40: Christmas

2K 159 0
                                    

Ella's Pov:

6am, maaga akong nagising, mamayang 8am magsstart na ang christmas party, dahil may ibang party pang aattendan ang mga parents namin.

Bumaba nako dahil pagkatapos kong magtoothbrush.

"Merry Christmas Mommy!! Daddy! Manang" malakas kong bungad sa kanila at sinalubong sila ng mahigpit na yakap.

"Merry Christmas baby" sagot naman ni mommy.

"Merry Christmas" sagot din ni daddy at manang.

"Nagpadeliver nalang kami ng food anak ha, sige na mag ayos kana, at darating na mga yun, maya maya din" sagot naman ni mommy .

"Sige po akyat napo ako" sagot ko at tumaas na.

Naligo, pagkatapos ay umupo ako at tumingin sa salamin, nagblower ako ng buhok at inipitan muna ito, pagkatapos ay sinimulan ko ng ayusin ang mukha ko. Ng maayos na ang pagmamake up ay inalis ko na ang mga inipit ko sa buhok at inilugay ito, hindi ko masyadong kinapalan ang make up ko. And look the gorgeous me

 And look the gorgeous me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

My Ella Cruz new style. So pinost kodin muna ito sa mga social media accounts ko at binati ang mga fans ng Merry Christmas! Pagkatapos nasa 10seconds palang sunod sunod na react at comments agad ang narecieve ko, pero hindi ko muna ito pinansin at muling binaling ang tingin sa salamin .

"Ibang iba kana Ella Cruz" sabi ko sa salamin. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

Hinayaan ko munang nakabathrobe ako at muling binalik ang focus sa phone.

So its 7:30am na and 8am ang start, naririnig konadin ang boses ng mommy ni Donna sa baba,andun na ata sila, napagdesisyunan kong magbihis na.

Maya maya pa biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.

"Wow, ang baby ko napakaganda talaga" manghang bungad ni mommy sakin.

"Mommy naman eh" tanggi kong nahihiya.

"Baba kana anak, andun na sila lahat, dalian mo excited nako" sagot naman nya ng nakangiti .

"Sige Ma. sunod nako, tsaka Ma"

"Oh?" tanong nya.

"Ang ganda nyo din po" sagot ko tapos napatawa sya.

After kong maayos ng husto ang sarili ay bumaba nako. Nababa palang ako sa hagdan ay mga tingin agad ni Julian ang nakita ko, sya lang ang nakatingin sakin habang pababa ng hagdan dahil busy ang lahat sa pagkwekwentuhan. Ng makababa na sya din ang una kong hinarap.

"Heyy, Mr.Throne, Merry Christmas" Maarte kong bungad sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Me-merry christmas din" nauutal na parang nahihiya nyang sagot, sa halip sa sagutin pa sya, nginitian konalang sya ng fake tapos ay pumunta na kina mommy.

"Okk guys, ako na ang magsstart ha" masayang sigaw ni mommy. Naghiyawan naman kami lahat dahil sa excite.

"So ganito, dapat idedescribe muna natin yung nabubot natin bago natin sabihin kung sino talaga? Ok bayun?" sabi pa nya.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now