46: Valentine's Day

2.1K 91 0
                                    

Julian's Pov:

Kanina pakong maaga nandito kung saan gaganapin ang Special Fan's Day para sa Valentines day. Napagusapan na namin ni Ella na maaga kami para mapractice nayung ipeperform namin pero magtatanghali na at mamaya magsstart na wala padin sya.

"Julian, kanina kapadaw nandito? Napaaga ka ata?" bungad sakin ni Sir.Michael na kararating palang.

"Opo, sadya po akong nagpaaga para makapagpractice" sagot ko naman.

"Ganon ba, eh si Ella asan?" tanong pa nya.

"Yun na nga po eh, kaso hanggang ngayon wala papo, hindi naman po nag oopen ng kahit aling social media accounts, tapos cannot be reach ang phone" sagot ko naman na parang kinakabahan na.

"Balita ko, may tampuhan kayo,baka hindi kalang pinapansin, mamaya andyan nadin yun, sige mauna nako may aayusin pa kami" sagot nya at umalis na.

Sinadya nya bang sabihing magpaaga kami para pumunta ako dito ng maaga pero hindi naman talaga?

"Julian" bungad ni Donna na kinagulat ko. Agad agad akong tumayo at sinalubong sya.

"Teka anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.

"Bakit Julian? Ayaw mo naba ako makita? Ayaw mo bakong makasama ngayong Valentine's tsaka gusto ko kayo mapanood ni Ella" seryoso nyang tanong.

"Hindi, hindi sa ganon, sorry akala ko kasi galit kapadin dahil sa nangyari" sagot ko naman. Naguguluhan nako sa cycle ng relasyon namin ni Donna at maging sa pagkatao nyang paiba iba.

"Wala na sakin yun, alam ko naman kahit sinabi mo yun, wala lang din, kasi wala kalang naman kay Ella" sagot nya kaya napatingin ako ng seryoso sa kanya, ano bang sinasabi nya.

"Kahit na gusto mo si Ella, wala din, kasi hindi ka naman nya gusto, kaya hindi nako magpapaka OA na mawawala ka, nga pala asan si Ella?" sunod pa nya, bigla ko namang naalala si Ella , asan na nga ba sya?

Bret's Pov:

Pwede na kaya akong pumasok, kainis na Donna yun, gusto sya unang pumasok para di mahalatang magkasabay kami, kanina pa naman sya pwede na siguro akong pumasok.

Pagkapasok ko, naglinga linga ako ng makita si Julian at Donna, eh nasan ba si Ella.

"Heyy, asan si Ella?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Pwede ba hind kami tanungan ng nawawala" maarteng sagot ni Donna, galing talagang magpretend ng babaeng toh.

"Hindi moba dinaanan sa kanila? Kanina pa kasi dapat syang umaga kaso wala" sagot naman ni Julian.

"Gago kaba? Eh di sana kasama ko sya, dumaan nga ako sa kanila kaso sabi ng mommy nya maaga daw umalis kasi magprapractice kayo, eh asan na nga ba sya?" naiinis kong sagot.

"Can we pls calm down, masyado tayong nagiging OA, kayo lang pala ,malay nyoba namamasyal lang sya dyan sa tabi tabi" maarteng sagot ni Donna.

"Hindi kodin sya macontact, asan na kaya yun" sabi pa ni Julian

"Ngayon hahanapin mo? Eh kasalanan moto! Kung hindi mo sya pinaalis sa kanila ng maaga eh di sana safe sya. Tsaka bat hindi mo manlang sya sinundo sa bahay nila? Napakawalang kwenta mo talaga!" galit kong sabi sa kanya.

"Dahil ayaw nya nga!" sigaw ding sagot ni Julian.

"Pwede ba, tumahimik nga kayo, bat mo ba sinisisi si Julian sa kaartehan ni Ella, kung sumabay sana sya kay Julian safe sya diba? Kaso ayaw masyadong ma pride kaya ngayon eto. Hindi alam kung nasan" mataray na sabat ni Donna, medyo nakaramdam naman ako ng inis kahit alam kong nagprepretend lang kami, pero hindi mawala sakin yung kaba, asan naba talaga si Ella, tawagan konalang muna mommy nya.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon