20: Ella's Birthday

2.7K 87 0
                                    

Ella's Pov:

Naka 3weeks na nung huli kaming nagkita at galit pako nun. Remember yung music video nya, yun ang last na pagkikita namin, inalis konadin ang pink kong buhok at pinalitan ng light brown sa may pababa ng buhok, at ngayon eto birthday ko, August 17 my 22 birthday. Andito din si Mommy at Daddy na wala na ngang alam sa mga nangyari sakin dito, alam nila yung magagandang nangyayari sakin tulad ng pagsikat, pero ni minsan wala silang alam sa mga masasakit na nangyayari sakin, tulad samin ni Donna, at sa madami pang bagay, akala nila palagi akong ok habang nagtratrabaho sila sa malayo, akala nila masayang masaya ako sa marangyang buhay nato.

"Happy Birthday Anak!" bungad sakin ni mommy sa kwarto ko, ngumiti naman ako ng peke at nagpasalamat.

Tumabi sakin si Mommy habang nakaupo sa kama .Hinawakan nya ang kamay ko bago nagsalita.

"Anak pasensya kana ha, alam mo namang ____" naputol ang sasabihin nya dahil nagsalita ako.

"Yes Ma. alam ko naman pong para sa akin ang ginagawa nyo, dont worry Ma. naiintindihan ko naman po" sabi ko at tumayo na sa kama.

"Anak, nakapag invite kanaba ng mga friends mo?" tanong pa nya nung papasok nako sa bathroom.

Humarap ako sa kanya bago sumagot.

"Ma. naman isa lang naman kaibigan ko, nawala pa" pabulong kong sagot.

"Ano?" tanong nya ulit.

"Basta Ma. walang reason para mag handa pa kayo, ok na ko, sayang lang din kasi wala namang pupunta dito for sure." mahaba kong sagot.

"Mga kabatch mo nung high school? nung college? invite mo sila lahat" pagpupumilit pa nya.

"Ma, nangangati na yung muka ko, maghilamos po muna ako." pagmamaktol ko.

"Sya sige anak, mag ayos ka muna at sumunod kana sa baba" sabi nya ng nakangiti at bumaba na.

Birthday koba talaga? Seryoso ba? Hindi ko mafeel eh. Feeling ko anlaki ng kulang. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay nagpalit nadin ako ng suot kong pantulog. Pagkatapos ay nag open ng mga social media accounts, buti pa yung mga fans ko, updated sa birthday ko, buti pa sila nakakala ala, pero bat ganun. Birthday ko pero andito padin ang JulianElla nato, lagi nalang bang kasama si Julian? Hello fans? Hindi JulianElla account to, account kolang to, myghad, sinasabi nung iba, Magcover ulit kami ng dance video, yung iba naman wish daw nila para sakin pagkaron kami ng movie ni Julian, napaka imposible naman ata nun, yung iba naman #waiting daw sa nxt music video namin, at sana daw music video together namin ni Julian, yung hindi single music video, hmmm sana nga naman. Pero hindi naman kami magdedecide nun kaya SANA nga.

My real name pala is Gabriella Annjane Cruz, pero pinaikli ko nga dahil sa hilig ko mag vlog, mag dance cover, pinaikli ko nalang as Ella , dahil nadin ito yung tawag ng karamihan sakin. Bumalik muna ako sa pagkakahiga dahil nakakatamad pa.

Nagpicture muna ako ng isang simple , no filter at kahit ano .

Nagpicture muna ako ng isang simple , no filter at kahit ano

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


No caption yan.

So ayun nga kanya kanya ng batian sa akin. Sana all, totoo naman kasing wala akong kaibigan si Donna lang eh tapos nawala pa, si Julian kaya , malamang alam nun na birthday ko, eh ano bang aasahan kodun? Ni mag kaibigan nga wala kaming relasyon noh. Magkaaway pa baka .

"Ella, kanina kapa hinihintay ng mommy at daddy mo sa baba" bungad sakin ni manang.

"Ahh sige po susunod napo" sagot ko naman.

So after 1minute pang pag iisip ay bumaba nako, nakaupo na si mommy at daddy sa hapagkainan kaya umupo nadin ako.

"Good Morning anak, anong gusto mo ngayong birthday mo? Kasi napagplanuhan na namin ng mommy mo na maghanda ng malaking handaan dito sa bahay mamayang gabi, ok ba sayo yun?" mahaba agad na bungad ni Daddy.

"Daddy hindi napo kailangan, tsaka Ma, diba nasabi ko na po, wala pong pupunta dito" sagot ko naman.

"Sure kaba anak? Ngayon pang sikat kana for sure madaming aattend sa party mo" excited pang sagot ni Mommy.

"Tsaka anak, marami ding ka business namin ang gusto kang makita sa personal" sagot naman ni Daddy.

"Dad ,Ma. Ok na po ako, kahit labas nalang tayong tatlo, masaya napo akong kompleto tayo ngayong birthday ko" sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Minsan lang kasi anak dumating yung birthday mo, kaya sana maging memorable" sagot pa ni Mommy.

"Kung gusto pala memorable bat nung 18 ko wala kayo" bulong ko.

"Ano anak?" tanong ni daddy.

"Nevermind Dad, kain na po kayo" sagot ko nalang.

"Eh pano yun, pupunta na dito mamayang dinner yung mga kabusiness namin?" sabi pa ni Mommy.

"Wala naman pong problema yun eh, Ok lang po yun, basta wag napo kayo magpaka abala dahil wala po talaga akong bisita" sagot ko.

"Hindi Anak, kasama nila mga family nila kaya masaya yun, invite mona si Donna tsaka yung boyfriend mo" kinikilig na sabi pa ni Mommy.

"Ma. naman eh, hindi ko nga sya boyfriend, diko rin kaibigan, at walang kahit ano samin, magkatrabaho lang po kami" mahaba kong sagot.

"Napaka defensive namn ng anak ko" natatawang sagot ni mommy at tumawa silang dalawa.

Tinignan konalang sila ng masama pero nakangiti, kayo na bahala mag imagine.

After a minutes na pagkukulitan. Umakyat na ulit ako ipapaayos na nila ang bahay para sa party mamayang gabi na ang bisita sa birthday ko ay mga kilala lang nila. Myghad, pero si Donna , wala pa talaga silang alam, tas si Julian naman lagi nilang sinasabing boyfriend ko, dami nilang hindi alam, eh kasi naman sa states na tumira, si Julian nga dahilan ng pagkagalit sakin ni Donna eh. Tama na ang pag iisip, maliligo nalang ako.

After makaligo ay nagmuni muni na naman ako, ano naman kayang magiging party mamaya, party ng matatanda? Bat naman magpaparty pa sila sa birthday kopa kakahiya naman puro mga businessman and businesswoman ang andito mamaya, so ano gagawin nilang business meeting yung birthday ko? Ay mali business party pala ...

Si Julian kaya? Bati naba kami? Hindi pa noh! Bahala sya basta wala akong iiinvite bahala sila mommy sila lang naman may gusto eh di sila nalang ang magsaya dun. At ako. Tatahimik nalang dito sa kama ko buong araw, hindi nalang ako lalabas mamaya, pero sana nga pwede .Dami ko na ngang isipin sumabay pa itong party nato

_____

Itutuloy !!!

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now