10: Finally

3.3K 103 0
                                    

Ella's Pov:

Andito na kami sa company ng Viva Entertainment, paparking lang netong makupad kong kasama yung kotse.

So after nya ma ipark bumaba agad ako.

"Bat ganito yung feeling kinakabahan ako" bulong ko nung nasa tapat na talaga ako nung building.

"Ako din eh , tara na mag  9 na" sabat naman nya. Kahit kelan talaga panira ng moment ang lalaking to.

So nung papasok na kami hinarang kami ng guard.

"San po ang punta?" tanong nung guard.

"Pinapu----- " pinutol ko ang sasabihin ni Julian at nagsalita.

"Obvious ba kuya? malamang sa loob kami pupunta, and excuse me hindi mo ba kami nakikilala? Ow, sige hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko, I'm Ella Cruz and He's Julian Trono and we're JulianElla, so pwede papasukin nyo na kami?" mahaba at mataray ko namang sagot, eto namang si Julian may pa pisil pisil pa sa braso ko. Makahawak lang ang lalaking to eh.

"Pasensya na po Maam hindi ko po kayo kilala, hindi po talaga pwedeng pumasok dito, mga Viva Staff at Artist lang po ang pwede, at tsaka yung may mga imbitasyon galing sa Viva" mahabang sagot nung lalaki.

"Ano ba naman kuya? kahit tawagan mo pa kahit sino dyan sa loob para mapahiya ka" muling pagtataray ko.

"Ella, wag mong dalhin ang ganyang attitude mo dito, mamaya may CCtv pa dyan" bulong ni Julian sakin, tsaka palang ako natauhan at umayos ng tindig. Pero ano naman kung may cctv maririnig bako nun? vovong to.

"Ok Kuya guard, ganito pwede ba tumawag ka kahit sino dyan sa loob? para papasukin na kami!" mahinahon kong sagot

"Eto Kuya oh, invitation from Viva" sabi ni Julian sabay pakita nung invitation sa cellphone nya, tsaka ko palang naalala ang invitation na sinend sakin ng Viva. myghad oo nga pala.

"May invitation ka naman pala hindi mo agad sinabi" sabi nung guard, then papasok na sana kami ng muli nya kong hinarang.

"Teka Miss , may invitation ka din ba?" tanong na naman nya.

"Kuyaa!! malalate na kami ng dahil sayo nakakahiya!" naiinis kong sabi habang hinahanap ang Viva Invitation sakin.

"Oh ayan kuya masaya ka na" naiinis ko pang sabi sabay pakita nung phone ko na halos isampal kona sa muka nya pinipigilan lang ako ni Julian.

Sinaman ko sya ng tingin at yung guard bago pumasok, ka haggard sya!

"Laki naman nito tsaka ilang floor, san ba dito?" naiinis kong tanong.

"Ikaw umayos ka ha. kanina ka pa baka mamaya kinakausap tayo tapos tataray taray ka dyan, pano kung may nakakitang kilala tayo eh di issue na agad hindi pa tayo sikat wala na agad, tsaka wag mong pinagmamalaki kung sino ka, kasi hindi pa tayo ganoong kasikat, marami padin ang hindi tayo kilala, papaalala ko lang sayo, hindi tayo artista na pag may nakakita ay pagkakaguluhan na" mahaba nyang paliwanag. Sinaman konalang sya ng tingin at nagkibit balikat kahit nagegets ko naman ang sinasabi nya.

Dahil nga hindi namin alam kung san pupunta at nahihiyang magtanong sa Viva through message ay nagtanong na kami sa mga staff dito, may id kasi sila.

"Excuse, Ah miss san dito ang office ni Mr.Michael Nagle?" tanong ni Julian, sya kasi ang na assign para sa interview siguro samin ewan.

"JulianElla? Wow myghad kayo nga!" akmang yayakap sana sya, at akmang magsisign ako ng stop pero nakaramdam naman sya, aba dapat lang.

"Pwede pong papicture?" excited nyang sabi, Tumango naman ang pabidang si Julian, and then ayun nagselfie na kami, ngumiti nalang ako ng fake.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now