12: Hurt Over Joy

3.3K 102 5
                                    

Donnalyn's Pov:

Ansakit, ansakit makitang masaya silang magkasama at sikat na. Naiiyak ako na natutuwa para sa kanila. Nakamit na nila yung mga gusto nila. Siguro nga hindi kami ni Julian para sa isat isa, siguro sila talaga ang para sa isat isa tadhana na ang naglalapit sa kanila eh, naalala pa kaya nila ako? siguro hindi na nung hindi pa nga sila sadyang sikat, binalewala na nila ako ngayon pa kayang papunta na sila dun.

"Anak ayos ka lang ba?" concern na tanong sakin ni Mama.

"Yes Ma. im fine" sagot ko.

Tumabi naman si Mama sakin.

"Anak, kung nasasaktan ka sa nakikita mo wag mo ng pilitin, kung mahal ka talaga ni Julian pupunta at pupunta sya sayo, at kung kaibigan padin ang turing sayo ni Ella magpaparamdam padin sya sayo, pero pag ang mga bagay nayun ay dina nila ginagawa sayo, marahil ngay kinalimutan kana nila. Pero kung ikaw ba ang tatanungin ko? sa tingin mo magagawa ka nilang kalimutan?" tanong ni Mama.

"Ma. bat ganun sinasabi nung isip ko na kakalimutan na nila ako, dahil magiging busy na sila sa pagiging sikat pero bat ganun sinasabi naman ng puso ko na kahit san pa sila makarating, hinding hindi nila ako kakalimutan." naiiyak kong sagot.

Hinaplos naman ni Mama ang likod ko bago nagsalita.

"Anak, nasasayo na kung ano ang iisipin mo, pero sa ngayon intindihin mo muna sila, sabi mo nga busy na sila. Ito ang pangarap nila diba? especially Julian?" sagot at tanong naman ni Mama.

"Opo Ma, alam ko naman po eh, naiintindihan kopo, pero hindi ko maiwasang isiping one day magiging sila na, dahil sa mga fans na nagtutulak sa kanila at para sa din sa kanila at kung hindi man, hindi malabong maging sila nga dahil lagi na silang magkasama." mahaba kong sagot at tuluyan ng napaiyak, kahit bago palang kami ni Julian, mag tu 2months palang, mahal ko na talaga sya.

"Shhhh, tahan na ." pagpapakalma sakin ni Mama.

___

Julian's Pov:

Andito na kami ngayon sa office ni Mr.Michael para ipakilala ang mga kasama nya dito.

Kumatok muna kami, at pinapasok naman agad kami.

"Good Morning po" bati ni Ella'ng plastik.

"Upo kayo" sabi samin ni Mr.Michael.

"Salamat po" sagot ko at umupo na kami

"Good Morning JulianElla, I'm Vicente Del Rosario, ang naghahandle ng Viva Films and also Viva Records." sabi nung kasama nyang lalaki, bale dalawa lang sila, kala ko madami.

"Nice to meet you po" bati ni Ella'ng plastik

Hanggang kailan ba kami magplaplastikan sa harap ng iba.

"Napanood namin ang interview sa inyo, at ngayon pina diretso namin kayo dito para i congratulate, dahil isa na kayong ganap na VivaArtist" saad ni Mr.Michael na nagpalaki ng mga mata namin ni Julian sa pagka mangha!

"Talaga po? naku maraming salamat po" naiiyak na sagot ni Ella .

"Oo at ipapatawag namin kayo pag may project ng nagawa ang Viva para sa inyo, sa ngayon sa pagsasayaw nyo muna ituon ang inyong atensyon, gusto naming mas sumikat pa kayo, kaya ako na ang mismong nagrerequest ng isa pang dance cover, at syempre maraming requirements para maging isang artist kayo, marami kayong form at contract na fifill-upan pati nadin guardians nyo" sabi naman ni Mr.Del Rosario.

"Makakaasa po kayo" sagot ko naman.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng yakap mula sa tabi ko, si Ella?

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora