27: Jgh

2.5K 82 4
                                    

Ella's Pov

Pa 2 days palang namin dito, at dapat bukas pa kami aalis , ang kaso may message na ang Viva sa amin,hindi naman kami pwede mag reason na nagbabaksyon kami ganon? Kaya mapapaaga ang uwi namin. Ewan koba ayaw ko naman dito pero parang gusto kopang makasama ang Lolo at Lola ni Julian, siguro dahil wala akong ganon.

"Ready naba mga gamit mo?" tanong ni Julian,habang nag aayos din ng gamit nya.

"Oo, kanina pa ikaw dyan ang mabagal" maarte ko namang sagot, habang nag aayos ng pilik mata.

Maya maya pa ay niyakag na nyakong aalis.

"Lolo, Lola pasensya napo mapapaaga ang pag alis ko, trabaho napo eh" pagpapaalam ni Julian.

"Ayos lang Apo, sige ingat kayo" sagot naman ng Lola nya.

"Apo yung bilin ko sayo ha, gawin muna bago ka maunahan at mawalan" natatawa namang sabi ng lolo nya. Oh di sige sila lang nagkakaintindihan , hindi ako belong.

"Lolo naman eh" natatawang sagot naman netong si kumag at napakamot sa ulo.

Parang ansakit na makitang nagpapaalaman sila , wala naman na kasing kasama dito sa bahay ang dalawang matanda , ayaw naman daw ng dalawa na sa maynila na tumira, kasama si Julian at ang Mommy at Daddy nya , kasi gusto nila dito lang.

"Lola , Lolo, salamat po sa pagtanggap sakin dito, sa konting oras pong nag stay ako dito ay talagang worth it, masaya po dito" pagpapaalam ko naman.

"Nakuh iha, pwede kayong bumalik kahit kailan nyo gusto" sagot naman ni Lola.

"Sige po, mauna napo kami" pagpapaalam muli ni Julian , at lumabas na kami ng bahay , ng nakalabas na kami ng bakod ay muli kong tinignan ng dalawang matanda na nakangiti. Hanga ako sa kanila , mayayaman na ang anak nila pero mas pinili padin nilang mamuhay sa ganitong buhay ,dahil may pagmamahal sila sa kanilang pinagmulan.

8am palang napakaaga pa para umuwi pero no choice eh.

Ng makasakay na sa jeep mga ilang minuto lamang ay bumaba na kami sa may tapat ng bus station. Sumakay na kami ng byaheng pa maynila. Mamaya pa namang 1 ang meeting ng Viva sa amin, para siguro ito dun sa wattpad na project samin, bigla akong napangiti ng naalala ko ito.

"Mukang masaya ka ah, dahil ba makakauwi kana?" natatawa nyang paninira sa umaga ko.

Tinignan ko sya ng masama bago bumalik ang tingin sa bintana kung saan makikita mo ang mga tao at iba pang bus, hindi pa kasi umaalis , air conditioned naman ang bus kaya hindi makakapasok ang bad air dito sa loob , like usok ganon, kasi di naoopen ang window neto.

After ng ilan pang minuto ay umandar na ang bus, nasa 5minutes palang ako sa bus nato ay nakaramdam nako ng antok. Ang aga kasi akong ginising ni Julian dahil nga dun.

Maya maya pay kusa ng pumikit ang mga mata ko.

Julian's Pov

Kanina pa sya nakahilig sakin, at medyo nakakaramdam nako ng pangangalay, hindi kasi ako makagalaw dahil baka magising sya.

Tinignan ko sya habang tahimik na natutulog , hindi ko naman makita mukha nya dahil nga nakahilig ito sa akin.

Ella bakit ba iba ang dating mo sa akin?
Bakit pakiramdam ko naiiba ka sa lahat ng babae?
Dahil ba masungit? Mataray at maarte ka?
Oh dahil may nararamdaman nako para sayo?

Ayokong isipin na nagugustuhan kona sya , dala lang siguro ito sa tagal naming pagsasama dahil sa trabaho. Hindi ko pinangarap na magkagirlfriend ng kagaya nya ang gusto kolang simple at mabait, si Donna kasi kahit nagsungit sakin yun nung una , iba din ang dating sakin eh, kaya nung nakilala kona sya ng lubusan nalaman kong may pinanggagalingan sya. Kaya simula nun hindi na ulit sya naging mataray sa iba , sinabi pa nya noon na iniba ko daw sya. Kaso bumalik sya sa dating sya dahil sa selos, tulad ni Ella namimiss konadin sya, hindi ko na nga maipaliwanag eh, mahal ko pa si Donna pero ano tong nararamdaman ko para kay Ella? Ayokong dumating ako sa point na kailangan ko ng pumili. Kasi dahil lang naman sa pagsikat kaya kami magkasama ni Ella ngayon at nawala na si Donna. Pero pangarap kodin ito eh, sa ibang paraan ngalang , sumikat ako bilang isang LoveTeam. Hindi dahil lang sa sarili ko.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin