53: Outing

2.1K 87 6
                                    

Ella's Pov:

At dahil kilala nyo naman si mommy na gala, gusto lagi may ocation, kaya ngayon andito kami sa isang resort para dito mag summer tulad nung christmas. Kasama namin si Donna at ang mommy nya na kaclose ni mommy, tapos si Bret at ang daddy nya na kabusiness nina mommy, then si Julian, Julian na kaloveteam ko at mommy at daddy nya.

"Mommy, asan si Donna?" bulong ko sa kanya.

"Nagbibihis lang anak. Julian punta kayo ni Ella dito magandang pang update to sa mga fans nyo" sabi naman ni mommy samin ni Julian.

"Mommy nman eh" naiirita kong angal sa kanya pero pumwesto na si Julian dun, agad agad naman akong hinila ni mommy at itinabi kay Julian.

"Mommy nman eh" naiirita kong angal sa kanya pero pumwesto na si Julian dun, agad agad naman akong hinila ni mommy at itinabi kay Julian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


So ayan ang outfit namin ngayon. Ang ganda ng background.

"Oh anak bagay na bagay talaga kayo" nakangiting bungad ni mommy samin, napatingin naman ako sa paligid at nagsitahimik ang mga tao dito, si Donna lang naman ang wala dito.

"Ayy nako, kumare sorry, sorry sa inyo nagbibiro lang naman ako" natatawang sabi ni Mommy. Si mommy talaga.

"Hon, dun lang ako sa room natin" paalam ni Daddy , bawat family tig iisang room.

"Sama nako" sagot naman ni Mommy.

"Ako din po" sagot kodin at sumunod sa kanila.  Pagkapasok palang namin ay nagsalita na si Daddy.

"Hon naman alam mo namang si Bret ang bagay sa anak natin. Alam mong may Donna na si Julian" sabi ni Daddy .

"Pero Hon. Diba sabi ni kumare. Nagbreak na si Julian at Donna dahil may hindi daw ata pagkakaunawaan. Isa pa mas bagay si Ella kay Julian" sagot naman ni Mommy.

Ako naman nakaupo lang sa kama ko at nakikinig sa pagtatalo nila.

"Kahit na Hon, ansama naman tignan na ex boyfriend ng kaibigan mo ang magiging boyfriend mo" sagot naman ni Daddy.

"Walang masama sa pagmamahal, ikaw na nga ang nagsabi may gusto ang anak natin kay Julian at sabi modin sigurado kang may gusto si Julian sa anak natin? Oh eh anong mali dun? Tadhana na gumagawa ng paraan para paglapitin sila" mahaba namang paliwanag ni mommy.

"Ah basta Anak ha, yung sabi ko sayo kung magmamahal ka kay Bret na para ingat sa sakit" sabi ni Dad at tumingin sakin..

"Hindi, kay Julian sya" sagot naman ni mommy.

"Mommy, Daddy isang lalaki lang yung gusto ko" sagot ko sa kanila.

"Si Julian?" tanong ni Mommy.

"Si Bret yan? Diba anak?" tanong din ni Daddy.

"Wala po sa kanila, nag iisang lalaki lang yung gusto ko at si Daddy yun" nakangiting sagot ko at niyakap sya.

"Anak naman eh, iba ang pagmamahal sa magulang, pero kung tatanungin kaba Anak, sinong gusto mo si Julian ba na napakagwapo at syang dinidikta ng puso mo---" naputol ang sasabihin ni mommy dahil nagsalita na si daddy.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now