52: JulianElla

2.2K 89 0
                                    

Julian's Pov:

Naka isang linggo na simula nung nakipaghiwalay ako kay Donna, hindi na sya nagpaparamdam sakin. At nung gabi ding yun nakita ko si Ella kasama si Robert yung guard ng Viva Comp.

**Flashback**

Napagkasunduan namin ni Mama na sa labas na kumain ngayong gabi, kaya pumunta kami sa restaurant malapit lang sa subdivision namin.

Pagkapasok namin ni Mama naghanap na kami ng vacant seat ng makita ko si Ella na may kausap na lalaki, kahit nakacap sya sigurado akong si Ella yun, pinagmasdan kopa sila ng maayos ng makitang si Robert yung kasama nya, yung guard sa Viva Comp. Pero bakit sila magkasama? Anong meron sa kanilang dalawa?

"Anak ayun oh, may free seat dun" sabi ni Mama sa tabi ko.

"Ma. wag na pala tayo dito, sawa nako sa pagkain nila tara napo" sagot ko sa kanya at hinila na sya palabas.

"Aray anak, diba eto yung favorite mong kainan? Tapos ngayon ayaw mona?" nagtataka nyang tanong.

"Basta Ma. tara na po" pag aaya ko sa kanya.

**End of Flashback**

Ayaw kolang makita ako ni Ella dun, tatanungin konalang sya mamaya, mamaya nadin kami pupuntang batangas. Napagkasunduan nalang namin ni Ella na sumayaw nalang ng sayaw na ginamit namin sa mga nakaraang event.

Ella's Pov:

Lahat nalang sila manloloko nakakainis, ako naman kahit ganito hindi ako nanloloko ng tao noh.

"Anak sorry ha" bungad ni Mommy sakin habang nagcecellphone at nakaupo sa couch.

"Po?" nagtataka kong tanong.

"Alam ko pakiramdam mo, wala na kaming time sayo, mula noon hanggang ngayon puro nalang kami trabaho" sabi nya sakin.

"Ma. naman eh ako din naman po puro trabaho" natatawa kong sagot sa kanya.

"Oo nga eh. Mukang hindi mona kami kailangan" natatawa ding sagot nya.

"Si Mommy talaga magdradrama na naman, never ko kayong hindi kinailangan" sagot ko naman.

"Nga pala anak, nabanggit sakin ng Daddy mo, may problema ka pala sa mga kaibigan mo" pag iiba nya.

"Kaibigan?" nagtataka kong tanong.

"Si Donna, si Julian tapos si Bret?" sagot nya .

Wala namang meron samin ni Julian eh, sa tagal na naming magkakilala kahit friends lang hindi kami nagkaroon.

"Wala Ma. Naayos naman napo" sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon, pero anak pag may problema ka, sabihin mo naman samin, wag mong sarilihin kaya nga pamilya tayo diba?" seryosong sagot nya.

"Simpleng problema lang naman po yun eh. Kayang kaya konapo" nakangiting sagot ko.

"Kahit na anak, ilang taon kaming wala sa tabi mo at alam namin marami kang pagsubok na pinagdaanan na ikaw lang mismo ang humarap nun. Kaya anak ngayong andito na kami, hayaan mong suportahan ka namin ng Daddy mo" nakangiting paliwanag nya kaya niyakap ko sya.

"Salamat Mommy" sagot ko.

___

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ni Julian habang sya busy sa pagdadrive wala lang kaming imikan dalawa , feeling ko nahihiya ako sa kanya. Hindi ko maimagine na nangyayari to, kasi kung iisipin, nakilala ko sya dahil sa bike nya. Sunod sunod na hindi magagandang pangyayari ang namagitan samin nun, lalo na nung nalaman kong boyfriend sya ni Donna. Tapos ayun nga dumating yung blessing, pero blessing ngabang maitatawag na naging loveteam kami. Na naging sikat kami? Blessing bayun kung ang kapalit ay masira ang matibay na friendship namin ni Donna? Na kaya ngayon umabot na sa hindi dapat ang nangyayari samin, nagkagulo na lahat dahil sa kasikatang toh, at ngayon katabi ko si Julian habang nahdridrive sya, kung noon makita kopalang sya magsisimula na kaming magbangayan, mag away, mag sagutan tapos ngayon magkatabi kami pero pareho lang kaming tahimik at walang pansinan. At dahil hindi kona kaya ang katahimikang toh ,nagsalita nako.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now