinasabi mo bang tigilan na kita? " malungkot nyang tanong sakin.

"Oo dahil yun ang tama Julian" naiinis kong sagot at tumayo na para umalis , kaso tumayo din sya at pinigilan ako.

"Bakit Ella, mali ba ang magmahal? Anong gusto mo habang buhay kong ikulong ang sarili ko kay Donna? Kay Donna na hindi kona nga mahal" mahabang paliwanag nya, inalis ko naman ang kamay nya sa kamay ko at iniwan syang mag isa dun.

Hindi ko alam ang iisipin ko kung matutuwa ba ako dahil gusto kodin sya at nalaman kong gusto din pala nyako, pero hindi eh, hindi ako magiging masaya kung ang magiging boyfriend ko ay ex ng bestfriend ko, sorry Julian pero gustuhin ko man hindi talaga pwede.

Nagdidilim na nakita ko naman sina Mommy na nakabihis panligo na , sama sama silang lahat at masasayang pupunta na sa dagat, nasa malayo palang ako ay kitang kita kona sila, binaling ko ang tingin sa cottage namin si Bret at Donna nalang ang andun, nakatalikod naman sila sakin habang papalapit nako sa kanila nagsalita si Bret.

"Pano nalang kung malaman nina Ella yung mga paninira natin kay Julian dati para lang magkasira sila?" tanong ni Bret kay Donna. Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Pwede ba Bret, move on! Wag mo ng hinahalungkat yung tapos na" naiinis namang sagot ni Donna.

"Tama si Donna, move on na" bungad ko naman sa kanilang dalawa , napatingin naman sila sakin ng gulat.

"Ella ikaw pala, sorry" sagot naman ni Bret.

"Ayos lang wala na sakin yun" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Gusto ko kasi matapos na yung mga iniisip ko, sasabihin kona sayo lahat ng mga nagawa kong mali senyo ni Julian" seryosong sabi ni Bret.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Remember nung gabing pumunta kayo sa Bar ni Julian? Diba naabutan mo syang tulog dun, naabutan mong may mga babaeng nakapalibot sa kanya?" animula nya.

"Oo tapos nakipag away pako, buti at andun ka" sagot ko naman.

"Hind Ella, kaya nakatulog si Julian at kaya nandun ako kasi nakaplano yun, pinainom ko ng pampatulog si Julian, inutos koyun dun sa mga babae, pero hindi ko naman alam na mapapaaway ka sa mga babaeng yun, pinalabas kona masama sya sayo, na naglalasing sya eh alam naman nyang kasama ka nya, lahat yun pinlano namin" seryosong paliwanag sakin ni Bret, pero sa halip na magalit ngumiti ako.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now